Chapter 14

29 1 0
                                    

Chapter 14

Xander












"Oooooohhhh! Gulat ka noh, sembreak na!" Nananginip pa ko dito tapos may bigla akong nararamdaman na tatalon talon sa kama ko.












Nakita ko si Kyle na nakasandal sa pinto ng kwarto ko at itong si Xyx na tatalon talon sa kama ko. Tatawa talaga ako kapag nauntog to, napaupo sa kama at tatalbog sa sahig...












"Aray. Awtsuuu." At yun na nga ba sinasabi ko.












Sobrang tawang tawa talaga ako sa itsura niya. Kung makatalon kasi akala mo naman napakaliit niya o napakataas ng kisame ng condo ko.












"Tss. Napakakulit kasi oh. Get up both of you." Grabe. Prof ba tong si Kyle. Nakakatakot siya.












3pm na pala. Lintek nakakainis. May gig kasi ako kagabi. Inom inom tapos kakatulog ko lang kaninang 5 tapos andito sila?












"What do you want?" Tanong ko, tapos bumangon ako.






"Nice boxers! Floral." Sigaw ni Xyx na nakahawak sa pwet niya.






"Gusto mo ba? Oh huhubarin ko na."






"Ew! Labhan mo muna, baka may kasama pa yang substance. You know." Hinagisan siya ng unan ni Kyle. Buti nga sayo.












Kadiri talaga isip nitong si Xyx. Akala niya. Humanda to sakin kapag may nililigawan, sisiraan ko. Joke.












"Xander, umuwi ka daw muna sabi ng mom mo. Nagrequest lang samin. Di mo pa sinasagot mga tawag niya. Ano bang gusto mong mangyari?" Tanong ni Kyle.












Hindi ako makatingin sa kanya. Ano nga ba gusto ko mangyari? Mamatay mag-isa?












"Nakakaawa na si tita, halos everyday siya patingin tingin sa labas hoping na uuwi ka." Dagdag naman ni Xyx.












I can imagine her and nagiguilty ako sa ginawa ko. Wala naman siyang kasalanan. Ayoko lang talaga yung nakikita silang nag-aaway ni daddy. Tapos si daddy pa nga, laging nakikita yung mali ko.












Which is normal naman pero mas okay nang dumistansya ako kesa naman mag-away kami araw-araw.












Nagmumuni muni pa ko dito nung nakita kong nangunguha si Xyx ng mga damit at nilalagay sa maleta. Tumakbo ako palapit para sana ayusin ulit pero tumalon sakin si Kyle. Wrestling lang ganon?












"Bilisan mo diyan Xyx bago pa to makawala." Napakagulo namin sa kama, tapos natawa na din ako. Tawa lang kami ng tawa ni Kyle. Di ko din alam kung bakit.






"Hoy sali! Tapos na ko." Tumalon sa kama ko si Xyx. Takte nakakainis. Ang lalaki nila, halos mapunit na bed sheet ko.












Maya maya, nakahiga na lang kami. Pagod na pagod.












"Alam mo Xander, minsan kailangan mong magtiis na lang at harapin kung anong ibigay sayo ng mundo..." sabi ni Kyle.






In Terms of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon