JAGS [4] "SEATMATE, PLAYMATE"

20.5K 263 16
                                    

JAGS (Just Another Gangster's Story)

--------------------------------------------------------------------------------------------

 "Love is like a sweet tango. It should always be danced by two."

---------------------------------------------------------------------------------------------



[4] "SEATMATE, PLAYMATE"




It's Tuesday morning. Naglalakad si Jazz papunta sa room nila. Third subject na nila at nag-excuse lang siya kanina para magpunta sa washroom.


Nagulat siya ng makita niya si Jarred from IV-ZEUS na nakatayo sa may tapat ng room nila. Oras ng klase ngayon kaya nakakapagtakang makita ito sa hallway.


"Hi Miss. Excuse me, may itatanong lang ako."


Di mapigilang mag blush ni Jazz. Crush niya kasi si Jarred nung freshman siya.


"Ah, okay lang. Ano yun?"


"Taga dito ka sa Athena?"


"Yup. Why?"


"Pakisabi naman kay Kelly Sy na ita-transfer siya sa IV-ZEUS. Pakisabi na utos yun ni Johann."


"Ah.okay. Sige."


"Thanks."

Umalis na si Jarred. Saka lang niya na-realize ang sinabi ni Jarred.

TEKA!


ITA-TRANSFER SA IV-ZEUS SI KELLY?!


AT UTOS DAW NI JOHANN?!


Naitulak niya ng malakas ang pinto ng room nila.


"Ms. Santos, what's the matter?"


Hindi na pinansin ni Jazz ang tanong ng Physics teacher nila. Nagtatakbo agad siya kay Kelly at niyapos ito ng mahigpit.


Nagtaka naman si Kelly sa ginawa ng kaibigan niya.


"Jazz. Wait--- di ako makahinga. Bakit ba?"


"Friendship, mami-miss kita." naiiyak na sabi ni Jazz.


"Ha? Aalis ka ba?" tanong ni Kelly.

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon