Chapter 59

18 0 0
                                    

Chapter 59

Xander

Nagdrive ako ng nagdrive hanggang sa makarating ako ng bar, yun bar kung saan kami unang nagkita after graduation. Ganon pa din, puntahan pa din siya ng mga teenagers, maganda din kasi talaga yung place. May place para magchill and may place for dancing.

Medyo hindi pa nagkakagulo kasi 10PM pa lang naman, 2AM ang start ng totoong party. Pumunta muna ako sa may spot ko sa counter, nagorder ako habang di ko pa siya nakikita.

"Long time, no see sir ah. Parang ang tagal niyong di nadaan dito. Simula ba nung college ba?" Si kuya Ed

Matagal na din pala simula nung di ako nagbabar, masyado na ko naging busy sa gigs ko ganon din naman yun kasi naiisip ko, chill inom lang din kaya di na din ako pumupunta dito.

"Oo busy na din kasi e. Kamusta naman?"


"Okay naman sir, ayun ang daming underage dito per nakakapasok pa din. Sa bagay, sir. Dumaan din naman ako sa ganon." Natawa siya. Totoo naman, 3rd year ako nagstart magbar and siyempre 15 pa lang ako nun. Tumatakas kami nila Xyx.


"Di naman maiiwasan. Baka may pinagdadaanan sila tapos dito lang nila nahahanap yung saya."


"Oo nga, gaya yung babae na yun oh, kanina umiiyak siya. Bumili nga siya ng isang bote ng vodka e. Tapos tsaka siya sumayaw ng sumayaw. Kahit mag-isa siya. Kanina pa nga siya papalit palit ng kasayaw e." Tumingin ako sa tinuro ni kuya Ed. And I saw her, may kasayaw nga siyang iba. Mukhang college student pero kung sa itsura kasi mukhang magkaage lang sila.

Lumapit ako and tried to get Mitch pero pumalag yung lalaki.

"Pre, nagsasayaw pa kami diba, wag ka ngang bastos, hintayin mo turn mo." Sabi nung lalaki.


"Hindi ka niya kilala so umalis ka na, iuuwi ko na siya."


"So ikaw ba ang boyfriend? Kaya pala kanina pa siya may hawak na vodka tsaka umiiyak, you must be THE boyfriend." Di ko mapigilang mainis kaya bigla ko na lang siyang sinuntok sa mukha.

Sumugod agad si kuya Ed samin at mga bouncers. Pumagitna naman si Mitch.

"Guys, wag kayo magiskandalo okay, everyone will have a chance to dance with me okay." Lasing na nga siya.


"Brad may problema ba dito?" Sabi nung bouncer.


"Brad wala, nadulas lang siya. Ito oh." Nag abot siya ng pera sa bouncer tapos umalis na sila.


"Alam mo pre, napakapikon mo din e noh. Kung gusto mo magkaayos kayo, wag yung nanakit ka. Pasalamat ka talaga ngayon. Di ko na papalampasin to. Bye miss." Tapos kiniss niya si Mitch sa cheeks.

Bigla ko siyang hinila sa labas ng bar. I don't care kung halos lumipad na siya para makalabas basta hinila ko siya papunta sa kotse.

"What was that?" I asked her. Sobrang inis na inis na ko. Bukod sa nagpasayaw siya sa lahat, pumayag pa siyang halikan nung gagong lalaki na yun.


"What was that, Xander? Being a total rude sa tao. Wow naman." Sabi niya, natatawa siya, hawak niya pa din yung bote. Kinuha ko yung bote tsaka ko hinagis sa tabi. Wala akong pake. Gusto ko makapatay ng tao


"Total rude? Girlfriend kita tapos nagpapahalik ka sa iba?"


"So girlfriend mo pala ako e. Bakit mo ko pinagdudahan kanina? Ganon ba dapat yun? After all ng sakripisyo ko para di ka masaktan, ganon lang pala yun."


"What do you expect? Kasama mo yung ex mo na dahilan kun bakit ka humingi ng space."


"That's not the issue here."


"Yes it is."


"Kung sana pinag explain mo muna kasi ako diba?"


"Anong ieexplain mo? Kung pano kayo naging sweet ni Jacob sa Team building. Nung gabi ba naghalikan ba kayo? Binigay ba niya sayo yun di ko mabigay?"


"I can't believe this! This is a total bullshit Xander." Nagsisigawan na lang kami.


"Oo! Tama ka nga. Ayoko na din naman. Pagod na ko Mitch. Alam ko naman na dadating din yung time na magsasawa ka. Na aayawan mo ko cause I'm not good enough."


"You are more than enough Xander."


"Than bakit ka nakipaghiwalay nun dumating si Jacob sa buhay mo ulit? If I'm more than enough, breaking up with me would never be an option."


"Pero ginagawa ko lang yun kasi ayokong isipin mo na nagchicheat ako sayo!"


"Why? Nagchicheat ka ba? May feelings ka pa din ba para sa kanya?"


"That's not my point."


"Puro na lang ganyan Mitch, na that's not the point pero ayun yung pinatutunguhan e. And wala na tong patutunguhan."


"So you're breaking up with me?" Tinanong niya ko. Sobrang hina na ng boses niya. Di ko na alam


"Pagod na ko. Ayoko na." Sabi ko


"Okay! That's it Xander. Ayoko na din! Sawa na ko. Sawang sawa na ako sayo. Sana di kita nakilala, sana mga nakipaglandian na lang ako kay Jacob sa team building, sana nga nakipagbalikan ako. Sana di na lang kita kinausap ngayon at umasa na magiging okay tayo. Siguro nga ito na yung fate natin. I can't say that you're not the right person, but this is not the right moment siguro, this is not out time, our place, and kahit anong pilit ko siguro na ikaw yung tama, ikaw yung para sakin, fate would just disagree." Sabi niya. Gusto ko bawiin lahat ng sinabi ko na ayoko na. Pero di ko mabawi.


"I love you that it hurts. If you want this, I'm giving it to you. I will miss you." Then umalis siya. For the second time tinalikuran niya ako.

In Terms of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon