22. beach house pt.4

2.2K 85 8
                                    

GAILLE's POV

Sinilip ko sa bintana kung sino ang nasa labas. Pero syempre, hindi ako nagpakita. May lalaki at babae sa labas pero hindi ko makita mukha nila.

"Ano na?" -tanong ni Jimin na nakatago sa likod ni Johnny.

"Isang babae at lalaki. Nako! Jimin, ipapabugbog ka ata." ^____^ -syempre biro ko lang ang sinabi ko.

"Ohmygosh!" -sagot niya na hindi mapakali.

"Bubuksan ko ba? O hindi? Kanina pa sya katok ng katok oh. Masisira na ata ang pinto."

"Wa---wag muna!" -pigil ni Jimin lol

"May kasalanan ka noh?" -sabi ni Harry sa kanya.

"Nako! Jimin, ikaw ha. Yung chocolates na binigay mo sa akin dapat ay sa kanya yun." -konsensya ko sa kanya.

"May girlfriend ka na pala. Hindi mo sinabi." -sabi ni Harry sa kanya.

"Sasabihin ko naman sana eh pero si Jude pa lang sinabihan ko. Siya yung malayo sa atin noon eh."

"CHIMCHIM!!" -sigaw na naman ulit ng babae sa labas.

"Chimchim pala ha." -sabi ni Sean sabay lapit sa pintuan at buksan ito.

"Yes, madam. What can I help you?" -wow Sean ha! Na-INSPIRE na rin ako magengrish lol

"I am looking for Mr. Jimin!" -sabi nung babae. Sinilip ko naman siya. Nakaharang yung pinto eh and----

"Yuri?" -kasama nya si Kris? Tumingin naman sya sa akin.

"Ohmygosh! Gaille? Ikaw ba ang babae ni Jimin?" -sabi nya in a naiiyak voice. Ha, bakit ako?

"No. May---"

"Hoy! Girlfriend ko sya." -sambit ni V sabay lapit sa akin sa likod at hawakan ako sa braso.

"Anyway, saan na si Chimchim? Wag nyo syang itago." -sabi nya. Back to normal tone na sya. Anyway, Yuri's one of our friend ni Sam but since nasa ibang section siya so, hindi namin sya gaanong nakakasama.

"Ow! Ikaw pala ang girlfriend ni Jimin. Ganda!" -pagkasabi ni Harry nun, lumabas naman si Jimin sa likod ni Johnny sabay sampak sa kanya sa braso.

"Hoy! Girlfriend ko yan. Dun ka sa iba." -sagot ni Jimin sa kanya. Nagpakita din sya. Haha

"Chimchim! Bakit hindi mo ko sinama?" -sabi ni Yuri sabay lapit sa kanya.

"Akala ko ba galit ka?" -instead na sagutin sya ni Yuri ay niyakap nya lang si Jimin. Nakita ko naman si Kris na nakasandal sa pintoan dala ang luggage ni Yuri.

"Kris, bakit mo sya hinatid dito?" -tanong ni Jimin kay Kris.

"Syempre, ayokong sirain niya masterpiece ko. Pinilit rin niya ako na dalhin siya dito." -paliwanag ni Kris sabay pasok ni Kris sa luggage ni Yuri sa loob.

"Ikaw na ang bahala sa bestfriend ko. Guys, I have to go. I still have to finish my new masterpiece." -sabi nya. Tahimik kami lahat except kay Sean.

"Hahaha ... Ha-ha-ha-ha" -sya lang yung tumawa. Haha oo nga pala. Yung drawing ni Kris xD Tinignan lang sya ni Kris.

"Pareho pala tayo ng gilagid pero mas mataas ako sayo. Sean, ikaw ang susunod na idra-drawing ko! Gusto mo?" -Hahaha ngayon, kami na naman ang tumawa except kay Sean.

"Hoy! Bawiin mo sinabi mo!"

"Mas mataas pa ako sa'yo. Sige, alis na ako. Aatakihin ako sa puso nito." -sabi ni Kris sabay alis.

"Lagot sa akin ang lalaking yun kung tataas pa ako."-sabi ni Seam sa hangin haha

------

Nasa dining room kami ngayon.

"Guys, akala ko ba walang secret-secret?" -sabi ni Johnny.

"Sasabihin ko naman sana pero..." -hindi na natapos sasabihin ni Jimin, nagsalita agad si Jin eh. lol

"Pero? Pero ano?" -Jin

"Ano.. teka..." -Jimin

"Ang sabihin mo na lang na natatakot ka na hindi nila ako magugustuhan asus, indenial ka pa! Alam ko na!" -biglang sambat ni Yuri

"Oy, hindi ganun no." -deny ni Jimin sa sagot niya.

"Kung hindi ano naman? Sus, siguro may babae ka! May ibang babae ka no?" -tanong ni Yuri sa kanya.

"Wala no. Kung meron man..." -hindi na naman natapos ang sagot ni Jimin.

"Ewan ko sa'yo..." -Yuri

"Teka guys ha, aayosin lang namin 'to." -sabi ni Jimin sabay punta nila ni Yuri sa kwarto nya.

"May secret pa ba kaming hindi nalalaman dyan?" -tanong ni Johnny nang makaalis na sila Jimin.

Natahimik naman kami. Tinignan ko si V na kanina pa wala sa mood. Tinignan rin sya Johnny.

"Ikaw, V?" - Instead na sagutin nya si Johnny ay nagbackout sya. Syempre, sinundan ko.

Pumunta sya sa labas.

"Ba't mo ko sinundan?" -tanong nya sa akin.

"Ano naman ang gagawin ko dun?"

"Ba't mo sinagot ng isa pang tanong ang tanong ko?" -V. Ano ba naman ang taong 'to. Kanina pa 'to nagsusungit.

"Ba't wala ka sa mood?" -tanong ko sa kanya.

"Ano 'to question and answer portion?"

Napasigh na lang ako sa usapan namin.

"V, tama na! Papangit ka talaga!" -pagkasabi ko nun, humarap sya sa akin. Nakatalikod sya kanina eh. Humarap sya sa akin pero tinignan nya lang ako.

"Hindi ka magsasalita?"

".........."

"Magsusungit ka pa rin?"

".........."

"Okay, fine. Ang sabi pa naman ni Johnny walang secret-secret sa grupo niyo. Hmmmm..."

"Anong plano mo?"

"Bakit ko naman sasabihin? at Ba't ba kita kinakausap? Makaalis na nga."

Iniwan ko na lang sya dun. Baka ayaw niya ng distorbo. Ano ba ang problema ng lalaking yun. 

*****
V's POV

Gabi na at nagmovie marathon kami. Suggestion ng girlfriend ni Jimin eh. Actually, wala si Jude. I think nasa kwarto na niya natutulog. Umalis kanina si Gaille hindi ko alam kung saan pumunta. Hindi ko kakausapin yun.

"Guys, nandyan ba si Jude?" -tanong ni Johnny.

"Bakit?" -tanong ko sa kanya.

"Hihiramin ko pa ang earphones nya. Namisplace yung sa akin eh at kung sayo yung hihiramin ko baka mawala ko na naman." -sagot niya sa akin.

"Nasa kwarto niya natutulog." -sagot ko sa kanya.

"Wala sya dun. Saan kaya ang lalaking yun? Harry, yung earphones mo na lang ang hihiramin ko."

"Nasa higaan ko. Kunin mo na lang." -sagot ni Harry na hindi inaalis ang mata niya sa screen.

Akala ko ba tulog na ang lalaking yun. Saan nga pala si Gaille? Ba't wala dito ang dalawang yun?

-----*END OF CHAPTER TWENTY-TWO*-----

TO BE CONTINUED...hehehe
Sorry guys kung maikli lang ang chapter na'to ^^,

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now