Chapter 25

26 0 0
                                    

Chapter 25

Xander

Nandito ako ngayon sa condo, Sunday ngayon. himala na din na hindi ako uminom ng Saturday night. grabe naman kasi yung babae na yun. paparty daw siya kapag uminom ako, makikipagmomol sa iba, bwisit siya. Pasalamat talaga siya.

Sobrang gulo ng condo ko, halatang pang lalaki, pero di naman siya mabaho. Tinatapon ko naman sa tama yung mga basura ko at pinapalaundry ko kaagad yung mga marumi kong damit kapag sobrang madumi, nakakahiya naman. Makalat lang talaga.

Muntik ng kumawala yung puso ko nung may kumatok na napakalakas. Yung totoo? Walang pinto sa bahay? First time kumatok?

Binuksan ko yung pinto at kita mo nga naman, sa dibdib ko na siya kumatok ng sobrang lakas. Dibdib talaga, ang liit niya kasi.

“Aray ko naman Mitch, papatayin mo ba ako?” hinawakan ko yung braso niya.

“Ako nga dapat magreklamo e, mas masakit pang kumatok sayo kesa sa pinto.” Natawa ako.

“Nafeel mo ba muscles ko?”

“Asa boy, Ribs ata yung nafeel ko. joke. Papasok na ko ah. okay umalis ka sa daan ko.” ganito siya lagi sakin. Kung hindi sobrang intense sweetness, sobrang bitch naman niya, brat, basta. Ang masaklap pa, ang bilis mag-iba ng mood niya. Pero nasasanay na din ako.

Tiningnan niya yung paligid ng room ko, magagalit nanaman to. nagback hug ako sa kanya.

“Sa tingin mo makukuha mo ko sa ganyan, Garcia? Napakakalat ng gamit mo.”

“Sorry na.” then I kissed her ear. Kumawala naman siya.

“Tigilan mo ko, magbihis ka, sasamahan mo ko magsimba.” Sabi niya.

“Ayoko. Ayoko magsimba.”

In Terms of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon