Chapter 43

32 0 0
                                    

Chapter 43

Xander

*fast forward to March: Finals*

"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhh!" Nagising naman ako 8AM pa lang, ano nanaman bang problema nitong si Mitch, ang aga aga manggising.


"Bakit hindi mo ko ginising? Alam mo naman na kailangan ko maaga sa school ngayon e. Kainis ka e. Sabi ko sayo dapat sa bahay ko na lang tayo e." Ang aga aga naman ang init init ng ulo oh.


"Baka kasi napagod ka kagabi kaya di na kita ginising." Wrong. Di din naman ako nagising. Sobrang napuyat din ako kagabi kahit siya yung gumagawa.


"Kahit pa sumakit ang katawan ko dahil sa kagabi, dapat ginising mo pa din ako ngayon!" Nilapitan ko siya.

Gumagawa siya ng thesis niya magdamag. Pinilit ko siya na dito na lang sa condo kasi di na kami nakakapagkita simula nung nag third year sila. Sobrang busy nila talaga.

"Sorry na baby, maligo ka na, ipagluluto na lang kita ng breakfast." Kiniss ko siya sa forehead tapos lumabas na ako.

Hindi naman kami magkatabi natulog kaya wag na kayo mag-isip ng kung ano ano, hindi naman pang LDR yung ano ko sa haba para makabutis. Grabe, ayoko na nga, ang aga-aga.

Busy ako magluto ng french toast ng biglang bumagsak yung mga baso sa may cr. Tumakbo ako agad and saw Mitch na nakaupo sa may sahig. Lately, sobrang namumutla siya palagi at lagi siyang nahihilo. Buti na lang nasasalo ko siya pag kasama ko siya. Di ko lang alam kung sino sumasapo sa kanya pag di kami magkasama.

"Sabi ko sayo magpacheck up ka na. Gusto mo ba sabihin ko kay daddy?" Umiling naman siya. Napakatigas talaga ng ulo niya.


"Mas madaming may kailangan sa dad mo, hayaan mo na sila na sila na yung magamot. Okay pa naman ako, nakakahinga pa naman ako." Tapos ngumiti pa siya.

Kinuha ko yung gamot niya sa bag tapos pinainom ko na sa kanya. Sobrang nag-aalala na talaga ako sa kanya, hindi ko alam kung okay pa ba talaga siya or baka mamaya may malala na siyang sakit.

Nung ready na siya, sabay na din kaming pumasok sa school. Nakaformal nansiyang damit kasi turn na daw niya para sa defense nila.

"Good luck Murillo. Kayang kaya mo yan." Ngumiti naman soya tapos tumingin sakin.


"Thank you. Promise me you'll never leave me until the end." Sabi niya, medyo kinabahan ako.


"Bakit?"


"Just promise me."


"I won't. I promise." Tapos tumakbo na siya papasok ng building tapos naghanap na ko ng parking lot.

Sa paghahanap ko, sobrang bagal lang naman talaga ng maneho ko ng biglang may nagdive sa harap ng kotse ko tapos gumulog sa sahig. Punyemas. Nakapatay ako?

Dali dali akong bumaba, at nakita ko si Xyx. Dumudugo yung noo.

"Xyx, wake up. Bullshit. Xyx wake up. Tangina, napakatanga mo. Ang bagal bagal na nga ng maneho ko. Leche. Aalis ka din ba parang si Kyle?" Walang malay si Xyx. Tapos binuhat ko siya papasok ng kotse. Parang hindi amoy dugo. Pukingina nitong si Xyx.

In Terms of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon