Chapter 49

24 0 0
                                    

Chapter 49

Mitch

*1 year and 3 months later...*

"Oh my god, baby. Sobrang pretty mo sa med proper uniform mo. I'm so proud of you, pero wala na ba talaga makakapagpabago ng isip mo na mag fashion design?" Umiling ako. Mom and I were looking at the mirror.

First day ko ngayon sa med proper and ito na talaga yun. Sabi nila, para ka daw itatapon sa ibang mundo and wala kang choice para gumapang para mabuhay. Yes, siguro mahirap, pero kakayanin naman siguro. See, ang daming doctor ngayon sa mundo diba?

"Ma, okay lang naman po sakin maging model niyo, pero ayoko na yung ako na yung gagawa. I want this, I want to become a doctor, ma." Niyakap niya ako.


"You're making me proud in every way, anak. I'm so lucky na kahit wala ako lagi, naging maayos ang paglaki mo." Sabi niya. I hugged her back. Then may biglang bumusina.


"Hay nako, minsan na nga lang kami magmoment ng baby ko oh. Don't get married agad ha. I want to spend more time with you pa." She kissed my forehead.


"Sige na ma. Madami pa kong pangarap sa buhay noh! Grabe ka. Love you ma." Tapos umalis ako at andito na ang napakagwapo kong driver.

Sino nga ba ang nagsabi na walang true love sa bar? Siguro nga wala, pero pano kung yun na lang talaga napagtripan ni Lord na simulan yung love story niyo ng lalaki na mamahalin mo hanggang huli?

"You look amazing." Sabi niya then he kissed my cheeks. Payag kayo si Kuya Vic to literal na driver ko? Grabe kadiri. Siyempre si Xander to.


"Gagraduate ka na din naman after this sem diba? Can't wait if I'll call you my future doctor or my future owner ng business niyo?" Umiling iling siya. Di pa siya makapag decide kung anong ipupursue niya pagkagraduate, pero I know magiging busy kami.


"Matagal pa yun, gusto ko lang yung ganito pa din tayo kahit busy na." Then hinawakan niya yung kamay ko.

Kahit 1 year na kami, akala mo nililigawan niya pa din ako. Mas naging sweet pa nga siya kung tutuusin nung naging kami, and if ayaw ko magkiss, okay na lang din sa kanya. Luko yun, he can get more naman daw someday. Bastos.

Dumating na kami sa school. New school siya actually. Dream school ko to talaga dati pa, ewan, baka meant to be lang talaga na makilala ko silang lahat tapos tsaka ako dadalhin ng tadhana ko dito.

Classmates kami ni Xyx at Celine, tapos nahiwalay si Kyle. Akalain mo yung dalawang luko na yun, magdodoctor din pala. Pero kung ako mga pasyente ng dalawa na to. Jusko g na g na ako. Joke. Xander lang sapat na. Okay ang jejemon ah.

Bumaba naman si Xander sa tapat ng entrance. Leche eksena talaga to. Naka all white na kasi siya ngayon kasi 4th year na siya, tapos super angas pa ng buhok niya. Leche naman Xander, pati ibang tao nganga sayo e. Pinagbukas niya ko ng pinto at gusto ko mag flip ng hair pag labas ko ng kotse.

"Ay may girlfriend na. Tara na, hanap na lang tayo sa iba." Tapos umalis. Tumaas naman yung kilay ko sa narini ko. Pinagkainteresan pa nga tong boyfriend ko.


"Oh ang kilay oh! First day na first day naman nakataas nanaman." Sabi niya habang minamassage niya yung noo ko. Grabe. Nakakainis ka Xander, kilig na kilig na talaga ako sayo!


"Oo na po. Bakit ka ba kasi nagpagwapo ngayon? Siguro pinaghandaan mo para makapangchicks ka noh?!" Sabi ko.


"Pano mo nalaman?" Sinara ko ng napakalakas yung pinto ng kotse niya tsaka ako dumiretso sa may entrance pero nahabol niya ko.


"Kiss ko." Sabi niya.


"Kiss mo yung babaeng popormahan mo dito! Leche. Babaero ka. Bwisit. Ayaw na kita makita, dun ka na sa babae mo." Tapos bigla niya ko kiniss sa lips. Leche makasuhan ako agad ng PDA, di ko pa nafifeel yung tiles ng lobby nila. Pinaghahampas ko siya.


"Sabi mo ikiss ko yung babaeng popormahan ko? Ayan na nga o, siya pa galit." Bwisit.


"Pumasok ka na. Late ka na oh. Diba 9 pa class mo?" Tapos nagbabye na siya sakin tapos nagdrive na siya.

Pagpasok ko sa school mismo, hinahanap ko yung phone ko para itext yung dalawa kung saan kami magkikita, tapps biglang may nabunggo ako, buti di nalaglag yung mga gamit ko, pero muntik na ko ma out of balance, pero sinalo ako ni kuya.

"Kuya sorry, may hinahanap kasi ako sa bag ko kaya di kita nakita. Sorry." Mahirap na magkaroon ng kaaway sa first day of class.


"Hanggang ngayon papala ganitong way tayo magmimeet ulit?" Familiar yung boses, kaya napatingin ako.

As in di ko alam gagawin ko pagkatapos, nakangiti lang siya sakin. Ganon pa din yung smile niya. Mas gwapo siya ngayon kasi huli kong kita sa kanya was high school pa. Before ako magbar, before ko mameet si Xander.

Biglang tumunog yung phone ko, umalis na lang ako sa sobrang di ko na alam gagawin ko. Si Xyx pala.

"Turn right. Pumasok ka sa may door, andun ako, malapit lang." Tapos binaba niya. Wala man lang hello, tapos binaba niya agad. Pero I need to escape first. So sumunod lang ako, so nakita ko siya. Base sa pwesto niya, alam ko nakita niya lahat. Pero di naman niya kilala si Jacob. Walang nakakakilala sa kanya. Binaon ko na siya sa limot, never ko siya nakwento sa college, I think?


"Jacob Lazaro, so anong plan mo?" Sabi ni Xyx, nakatingin lang siya kay Jacob habang naglalakad palayo.


"Pano mo siya nakilala?" Tapos ngumiti siya.


"Let's just say na mahilig lang talaga magpakita sakin ang katotohanan. So sino ba si Jacob sayo?" Sabi ni Xyx.


"Ewan, si Jacob. Ex na lang siya sa buhay ko. Tara na, late na tayo, hahanapin pa natin yun room." Tapos tumalikod na ko sa kanya. Alam ko madami pa siyang sasabihin.

Si Jacob, sabi ko nga, sa kanya ko lahat nafeel at nagawa ang first ko, well except sa sex noh. Di ko pa kaya yun. First kiss, first date, first LQ, first holding hands, sa kanya lahat ng yun. Pati first heart break ko.

Di ko alam kung papano kami natapos, di ko alam kung bakit, ang alam ko lang masakit, sobrang sakit non. At tuwing naaalala ko yun parang kahapon lamg nangyari lahat.

"Mitch! Ito yung room natin diba? Lutang lang? Kanina pa kota tinatawag." Sabi ni Xyx. Leche naman kasi Mitch. Anong masakit ba! Andiyan na nga si Xander oh.

Nakita ko na din si Celine na nakaupo, mejj likod siya nakaupo kaya dun na din kami umupo sa tabi niya.

Di na din ako nakapagdaldal kay Celine at biglang dumating yung prof. Mga doctors na din ang prof namin ngayon kaya medyo nakakapanibago, lahat tahimik sa klase. Maya maya, may kumatok na nagmamadali, naririnig ko sa steps niya. Busy kasi ako magdoodle, wala din naman ako pake. Lalo na sa umaaligid dito kay Xyx e tulog na tulog naman ata.

"Sorry doc, late po ako." Sabi nung lalaki, umupo siya sa tabi ko kasi si Xyx sa malapit sa window tapos Celine tapos ako. Tapos nagulat ako nung may pinasa siyang papel sakin. Grabe ang FC naman ng lalaki na to.

Nice to see you again, Michelle.
-JL

Pagtingin ko sa lalaki. Sht. As in sht. Hell sem na nga siguro to.

In Terms of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon