JAGS 2: STOLEN KISS

23.1K 328 22
                                    

JAGS (Just Another Gangster's Story)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"..some of the best moments of life are those that are not planned.. those that are least expected.. those that are stolen.."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


[2] "STOLEN KISS"

¤Third Person's POV¤

"Young master, her name is Kelly Jane Sy. The only daughter of Mr. Benjamin Sy of BEnSy Corporation. She's also studyng at your school from IV - Athena. She's a jolly and outgoing type of person. Her favorite color is pink. She also loves reading romantic novels.. Her mott----"

"Okay. That's enough."

Hindi niya alam na taga IV-Athena pala ang babaeng yun. Di kasi familiar sa kanya. Kung sabagay, mga classmate lang niya na member ng JAGS ang kilala niya. The rest of his classmates ay di niya kilala.

"Humanda ka saking babae ka. Magsisisi ka."

Maagang pumasok sa school si Johann na labis na ikinabigla ng mga bodyguards niya. Ngayon lang kasi nangyari ito. Alam nilang binabalak gumanti ng Young master sa kung sino man ang nagpahiya sa kanya. Wala silang magawa kundi ipagdasal na sana maka-survive pa ang taong gagantihan ng Young master.

Pati ang mga kapwa estudyante niya ay nagulat sa maagang pagdating ni Johann. Di nila inakalang magagawa pala pumasok ni Johann na di pa nagi-start ang klase.

Si Johann naman ay inis na inis sa mga tinging ibinibigay sa kanya ng kanyang school mates.

"Why can't they stop theirselves from looking at me?" naitanong niya sa sarili niya.

Wala ng panahon para sikmatan niya ng mga estudyante. Mas mahalagang maisagawa niya ang mga plano niya.

May inutusan siyang dalawang estudyante para magpuno ng tubig sa tatlong timba at iakyat sa rooftop. Perfect para sa grand entrance ni Kelly.

Matiyaga niyang hinintay ang pagdating ni Kelly sa entrance ng building. May dala siyang payong sa kabilang kamay.


"Papasok pa ba yun? Magta-time na." inip na sabi ni Johann sa sarili.


Saktong natanaw niyang nagmamadali si Kelly na makahabol sa klase before mag-time.


"Oops. You can't come in." nakaharang si Johann sa dadaanan ni Kelly.


"Bakit ba? Male-late na ako. Padaanin mo nga ako!" naiyamot na si Kelly dahil mahuhuli na talaga siya sa klase niya.


"What's the password?"


"Err? Anong password? Tabi diyan!" wala naman kasi talaga siyang alam na password. At kung apology ang hinihingi ni Johann, di naman niya ibibigay.


"Tapang mo talaga, Kelly. Alam mo ba kung ano tong hawak ko?" tanong ni Johann at iniangat ang payong na dala niya.


"Bulag ka ba? Payong yan!" di naman niya maintindihan ang pakana ni Johann sa payong. Di na din siya nagulat na alam na ni Johann ang pangalan niya. Malamang ay nagpa-background check na ito. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay makapasok na siya sa building at makapunta agad siya sa room niya. Sobrang late na kasi siya nagising.

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon