JAGS [9] "HIS OTHER SIDES"

18.9K 284 11
                                    

JAGS (Just Another Gangster's Story)

--------------------------------------------------------------------------------------------

 "Maybe redemption has stories to tell. Maybe forgiveness is right where you fell."

---------------------------------------------------------------------------------------------



[9] "HIS OTHER SIDES"

 ¤JOHANN's POV¤


"Jack en Poy! Jack en Poy! Jack en Poy! Hahaha! Hooo! Talo ka, Johann. Boo! Loser!"



At kagaya ng napag-usapan, may pitik sa tenga ang talo. Pulang-pula na nga ang tenga niya eh. Di pa kasi siya nananalo sa akin mula kanina. Friday ngayon at uwian na kami. Naisipan naming magkakaklase na magkatuwaan muna sa classroon bago umuwi.


"Okay. Tama na." sabi niya sa akin.

"Ah! Ang daya! Gusto ko pa eh! Palibhasa, talo ka lang lagi kaya umaayaw ka na."


"Hoy, Kelly. Nagpapatalo lang ako sayo. Kung seseryosin ko ang Jack en Poy na ito, baka wala na ang isang tainga mo."


"Oh, eh ba't ka nagpapatalo?"


"Eh kasi nga, ayaw kong masaktan ka."



Oh. Ang sweet talaga ni Johann. These past few weeks, napatunayan kong iba nga pala si Johann. I guess, first impression doesn't lasts at all. Maya-maya, nagkayayaan na din kaming umuwi. Sabay kaming naglalakad ni Johann palabas.


"Johann, nagka-girlfriend ka na ba?" naisip kong itanong. I hope, di siya ma-offend.


"Hindi pa." sagot niya.


"Wala pa? As in NGSB ka?"


"Sort of. Never had a girlfriend before."


It was so hard to believe. Di kasi talagang kapani-paniwala na di pa siya nagkaka-girlfriend. Imposible namang walang babaeng magkakandarapa sa kanya.


"Wala ka man lang nagustuhan o niligawan?"


"I had flirted with some. But no emotions involved. Never been in a relationship."


Yun naman pala. He had flirted with some girls before. Imposible ngang walang hilig sa babae tong si Johann. Sa ugali niyang yan. Chauvinistic pig. XD


"Bakit never been in a relationship ka pa? Natatakot ka ba?" tanong ko ulit. I want to know him deeper.


"Kelly, are you trying to be a psychologist on me?" tanong niya sa akin. 


"Di ah. Natanong ko lang. Pasensya naman." sagot ko.


Napansin ko lang, pag yung topic eh papunta sa love, nag iiba yung mood niya. Ganun na ba siya kaiwas?

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon