fJAGS [16] "CUDDLE CLOSE"

17.7K 310 31
                                    




JAGS (Just Another Gangster's Story)

[16] "CUDDLE CLOSE"


"...i'm at the edge of my emotions, watching the shadows burn in the dark.."

"Ang hilig mong hawakan ang kamay ko.. Tell me, Kelly.. Nai-inlove ka na ba sa akin?" tanong ko kay Kelly.

Just today, she held my hand twice.. Not that i'm complaining or something.. I like it actually.. Pero, bakit? Anong dahilan? Gusto ba niya talaga o call of the moment lang? Damn. I need reasons.. Kabaduyan man, pero kinikilig kasi ako eh.. Kung baga sa apoy, parang ginagatungan pa niya ang nararamdaman ko. 

Napansin kong namula ang mukha niya. Gustuhin ko mang isiping sa kilig, pero malamang sa inis siguro. Tss.

"Ah? Ahm.. Ano bang tanong yan?..hehe Johann naman. Halika na, late na tayo.." sabi niya sa akin at binuksan niya ang pinto para makapasok kaming dalawa.

Pagpasok namin sa room, saktong may idini-discuss ang teacher. He stopped in his discussion as he noticed our presence.

"We're sorry, Sir. We're late." Kelly said. 

Siya na nga ang apologetic.. Napatingin ako sa pwesto ni Bill and Nick, nagbulungan ang dalawa at nagtawanan.. Both of them eyed me suspiciously.. Tiningnan ko din sila. Makuha kayo sa tingin.

"It's okay, Ms. Sy.. You can go now to your seats."

Pumasok na kami sa loob ng room at umupo sa mga pwesto namin.. Si Kelly, pulang pula pa din ang mukha at di magkaintindihan sa paglalagay ng bag sa likod niya kaya inagaw ko na ang bag sa kanya at ako na ang nag-ayos nito..

"Thanks.." bulong niya sa akin.

Eh bakit kaya naman di siya makatingin sa akin? Naiilang ba talaga siya? Naiinis? Nagagalit? O baka nai-intimidate lang siya sa lakas ng dating ko? Tss.

"As i was saying earlier.. With accordance to our SAVE THE EARTH Campaign, the Social Studies and Science Club joined their forces for an Eco Awareness Activity.. So parang field trip na din natin siya.. This activity will take place in Baguio City next week.. It's a three day activity full of games, lectures and fun.. Everyone is expected to come. Here are the waivers to be filled up by your parents to prove their consents.. Please kindly get one and pass."

Since nasa dulo kami ni Kelly, we're the last to get our waivers..

"This will be boring.." -me.


"This will be exciting.."-she.

Sabay pa kaming nagsalita.. Destiny ba yun? Tss.

"Masaya to, Johann." sabi niya sa akin.

"Bakit sa Baguio lang? Mas maganda kung sa ibang bansa kung saan mas diversed ang ecosystem.." bulong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin with an annoyed look.. Bakit? Tama naman ang sinabi ko ah..

"Di ba ikaw ang may-ari ng school na ito? Ba't di mo itanong sa sarili mo?" sabi niya sa akin.

"Sa akin lang nakapangalan ang school na ito pero i don't know and i don't care about it's operations.." sagot ko.

"Whatever.. Kung may concern ka sa school na i---"

"Shut up or i'll kiss you.." singit ko sa sasabihin niya.

I have to cut off at what she's going to say. Knowing her, pag naumpisahan na naman niyang magsalita, saka lang siya titigil pag pagod na siya.

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon