Chapter 47

47 0 0
                                    

Chapter 47

Xander

“Mag-iingat kayo dun ha, yung kapatid mo baka mawala ha. Xander, ikaw na bahala sa mga ulam niyo ha. Baka umuwi kayong gutom kapag sila Kyle ang pinagluto niyo jusko.” Sabi ni tita Elly. Dito yung meeting place naming, sa house nila.

Pupunta kasi kami sa rest house nila kung saan nabuo ang Kyle-Celine loveteam, KyLine. Mga maisipan mo talaga Xander e noh?

“Maaaa, okay na ko. Big girl na kaya ako hello. Kaya ko na kaya imultiply ang 6 sa 7.” Sigaw naman ni Elle kay tita. Jusko, ayaw na niya talaga pa-baby, big girl na nga talaga. magaling na mag math.

“Sige, kung big girl ka na, magkano yung sukli sa 1000 kapag nagpabili ako sayo ng gatas worth 68 pesos?” tanong naman ni tita kay Elle. nagcompute compute naman siya.

“Wala.” simple niyang sagot. Pero halos mabuga ko na yung juice ko kakatawa kasi napakaslow niya pala talaga sa math.

“Anong wala? akala ko ba big girl ka na? dapat masagot mo.” Sabi naman ni tita.

“Siyempre, kukupitin ko na yung sukli kaya wala ka ng makukuha. Joke love you mommy!” binatukan naman siya ni tita pero nakacling pa din siya. Grabe tong bata na to, hindi ko siya kinakaya. Halos mahimatay na si Celine at Mitch sa tabi ko kakatawa.

Kumpleto na kami dito. At oo, kasama tong si Xyx. Halos maiyak na talaga siya nung sinabi namin na di siya pwedeng sumama kasi wala siyang kadate. Tapos sobrang benta na manghila siya sa mall ng di niya kakilala at ayain niya maging date. Pero malas talaga at muntikan na makipag-ayaw kasi nga nasa likod lang pala yung boyfriend.

Isang car na lang yung ginamit namin para salitan na lang kapag pagod na. akala mo naman napakalayo ng pupuntahan naming para magsalitan pa kami. Tagaytay lang naman kami pupunta. So kotse ni Kyle yung gamit namin kasi sila lang naman yung may “family” car kung tawagin, so siya siyempre, instant driver na din naming siya, katabi naman niya siyempre ang first lady, si madame Celine. Halos ngayon na lang namin siya nakita na masaya ulit, na nag-aayos. Dati talaga akala ko namamaligno na ko dahil sa itsura niya. Tapos katabi ko naman ngayon si Mitch na akala mo magdedefend ng thesis dahil sa fitted skirt niya. Mamaya ko na lang to aasarin. At siyempre…

In Terms of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon