Prologue

87 1 0
                                    

Prologue

"Bakit ang baba ng grades mo? Hindi mo ba alam na hirap na hirap kami ng mom mo na magtrabaho sa malayo para lang mapag-aral ka sa magandang school tapos ganyan ka?" Ayan nanaman sila daddy.

This is the 3rd time na pinatawag niya ko dito sa mini office niya sa bahay. And parang normal na lang sakin lahat.

Hindi naman talaga mababa grades ko dati. Honestly, nasa top ako ng class dati. 3rd year high school ako ngayon and ayan, ang baba ng grades ko to the point na wala na ako sa top.

"Alexander, nakikinig ka ba? Di ka naman ganyan dati, ano ba nangyayari sayo?"

Anong nangyayari sakin? Di ko din alam, ngayon ko lang kasi narealize na ayoko na, gusto ko na lang maging masaya, gusto ko na lang mapansin.

"Next quarter dapat nasa top ka na ulit, i'll check your grades. Go back to your room." Tapos tumayo ako.

Dumiretso ako sa studio ko sa basement ng bahay. Wala kaming second floor pero may basement kami. Dahil top ako dati pinagawa kong studio yun, andun yung mga musical instruments. If you're asking me kung anong tinutugtog ko, name it, kaya ko. That's how I love music.

Sound proof naman yung studio kaya kahit pasabugin ko tong drums, walang makakarinig, kahit ata ipukpok ko tong gitara sa ulo ko, lunukin ko tong saxophone ko or itapon sa bintana yung bow ng violin ko, walang makakaalam. Ako lang, lagi naman ako lang.

Pagod na pagod na ko. Pero ang saya diba? Nung bumaba grades ko, lagi na nila ako pinapansin, pinapagalitan, nakakausap ko na din sila. Yun nga lang, sermon. Pero wala na sakin yun. Sabi ko nga, pagod na ko, pagod na ko makiramdam.

Biglang pumasok si mommy. So hininto ko pagpapasabog ko ng drums ko sa studio. Tapos umupo siya tapos ngumiti siya.

"Pwede mo ba ako tugtugan, yung tinuro ko sayo nung bata ka pa?" Kinuha ko yung violin ko.

Mom and I shared the same passion, kaya siguro pinayagan niya ako agad sa wish ko na studio, and dahil wala naman magagawa si daddy dahil gusto din ni mommy.

Then, tinugtog ko na yung tinuro niya. I will be here yung pinakauna kong natutunang kanta dahil kay mommy. Naaalala ko pa kung pano niya ko tinuruan, yung kahit sobrang mali mali ako, andun pa din siya nagtuturo.

Pagkatapos ko tumugtog, nakita ko siya nagpahid ng luha. I hate to see her cry.

"What's wrong?" Tanong ko. Umiling naman siya then ngumiti.

"Ako dapat nagtatanong niyan sayo anak, what's happening? Kelan ba kita huling nakausap? Last month? Last summer? Last year?" Hinawakan niya yung kamay ko pagkababa ko ng violin.

"I'm fine mom..." pinutol niya yung sasabihin ko.

"I'm sorry for not being a mom to you for the past months. Hindi dapat nagalit sayo yung dad mo. Wala kami sa tabi mo para i guide ka..."

"Ma, okay lang. Sanay naman na ko naiiwan. Diba? Lagi naman kayo wala sa tabi simula nung naghigh school ako? Kaya ko na ma." Ngumiti ako, not because masaya ako. Pero para masabi ko na okay lang kahit hindi.

"I know anak na kaya mo na, naiintindihan kita. And sana alam mo na para sayo tong ginagawa namin ng dad mo." Tumayo siya then she kissed my forehead

"Mawawala kami for a week ng dad mo. Aayusin lang namin lahat. And I promise, after this, aalagaan na kita, sayo na lahat ng oras ko." So magququit siya sa job niya because of me?

"Ma, di mo kailangan gawin yun. I know how much you love teaching Violin and Piano." Sabi ko.

"But I love you more my son." Ngumiti siya tapos umalis siya.

That's how I hate and love my mom at the same time, kahit na puro ako kagaguhan for the past months, parang nafeel ko na agad yung konsensya dahil sa mga sinabi niya.

Ano nanaman gagawin ko this weekend. Dun ko na lang nakakasama si mommy.

Biglang nagvibrate phone ko.

"Why?" Sabi ko sa kabilang linya. Si Xyx.

"Party. Tomorrow night. Game?"

"Is Kyle going?" Nagtanong pa ko, alam ko naman na sagot.

"Of course not. Ano pa bang aasahan mo dun? Boring buhay nun. Ano game?"

"Game." Tapos in-end ko na yung tawag.

I'm Alexander Gabriel Garcia and welcome to my real world.

In Terms of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon