JAGS Part II: For the Love of Johann Ch. 20

6.2K 98 41
                                    

Just Another Gangster Story (JAGS) Part II

For the Love of Johann

©iAmJulie, 2014.

Chapter Twenty

Their weekend get away was undoubtably fun. The sun gave her a good tan. Marami mang naganap ng weekend na yun, eh thankful pa din siya dahil maganda naman ang kinalabasan. Marami mang nagpagulo sa isip niya, atleast may mga bagay na nadiskubre din siya tungkol sa mga taong nasa paligid niya.

Hindi pa din naman naging malinaw ang pakikitungo sa kanya ni Johann. Minsan naguguluhan siya talaga kung totoo ba yung concern at sincerity na pinapakita sa kanya ni Johann because she's really doubting that he's faking it. Kaya kahit na clueless siya sa mga pangayayari eh hinahayaan na lang niya.

****

Their days went on normally. Naging busy sila sa kani-kanilang mga carreers. But they still managed to be in touch with each other trough phone calls and text messages.

Those busy days became weeks. Nagsimula na kasing pumasok ang -ber months kung saan nasa peak ang mga services at businesses nila. But they promised na kung sakaling magkakaroon sila ng weekend na hindi sila busy lahat eh magsasa-sama sila ulit for another out of town get away.

She informed her friends na last week ng September siya magkakaroon ng mahaba habang pahinga. They all agreed to meet again on the 23rd of September para umakyat ng Baguio.

She can't wait to go back to Baguio again. Ang huling punta pa niya dun eh nung highschool pa siya kung saan nawala pa siya. And she's really excited when she found out na pupuntahan ulit nila yung mga lugar na pinuntahan nila dati. Naalala niya kasi yung dalawang puno ng pine tree na itinanim niya. Siguro mataas na yun ngayon.

She packed her things for a three day stay at Baguio. Mas pinili nilang mag-hotel na lang para feel nilang naglalagalag lang sila. She invited Kurt to come along with her. Tinanggap naman nito ang paanyaya niya pero hindi nga lang ito makakasabay sa kanila pag-akyat ng Baguio. Susunod na lang daw ito dahil may tatapusin pa itong trabaho sa company ng mga ito.

As usual, nakisabay na lang siya sa sasakyan nina Jarred. They could have used a chopper or a cessna plane para madali ang byahe pero mas may thrill daw kung bibiyahe sila by land. Makaka-stop over pa sila sa mga provinces na madadaanan nila.

Hindi niya alam kung sino ang kasabay ni Johann. She heard that Sam couldn't make it to Baguio because of her tight schedule in her modelling stints in the different countries in Asia. Akala nga niya, hindi na din sasama si Johann kung hindi makakasama ang girlfriend nito pero nagulat siya ng sinabi ni Jarred na kasama pa din si Johann kahit na wala si Samantha.

Deep inside, gusto niyang matuwa na wala sa eksena si Samantha pero nakokinsensya naman siya. Mabait sa kanya si Samantha at unfair sa side nito kung mag-iisip siya ng ganun.

It was a long drive bago sila nakarating ng Bagiuo City. Di naman siya nakatulog sa buong biyahe dahil tinitingnan niya yung mga lugar na dinadaanan nila. Some sceneries are really majestic. And it's really refreshing na makakita ng mga relaxing views other than the hustle and stress of the Metro.

According to Jarred and Jazz, may itenerary daw sila na susundin dahil napag-usapan na pala ng dalawa kung saang tourists spots sila magpupunta.

Nagkaroon lang ng konting problema sa kung saang hotel sila magi-stay. Di mapagkasunduan kung sa Hotel Cosmopolitan ba o sa Microtel sila magche-check in. Pero sa huli, napagkasunduan nilang lahat sa Microtel na lang sa Upper Session Road.

When they were all settled in their

rooms at nung makapag-refresh na sila, they all decided na mag-umpisa ng gumala. First stop, Camp John Hay. Halos lahat na ata ng nagpunta ng Baguio ay nakadaan na sa Camp John Hay at nakapagpa-picture na din.

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon