06. punishment

3.1K 124 22
                                    

GAILLE's POV

Well done! Class is done...sa umaga. May hapon pa! Gusto ko magbakasyon na. Well, lahat naman tayo gusto ng bakasyon.

"Sam, punta tayo sa cafeteria."

"Gaille, narinig mo na ba ang bagong chismis?" Tanong ni Sam sa akin habang nakatingin pa rin siya sa phone niya.

"Anong tingin mo sa akin? Chismosa?" Biro ko sa kanya.

"Ikaw naman. Nagtatanong lang, e. Break na daw si V at si Lucy." Sabi niya sa akin.

"Bakit? Sasabog na ba ang Earth dahil break na sila? Anong paki ko sa kanila, besh?!" Sagot ko sa kanya.

''Hindi pa ako tapos, besh. May nakakita lang naman sa INYO ni V sa Mall, HAND IN HAND! OH MY GEE! BES, KAYO NA NI V???" Sabi niya sa akin habang niyuyogyog ako.

O___O Ho-ly Crap!! Sasabog na talaga ang Earth ko. Namutla yata ako sa sinabi niya. Hindi ko gusto 'to.

"Sus, 'wag kang maniwala sa mga chismis-chismis na 'yan. May ebidensya ba sila? Hindi nga kami magkaibigan ng lalaking 'yon?"

"Gaille, alam ko, e. Ikaw talaga 'to. Kahit madilim sa parking lot nung Mall. Sure na sure ako na ikaw 'tong nasa picture... Ito oh! Zoom in na yan.." Sabi niya sa akin at may ipinakita na picture sa phone niya.

O____O Ako nga! Saan niya nakuha 'to? Bakit may ganito?

"Hindi naman siguro ako 'yan. Bakit naman ako mapupunta sa parking lot ng mall?"

"Bakit mo tinatanong sa akin? Dapat ako magtatanong sayo. Alam mo naman ang technology natin ngayon. Lahat ng estudyante may phone with HD cameras na." Sabi niya sa akin.

Ako nga talaga ang nasa picture. Yung naguusap kami ni V sa parking lot. 

Pagdating namin sa cafeteria, umupo kami ni Sam sa paborito naming table. Hindi ko alam, baka feeling ko lang ito, pero parang tumitingin yata sila sa akin.

"Alam ko na talaga e, na may relasyon si V at Gaille. Kasi yung sa Condominium Building, pumasok si V tapos sumunod naman siya." may narinig akong babae.

"Talaga? Kailan lang 'yan?" Tanong naman ng nakichismis.

"Yung nakaraang araw lang. Nung papauwi na ako sa bahay." Sagot ng isa.

Pati ba naman 'yun? Damn! Matagal na ako sa condominium na 'yon, e. Hindi lang nila ako napapansin. Ordinaryo lang kasi ako sa school na 'to.

"Hoy, totoo ba yung narinig ko?" Sam asked. Nagtransform. Chismosa na rin siya ngayon.

"Hindi noh. Pareho lang kami ni V ng building na tinitirhan. Bagong lipat lang siya, alam mo naman matagal na akong nakatira doon."

"Of course. Talaga? Omeegeed! WHAT A DESTINY!!! *____*" Sabi naman niya habang pinipigilan ang kilig.

"Kaya pala naghiwalay si Lucy at V dahil sa Gaille na 'yan." Narinig ko na namang usap.

"Oo nga, napakatahimik niya sa school. Mang-aagaw pala 'to ng boyfriend." Sagot naman ng kausap niya.

WHAT?! Kasalanan ko na naman. No, No, you don't understand, guys. Ano ba naman 'to? Ganito pala ang feeling kapag na-iissue. Hindi ko 'to gusto.

"Hoy! Mga chismosa. Kung hindi niyo matanggap, pakamatay kayo!" Sabi ni Sam sa kanila. Grabe ang babaeng 'to. Taray!

"Hoy! Ano ka ba!" Pigil ko sa kanya.

Nakakita naman namin na umalis yung dalawang babae at hindi na lang nila pinansin si Sam.

Prince Charming MayabangWhere stories live. Discover now