JAGS [15] "JUST ANOTHER MOMENT.."

18.8K 266 23
                                    

JAGS (Just Another Gangster's Story)



[15] "JUST ANOTHER MOMENT..."


"..there is no difference between a wise man and a fool when they fall in love.."


"Good morning, Johann!" bati sa akin ni Kelly pagpasok niya ng room.


"Morning, too.." sagot ko.


Ang ganda niya talaga pag umaga.. I mean, maganda siya maghapon.. Kahit anong oras.


"Hay.. Ang sarap sarap ng tulog ko nitong weekend." sabi niya pagkaupong pagkaupo niya sa silyang katabi ko.


"Talaga? That's good.." sagot ko. Tss.. Samantalang ako, di makatulog kakaisip sayo. Tapos ikaw, masarap ang tulog? Ha! Maswerte ka..


"At alam mo ba, pagdating nina mommy galing Singapore, pinagluto niya ako ng mga favorite dishes ko.. Ang dami dami ko ngang nakain. Haha feeling ko, bumigat ako ng isang kilo.."


"That's nice.." sagot ko ulit sa kanya..


Damn. Masarap ang kain mo? Samantalang ako, di makakain ng tino.. Pag tumitingin ako sa plato, mukha mo ang nakikita ko.. Pag gagamit ako ng kutsara, andun din mukha mo, pati sa serving spoon andun ka! Pag iinom ako, mukha mo pa din ang nakikita ko sa baso.. Alam mo yun, malapit na ata ako ma-dehydrate ng dahit sayo.


"Tsaka nung Sunday, after ng mass, kumain ako sa Jolibee kasama yung mga street children na nadaanan namin.. Inilibre ko sila ng Kiddie Meal.. Alam mo, tuwang tuwa sila. Ang saya saya nga nilang kasama eh.."


"Eh di masaya.." sagot ko ulit.


Shit lang.. Buti pa ang mga street children, pinili mong makasama.. Samantalang ako, mamatay matay na sa kaiisip kung paano ako makakasama even outside the school.. Alangya. Masyado ka na talagang sinuswerte, Kelly.


"Tss.. Corny ko." bulong ko sa sarili ko.


"Ha? Ano, Johann? May sinasabi ka ba?" tanong niya sa akin at inilapit ang mukha niya sa akin.


"Ahm.. Wala. Wala akong sinabi. Lumayo layo ka nga!" sabi ko sa kanya at bahagya siyang itinulak.


"Aba.. Ang suplado mo ngayon ah.. Anyare sayo ha? Aha! Siguro, nag-aandropause ka na noh?"


"Hoy, di ah.. Wag ka nga.."


"Aysus! Kunwari ka pa! Supla-suplado mo ngayon pero nung pinuntahan mo ako sa bahay, ang bait bait mo.."



"Hoy, wag mo ngang ipaalala sa akin yun.." sabi ko sa kanya.

JAGS (Just Another Gangster Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon