JAGS [46] "LITTLE BY LITTLE"

10.9K 118 7
                                    

***Who among you have joined and survived RSPC 2013  held last January 13-18 in Nasugbu, Batangas? Super saya and enjoyable noh? I saw everyone on the opening parade and like ko ang green uniform ng mga taga-Dasma J

 

Congratulations to all the winners especially to the hall of famer-Cavite area!

 

Kudos to all young journalists!! J

 

 

 

 

 

JAGS (Just Another Gangster’s Story)

 

 

 

 

[46] "LITTLE BY LITTLE"



"...and i won't let these little things

slip out of my mouth..

but if i do.. oh it's you

they add up to.. i'm in love with you.."

 

Kung shocked man siya o tulala o kung ano man ay hindi na niya alam. Pero malamang mukha na siyang petrified. Halos nakalimutan na niya na nasa harapan lang niya si Kelly at kung hindi niya naagapan eh nahulog na sana ito mula sa bench.

Nanginginig pa rin ang mga balikat  ni Kelly kaya bahagya niya itong iniangat mula sa pagkakahiga at isinandal na lang niya itosa bandang dibdib niya habang ang mga kamay niya ay nakayakap dito.

“Shhh.. Kelly, nananaginip ka lang.. Relax..”

Bahagya siyang gumalaw back and forth. More like inuugoy niya si Kelly. Ganun kasi yung mga nakikita niya sa TV. Hinihimas niya ang likod nito para kahit papaano ay pumayapa man lang si Kelly.

And that helped. She started to relax pero hindi pa rin ito nagigising. Nang mahimbing na ulit ang tulog ni Kelly at dahan dahan niya itong ibinalik sa pagkakahiga at ipinatong niya ulit ang ulo nito sa lap niya.

‘Parang baby ka lang, babe.’

From a far, parang nadinig niyang nag-ring na yung buzzer tanda na tapos na ang breaktime. Pero hindi niya magawang gisingin si Kelly. She’s back in her peaceful slumber and he can’t afford to ruin it.

‘Babe..’

Napapanaginipan niya kaya ako? Unti unti na kayang bumabalik ang memory niya?

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon