JAGS [17] " HE'S SO UNPREDICTABLE.."

17.8K 252 15
                                    

JAGS (Just Another Gangster's Story)


[17] "HE'S SO UNPREDICTABLE"

"... it's wrong when it's right. it's black and it's white. we fight, we break up.. we kiss, we made up.."


Ang sarap sarap lang tulog ko.. Ang ganda ganda kasi ng panaginip ko. hihi Kinikilig ako.. Para akong ipingahehele ng mga anghel. Yung totoo lang kasi, di ako nakatulog kagabi dahil da sobrang excitement.

Tahimik lang sa loob ng bus. Kahit nakapikit ako, i'm sure na tulog na din ang iba kong classmate. I don't feel any movements except for the bus itself.

I hugged on tightly on the warm body beside me.

O.O wait! What??!!

Warm body??!!


Pinayapa ko muna ang sarili ko bago ako nakiramdam ulit.. Ohkay.. Nakayakap nga ako sa isang tao... Dinig na dinig ko pa ang heartbeat. so, ibig sabihin nakasubsob ako sa bandang chest area ng katabi ko. Pero infairness, hmmmm ang bango bango ah.

'Psh. Nangmamanyak na Kelly.'

Ramdam ko yung bawat paghinga ng katabi ko.. Paano ba naman, may dumadamping hangin sa bumbunan ko..

'Wait! Sino nga bang katabi ko?'

Iniangat ko yung ulo ko para makita ko ang mukha ng katabi ko.. Napangiti ako. Kahit nakatalukbong pa siya ng hood niya. Kahit na naka-shades pa siya, alam na alam kong si Johann ang katabi ko.

Totoo pala ang lahat. Akala ko, panaginip lang na niyakap niya nga ako. wew.. heaven ang feeling.. Nakakahiya naman sa kanya. Parang ang tagal tagal ko ng natutulog.. Baka nangangalay na siya sa akin.. Asan na ba kami? Malayo pa kaya?

I tried to  move an inch from him para kahit papano makaharap ako sa bintana at makita ko ang lugar na dinadaanan namin. Pero hindi pa ako nakakalayo talaga sa kanya, hinila niya ulit ako. Napasubsob tuloy ulit ako sa dibdib niya..

"Don't... move..."bulong niya.

Uhm.. Baka naman nananaginip lang siya.

I moved again pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.. Para naman akong prisoner neto eh.. Pero willing prison naman. hihi. Feeling ko, teddy bear ako sa pagkakayakap niya. Ang higpit eh.. Para namang makakawala ako. Para namang may iba pa akong pupuntahan dito saloob ng bus.

Tumunghay ulit ako para tingnan ang mukha niya.. Kahit saang anggulo pala, gwapo nga siya.. aha! Kaya naman pala... Kaya pala kahit ubod ng gaspang ang pag-uugali niya, marami pa ding mga babae ang nagkakandarapa sa kanya.

"Go back to sleep.."

Nyeeee! Gising pala siya! Dyahe naman!

Yung isa niyang kamay na nakapalibot kanina sa bewang ko ay inilipat niya sa batok ko at hinigit niya ang ulo ko pasubsob ulit sa kanya.. Sinasadista na ata ako ni Johann. Pero  okay lang, type ko naman. haha.

Yung heartbeat niya, ang paghinga niya, at yung scent niya ang nagsilbing lullabye ko.. in a matter of minutes, nakatulog na ulit ako.

..

...

....


"Hoy... hoy..."


I felt someone poking my cheek.. Psh. Istorbo! Kita ng natutulog ang tao eh.. Tinabig ko nga yung kamay ng kung sino mang hudas  na sundot ng sundot sa pisngi ko..

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon