Chapter 13

35 0 0
                                    

Chapter 13

Mitch












Tadtad ng quizzes, projects, homeworks and mga readings ngayon. Sobrang hassle. Finals week na din kasi. At di ko alam kung magrereview na ba ako or gagawa ng homework.












"Mitch, okay ka lang ba? Bakit parang down na down ka diyan." Katabi ko si Celine ngayon sa caf, nagrereview din siya.






"Kulang lang ako sa tulog. Gumawa ako ng paper kagabi." Totoo, pero aside dun, ang sama na talaga ng pakiramdam ko.












Pagod, puyat at gutom na din siguro. Nakakalimutan ko na din kasi kumain pag madamig ginagawa sa school, minsan, practice pa ng choir.












"Ano na pala nangyari sa org mo?" Tanong ko, parang di kasi siya busy. Di siya umaattend ng mga meetings kahit nakikita ko yung advoser ng org ng theater.






"Sabi nila, para matanggap daw kami, kailangan namin mag audition sa major play ng org, pero next year pa. So ngayon, tengga muna ako. Pero pwede daw kami maghanap ng ibang org muna."






"Really? Gusto mo mag choir ka muna?"






"Pwede ba yun? Baka pangit boses ko, di ako matanggap, ipahiya ako sa buong school..."






"Hey! Para kang tanga diyan, ganda kaya ng boses mo. And I'm sure sa major play na yun, ikaw ang makukuha girl! Proud bestfriend heeeere!" Tsaka ko siya niyakap.






"Baliw. Wala pa nga. Sige try ko next sem. Tara na malelate na tayo. May quiz pa tayo sa algebra." Tsaka kami pumunta sa room.












Parang binibiyak na buko tong ulo ko. Sobrang sakit talaga.












Nagquiz na ko, buti na lang nakatapos ako ng maaga tapos pinasa ko na. Text ko na lang si Celine na nasa caf ako. Bibili lang ako ng water tapos hihingi ng gamot sa clinic.












Ang daming students sa hallway. Kadalasan puro psych.












"Mitch! Para kang nawawala diyan. Okay ka lang?" Si Xyx pala.






"Siyempre, ano ginagawa mo dito?" Ang daming tao, lahat nagdadaldalan.






"Hinihintay ko lang si Kyle sa loob, yung friend ko. Napakatagal magsagot sa quiz, akala mo naman board exam na." Grabe pati kaibigan talaga niloloko nito.












Maya-maya, sa paghaharutan nung mga tao, may tumama sa ulo ko na book, di ko na alam nangyari.












(Xander)












Pupuntahan ko nga tong si Xyx. Nakakainis kanina pa ko binubwisit.












Yes, naka enroll ako ngayon. Nilalagay ni mommy sa account ko lahat ng pera na kailangan ko, allowance, lahat. Pero wala pa din talaga, di ko pa din sila kinakausap ng matino. Magagalit din naman si daddy sakin lagi. As if lahat ng gagawin ko mali. Kaya wag na lang.












Sa condo pa din ako nakatira, minsan matino, minsan lasing. Lagi akong nasa bar kapag wala akong magawa. Bakit? Umaasa ako na makita ko si Althea. Hanggang ngayon, di ko pa din alam kung sino siya.












In Terms of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon