Chapter 20

35 0 0
                                    

Chapter 20

Mitch












Anong sasabihin ko sa kanya? Oo, linchak. Bahala nga siya.












"Ano kasi..." pero naputol niya.






"Nevermind, sira ulo kasi si Xyx. Ganon daw magandang tanong kapag wala nang maisip na pag-usapan." Nakahinga ako ng maluwag. Patay talaga sakin tong si Xyx.






"Loko talaga yang si Xyx, lintek siya. Bakit ikaw ba? Naniniwala sa ganon?" Tumaas yung kilay niya pero ngumiti din.













May lungkot pa din sa mata niya pag ngumingiti, gaya kapag nakikita ko siya sa bar.












"Pwede, depende. Di ko pa alam sa ngayon." Akala ko ba mysterious tong si Xander, e bakit naman parang okay lang. Parang open naman siya.






"How come di mo alam? Sarili mo naman yan."






"I don't know. May isang tao kasi na sa kanya ko nahanap yung love nung wala yung parents ko, weird pero sa bar ko lang siya namimeet." Kumabog ng malakas yung dibdib ko.












Okay wag ka umasa Mitch.












"Pano ngayon, di mo na ba siya nakikita?"






"Hindi na, but hoping one day magkita ulit kami." Naiihi na ko. Ayoko mag assume na ako yun. Pero pano ba? Ang dami din naman niya namimeet sa bar for sure.






"In God's time siguro..." natawa naman siya.






"Is there really that kind of time? Feeling ko kasi wala."






"How come? Hindi ka naniniwala?"






"Why should I? Sa dami ng tao, sa tingin mo papakinggan niya isang tulad ko?"






"Oo naman."






"You'll never understand."






"Then let me." Pero napalunok na lang ako ng laway nung lumapit yung mukha niya sakin.






"Di mo ko kilala, and di mo gugustuhin na makilala ako." Pero nagmatapang ako, ayoko ipakita na takot ako sa kanya.






"What if gusto kita kilalanin, kahit ano pang kapalit."












Nagsmirk siya. Gusto ko na kumurap. Pero siya na yung lumayo.












"Then I'll let you, pero wala nang atrasan. Once na pumasok ka, no turning back."






"Taga narnia ka ba at ganyan ka magsalita."






"Let's just say na nasa dark place ako na makukulong ka na lang once na pumasok ka."






"Di mo ba triny umalis diyan?"






"Is there a reason para umalis, para maging masaya?"






"So many reasons..."






"Are you one of those reasons?"






"Huh?" Shet bat ako.






"I mean... nevermind. Tara na, ihahatid na kita. Aalis pa ko mamaya."






"May class pa bukas ah? Aalis ka pa mamaya?"






"Welcome to my life, Murillo." Then she kissed my cheek.












Halos di ako makahinga.












"Hey, let's go."






"No need. Andiyan na yung driver ko." Nauna ako umalis, paglabas ko, sumakay ako agad ng kotse.






"Garcia! Thank you." Tapos umalis na kami.












Di ko alam gagawin ko. Paano ko ba siya papatunguhan ng ganito. Hay na ko Mitch, sige, tiis ka muna sa one sided.












(Xander)












Hinihintay ko na si Mitch dito sa coffee shop. Hindi talaga ako nakikipagmeet sa coffee shop kapag pinag uusapan yung gig. Madalas, sa bar na mismo. Kinakausap ko manager na dun ako may kameeting then go. But not coffee shop.












Ewan ko ba kung bat ko naisip na sa coffee shop.












I know her very well. Naalala ko na kung san ko siya nakita. Sa bar din. And maybe that's the reason kung bakit gusto ko siya makilala if wala kami sa bar.












Dumating na siya. She's really pretty kahit walang make up. Very confident pa din siya kahit normal na araw. Pero she's hotter kapag nasa bar, di ko makakaila yun. And good kisser as well.












Inexplain ko na sa kanya lahat pero wala na ko maisip na itanong. Hindi naman talaga galing kay Xyx yung tanong. Nafeel ko lang na naawkward siya kaya sumegway na ko.












She's really different. Pero ayoko muna magrisk ng feelings ko sa kanya. Baka iwanan niya din ako, well, walang true love sa bar.












Sobrang comfortable din ako sa kanya. Like kung paano ako magkwento kay mommy dati, ganon ako sa kanya. Hindi ko mapigilan kahit ayoko sabihin sa kanya.












Wala pa talaga ako mapagkwentuhan na ibang tao, pero kapag naaalala ko na mukhang ganon din si Kyle sa kanya, parang ayoko na din. Mahirap na, baka matalo nanaman ako.












Not that wala akong laban, pero ayoko naman ng ganon na may competition between us, like, sila na nga lang yung nandiyan nung walang wala ako, maybe this is the time para makabawi, to give way.












Kaya nagdecide na ko umuwi. Kasi di ko na alam gagawin ko kay Mitch kapag nagtagal pa kaming magkausap. Baka maulit lang yun sa bar. Ayoko, gusto ko malaman niya yung respect na deserve niya kapag wala kami sa bar.












Dadating din yung time na masasabi ko din to sa kanya. Kapag alam kong okay na ko. Kapag alam kong kaya ko na din magbigay ng pagmamahal sa iba. Kapag alam kong kaya ko nang ibigay yung deserve niyang love.












Hindi yun kulang pa ako, baka pag nagbigay ako, kulang din.












Di ko na alam! Bahala na, the night is young. Kailangan ko na lang muna mag enjoy...

In Terms of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon