Chapter 36

13.1K 274 3
                                    

Fire Alexandra POV

'Get ready everyone. Be attentive and serious kung gusto niyo pang mabuhay. Stick to the plan and don't do stupid things" malamig na sabi ni Triev. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin saka hinawakan ang tiyan ko. I don't know but I feel nervous and excited at the same time. Iba ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag.

Tumahimik lang ako at tumingin sa orasan. It's already 8:00 a. m. Nag hahanda na kami sa mangyayari mamayang gabi. Huminga ako ng malalim at napasandal sa upuan.

"Wife. Is there something wrong? Are you ok? " Tumingin ako kay Triev na nag aalala na ngayon. Tumango lamang ako at inikot ang tingin ko sa silid kung asan kaming lahat. Nasa hideout kami at nandito lahat ang tauhan ni Triev. May mga babae rin na matino hindi gaya nung babae kanina na makadikit at ma kabati kay Leon akala mo girlpren. Tsk! Gusto ko ngang isungalngal sa basurahan.

Nandito ang lima at nakatingin sa akin. Naka alis na ang mga men in black nila pati na yung mga babae. Tumayo na ako at nag unat. Nag simula akong mag lakad at tinitignan ang paligid nitong silid. Ramdam ko ang tingin nila sa akin.

Sa silid na ito ay kasya ang mahigit isang daang tao. Malawak ito at sa pinakagitna ay may pahabang lamesa at mga upuan. Kulay abo ang theme ng silid na ito. Sa gitna ay may isang malaking logo at sobrang ganda nito.

Naka spread yung wings nung Phoenix at kulay itim ito na may highlight ng gold ang pakpak nito. Ang katawan naman ay kulay pula sa itaas at yellow naman sa baba. Sa gilid nun ay ang pangalan ng grupo nila Triev. May disenyo ito at kumikintab ito. Nilapitan ko ito at hinaplos ko iyon. Wala sa sariling napangiti ako. Nakaka mangha kasi ito at ang sarap lang titigan. Nilibot ko ang tingin ko at may mga litrato ang grupo. Tinignan ko ang mga ito at masasabi kong ang gwa gwapo nila noong bata pa sila. Mas lalo pa nuong teen ager sila.

"Wife. Come here" malamig na sabi ni Triev. Tinignan ko siya at nag tatakang lumapit sakanya. Hinawakan niya ang bewang ko at pina upo ako sa kandungan niya. Pinatong ko ang siko ko sa kanang balikat niya at tinaasan siya ng kilay.

"Gutom ka na ba? " tanong niya. Umiling lamang ako sinandal ang noo ko sa pisngi niya.

"Gusto kong mag libot dito" sabi ko at kumawala sa hawak niya. Tumayo ako at dumeretso sa pintuan.

"Wife. It's dangerous. Come here" malamig na sabi niya sa akin. Umiling ako at sumandal sa pader.

"Sige na... hubby. " maktol ko at yumuko. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kaya tumingala ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Niyakap ko siya sa bewang at sinubsub ang mukha ko sa dibdib niya.

"Ehem! sige na boss ilibot niyo na si Fire. Kanina pa kami nilalanggam sa sobrang sweet niyo sa harapan namin. " rinig kong sabi ni Macky. Humiwalay ako sa yakap at hinila siya palabas ng silid na iyon. Nag simula kaming maglibot at yumuyuko sa amin ang mga tauhang nakaka salubong namin. May anim na pinto dito at iba iba ang kulay.

"The yellow door is the laboratory room. The blue door is the training room while the white door is where we put our guns katana knife and other weapons. The red door is the torture room while the black door is the conference room for the six of us and it has a six rooms. The grey door is our office. Yung silid na pinasok natin kanina ay ang meeting room para sa mga tauhan namin. " mahabang sabi niya. Tumango ako at inikot pa ang paligid nito. Kulay itim at abo ang theme nito at magaganda ang disenyo. Medyo mainit dito dahil underground. Hinubad ko ang sweat shirt ko. Nakasuot ako ng isang dress na above the knee at naka sneakers lang ako. Kinuha ni Triev ang jacket ko at pinunasan ang noo at leeg kong pawisan. Pumasok kami sa conference room nilang anim. Malawak ito at parang bahay kung tutuusin. May pahabang mesa ito na may mga upuan at sa bandang kaliwa ay ang isang pasilyo papuntang kusina. Sa kanan naman ay sala at sa harap ay anim na pinto at iba iba ang kulay nito. Pumasok kami sa kulay grey na pinto. Nakita ko agad ang isang king size bed sa gitna at ang kulay itim na carpet. May couch sa isang gilid at nakadikit ang malaking t. v.  sa dingding. May mga picture na nakapatong sa isang table. Puro litrato ko iyon at ang iba ay magkasama kami. May isa pang kulay puti na pintuan na sa palagay ko ay bathroom.

My Cold Hearted Husband {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon