12. confession?

2.5K 108 4
                                    

Gaille's POV

Nandito na kami sa kitchen. Kinuha na ni Tita 'yong pinamili niyang ingredients para daw sa chocolate cake na gagawin daw namin. Mahilig pala magbake ang mommy niya. She prepared it all on the table.

"Pupunta ba si V? Tawagan mo nga baka kung saan na 'yon napadpad."

"Tita naman. Don't worry, I think he will be here soon. Sige po, tatawagan ko na muna." Sagot ko sa kanya.

Tinawagan ko na nga si V. I felt sorry sa moment niya ngayon with Lucy. Ayan, sinagot na niya. Akala ko hindi niya sasagutin kasi busy sila ni Lucy.

"Hello V-Vabe, saan ka na? Nandito pala mommy mo sa unit ko. Magbabake kami." Sabi ko sa kanya.

V lang sana ang sasabihin ko kaso nandiyan pala mommy niya.

[V: Ha? Ahm, pupunta na ako.]

"Gaille, kausapin ko nga si V." Singit naman ng mommy niya.

"Babe, kakausapin ka ni Tita. Bigay ko lang 'yong phone." Binigay ko na 'yong phone.

"V, saan ka na? Pumunta ka dito sa unit ni Gaille ha. Wag nang pumunta sa kung saan." Sabi ng mommy niya.

[V: Opo mommy. Andyan na po. *V, sino yan?*] Nakarinig kami ng end call. Binaba na siguro ni V, nagsalita si Lucy eh.

"Hello, V? Naputol 'yong call. Pero may narinig akong boses ng babae."

Nako naman! Si Lucy 'yon. Anong palusot ko dito?

"Boses ng babae? Baka si Suga lang 'yon o di kaya si Jimin. Nagpapaboses babae 'yong dalawa kapag naguusap kami ni V sa phone hehe. Nang-aasar lang siguro 'yong dalawa." Palusot ko.

"Siguraduhin mo lang baka may ibang babae na 'yon. Hindi pa naman gusto ng daddy niya ang ganyan."

"Ikaw talaga tita. Hindi magagawa ni V sa akin 'yon. Walang ibang babae 'yon. Sige na, wag ka nang magworry tita, madadagdagan lang ang ating wrinkles. Magsimula na tayo habang hinihintay natin siya. Turuan muna ako magbake." Excited na tugon ko kay Tita para hindi na siya magtanong.

*****

V's POV

Tumawag si Gaille sa akin. Si mommy nasa unit niya. Saklap, pinapapunta niya pa ako. Naman eh, nagmomoment pa kami ni Lucy. Narinig kaya ni mommy si Lucy sa kabilang linya?

"V, okay ka lang? Sino ba 'yon?" Inis na tanong niya sa akin.

Nasa living room kami ngayon. Nakaupo ako sa sofa. She was sitting on my lap because we are doing something. Buti na lang tumawag si Gaille.

"Okay lang ako. Pinapapunta ako ni mommy sa bahay. Let's continue this some other day?"

"K. Fine." Reklamo niya sabay ayos ng damit niya.

"Lucy..."

"What?" Maarteng sagot niya. Kahit maarte 'to, mahal ko 'to eh.

"Ipapakilala na kaya kita kay mommy."

"No. I'm not yet ready for that." Diretsang sagot niya.

"Okay. Hihintayin ko na lang pagready ka na." Sabi ko as I gave her kiss on her lips. Kinagat ko pa labi niya then I cupped her face.

"Ihahatid pa ba kita?"

"Wag na. I can handle myself." Sabi niya saka siya lumabas sa unit ko. Sinundan ko siya ng tingin, hanggang nakapasok na siya sa elevator.

Prince Charming MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon