Chapter 19

38 0 0
                                    

Chapter 19

Mitch












Linchak na Chem pro ko na to. Napakaboring. Binabasa lang naman nakasulat sa powerpoint niya. Hello, kaya ko din naman magbasa noh, sana pinauwi na lang niya kami.












Katabi ko ngayon si Celine, akala ko nagnonotes, yun pala nagdodrawing nanaman ng mga kung ano-ano. Payag ka mga molecule structure dinodrawing niya?












"Hoy, gusto mo lumabas? CR lang." Sabi ko. Bored na bored na ko. Mas gusto ko pa kumausap ng first aid kit sa labas.






"Ikaw na muna, kakagaling ko lang sa CR. Isipin ni maam, dugo na iniihi ko sa sobrang bilis ko maihi." Puro kagaguhan talaga to.












Umalis na ko sa room at yes! Nakalabas din. Tamang tama nga tong paglabas ni Xyx. Hahaha












May dala dala siyang mga glass wares. Tapos nakalabgown at glasses niya ngayon, ang pogi pala ni Xyx.












"Booo!" Ginulat ko siya. Huminto siya bago humarap sakin.






"Anak ng putek naman talaga oo Michelle!" Grabe, inis na inis siya. Napa real naman na lang siya sakin.






"Hi, masyado ka naman seryoso sa buhay diyan." Natatawa ako sa reaksyon niya jusko.






"Bwisit! 300 isang glass ware nito tapos 8 to. Oh ilan? Compute mo, bobo ko sa Math. Lintek. Pagnahulog ko lahat to sinasabi ko sayo."






"I'll pay for it." Hindi ko napigilan sarili ko. Kasalanan ko din naman kasi pag nahulog lahat pero yung tono ko, lintek.






"Wow, English ng pay. Wow naman oh RK. Mumog starbucks. Pandesal ng katulong galing French baker. Wow." Gago talaga tong si Xyx napakadaming alam.












Nilapag niya muna yung mga glasswares at di pa siya makapasok kasi daw may quiz siya. Tutal naman daw wala siyang alam, binilisan niya yun sagot niya.












Asa naman na walang alam to, nasa Section A siya.












"Ay diba nameet mo na si Xander. Yung poging adik adik. Joke. Kumukuha siya ng mga guests ngayon sa band niya. Alam mo yun, para may twist yung gig niya. Gusto mo ba? Para di ka lang sa school magbida bida...aray ko." Hinampas ko ulit siya.






"Gago, anong bida-bida ka diyan? Kasalanan ko ba na ako inuutusan lagi. Sure, wala naman akong ginagawa."












Hinintay lang namin si Xander na makarating dito. Tapos na daw kasi yung class niya.












Maya-maya, lumabas yung isa niyang friend. Holy shit. Lord, thank you for the gift of life, thank you for this creation. Thank you for the love and this good view.












Kyle yung name ng guy. Nagpakilala ako pero tinanguan niya lang ako. Suplado pero keri lang, gwapo naman siya kaya may karapatan siya.












Pero grabe Lord. Nung nagpaulan ba kayo ng powder ni Adonis, nagjojogging ba siya nung time na yun kaya nasapo niya lahat?












In Terms of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon