07. his scent

2.9K 118 14
                                    

Gaille's POV

Andito ako ngayon sa classroom. Matiyagamg naghihintay sa Prince Charming Mayabang na yun. Sabi niya may lakad kami eh. Gusto ko ng umuwi. Para wala akong parusa, titiisin ko na lang siyang hintayin dito.

Lumabas na lang ako ng classroom at tinignan ang campus. Hmmm. Nagulat ako ng may yumakap sa akin. Someone just hugged me behind and said..

"Andyan si Lucy, simula na ang palabas."

It's V. Okay. Nakita kung dumaan si Lucy. Hindi niya kasama ang friends niyang magaganda. Tinawag ko sya..

"Lucy, saan ang lakad natin?" Tanong ko habang hinahawakan ang kamay ni V. Feeling close lang. Dapat daw kasi magselos siya. URG! Hindi ko talaga alam ang gagawin.

"Lalabas kami ni Jason ngayon para manood ng sine. Ano, sama kayo?" Invite niya sa amin. Woah! Mabait na talaga siya. Ano kayang nakain niya? Tinignan ko si V and he gave me sige-sama-tayo-sa-kanila look.

"Sure. That would be nice! Para makabonding ko naman bestfriend ko, si Jason." Sagot ko sa kanya.

Kasalukuyan kaming naglalakad patungong parking lot ng school. Maraming tumitingin. Para tuloy akong kontrabida dito. Nakaablay lang si V sa akin pero ang mata niya nakatingin kay Lucy. It's like new girlfriend with the ex-girlfriend. Nakakahalata siya. Si Lucy naman may tinetext sa phone niya. For sure, si Jason na 'yan.

"Pwedeng, sabay na lang ako sa inyo pumunta sa mall? Hindi ako masusundo ni Jason eh." Sabi ni Lucy sa amin.

"Sure." V said emotionless. Oy! Mukha nito.

Nasa passenger seat ako, si Lucy naman nasa back seat. Ang awkward naman nito. Biglang hinawakan ni V ang kamay ko pero inalis ko ito. Nagmamaneho kaya siya.

"Ano ka ba, V. Magmaneho ka na lang, okay?"

Nakakahiya kay Lucy. But then, he gave me a glare. Whatever!

Pagdating namin sa Mall nakita namin naghihintay sa labas si Jason. Nagkita naman sila ni Lucy. Nang nakalapit na silang dalawa. Oh, Nagkiss sila sa lips. But just a quick kiss. That was so sweet. OMG! My naked eyes lmao.

Nakahawak si V sa kamay ko ngayon at naramdaman ko na hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. Nainis siguro siya sa nakita niya. Infairness, masakit siya. Tiis-tiis na lang tayo nito. Galit yata si Alien V.

"Oy, Gaille, andito pala kayo!" Sa wakas napansin din kami ni Jason.

"Ah Yes. Your girlfriend invited us." Sagot ko sa kanya.

Tinignan naman ni Jason si Lucy at nagsmile siya and Lucy smiled back. How sweet! Ano kayang ginawa ni Jason kay Lucy?

"Sige, bumili na tayo ng ticket." Sabi ni Lucy.

"Sige, mauna na kayo. Bibili lang kami ni V ng popcorn and snacks." Sabi ko sa kanila.

"Okay. Magkita na lang tayo." Masayang sabi ni Jason.

Habang naglalakad kami ni V patungo sa popcorn store, tahimik lang sya. Ako na lang lagi ang nagsasalita kanina.

"V, ano kaya kung itigil na natin ang pagpapanggap. Diba dapat si Lucy ang magselos, parang ikaw nga 'tong nagselos kanina sa kanila. Sakit ng kamay ko kanina ha." Sabi ko sa kanya.

"Hindi, hindi pwede." Walanv emosyon na sagot niya.

"Bakit naman? Our plan is getting useless. Dapat maging happy ka na lang para kay Lucy at sa best friend ko kasi Happy sila sa isa't-isa. Let's support them."

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now