JAGS [3] "STRANGE FEELING"

21.8K 296 11
                                    

JAGS (Just Another Gangster's Story)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 "...some instances or even persons can make a sudden change in your life...even without you knowing it..."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[3] "STRANGE FEELING"

After ng "stolen kiss" incident na nangyari kay Kelly at Johann, mas inaagahan na ni Kelly ang pagpasok sa school para di niya makita si Johann. Nagpapahuli naman siya sa pag-uwi, just in case. At kapag breaktime, nagpapabili na lang siya ng snacks kay Jazz. Kahit na alam niyang hindi napunta sa canteen si Johann, di talaga siya nalabas ng classroom nila. Better be sure than sorry.

Hindi naman sa natatakot siya kay Johann. Hindi niya lang talaga alam ang gagawin kung sakaling magkaharap ulit silang dalawa. For sure kasi, maiisip na naman niya ang masaklap na kinahantungan ng first kiss niya.

"WAAAHH! I can't take this anymore!!" bulalas ni Kelly.

"Friendship, ayaw mo kasing lumabas. Kulang ka na sa Vitamin D! Isang linggo ka ng di naaarawan." sabi ni Jazz.

"Ayaw kong lumabas, baka andyan si Johann. Ayaw kong makita ang pagmumukha ng animal na yun!" tumayo si Kelly at nagpalakad lakad sa loob ng room nila. Breaktime na at silang dalawa na lang ang nasa room.

"Teh, be thankful ka nga. Madaming nagkakandarapa para mahalikan ng Young master tapos magrereklamo ka pa."

Kelly rolled her eyes. Pati ba naman bestfriend niya, panig sa side ni Johann yabang.

"Jazz listen to me. Iba si Johann. Isa siyang beast, okay?! Wala siyang puso! O kung meron man, for sure kulay black yun. At sigurado din akong kulay black din ang dugong nananalaytay sa buong pagkatao niya. He's worthless! An egocentric despicable guy! And you know what, Jazz--- hoy Jazz, are you listening to me?!" 

Si Jazz kasi ay nakatulala lang sa gawi niya. Nanlalaki ang mga mata na parang nakakakita ng multo. Alam na ni Kelly na di siya ang tinitingnan ng kaibigan niya. Alam niyang sa likod niya ito nakatingin.Nagtaasan ang mga balahibo niya. Unti-unti siyang humarap sa likod...

Nagulat siya. Si Johann kasi ay nakatayo sa likod niya at nakapaloob ang mga kamay sa magkabilang bulsa.

"Anong ginagawa mo dito sa room namin?! Tresspassing kaaaa! Labas! Tsupi! Shoo! Alis!" sikmat ni Kelly kay Johann.

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon