Chapter 30

13.1K 240 2
                                    

Fire Alexandra POV

Nagising ako nang maramdaman kong nabubuwal ako. Agad akong tumakbo papuntang cr at di na nag abalang kumuha ng pantakip sa katawan ko.

Sumuka lang ako ng sumuka sa lababo pero puro tubig lang ang lumalabas. Naramdaman ko ang paghagod ni Triev sa likod ko. Nahihilo ako at nanginginig ang tuhod ko sa mga oras na ito. Inabutan niya ako ng tubig at agad akong nagmumog. Sinandal niya ako sa dibdib niya at hinilamusan niya ako. Napapikit na ako at gusto ko nang mahiga. Naramdaman ko na lamang na pinunasan ni Triev ang mukha ko saka ako binuhat.

Nilapag niya ako sa kama at sinuotan ng damit pantaas. Nakapikit lamang ako dahil pakiramdam ko umiikot ang paningin ko.

"Wife...  are you ok? " alalang tanong ni Triev. Minulat ko ang mata ko at tinignan siya.

"yeah" tipid kong sabi. Humiga siya sa tabi ko at hinilot ang sentido ko. Humarap ako sakanya at dinantay ang paa ko sa bewang niya.

"hubby... hwag muna ako pumasok" mahina kong sabi habang nakapikit. Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Ok. I will stay with you" malamig niyang sabi. Minulat ko ang mata ko at tinignan siya.

"Hwag na. Pumasok ka na lang" tamad kong sabi at pumikit muli.

"No. And thats final" malamig niyang sabi. Napabuntong hininga nalamang ako dahil alam kong pag sinabi niya gagawin talaga niya at di ko na siya mapipigilan don. Niyakap ko na lang siya at hindi inaalis ang pagkaka dantay ng paa ko sa bewang niya.

Dahil masama ang pakiramdsm ko ay madali akong nakatulog. Hindi ko na rin narinig pa ang mga pinagsasabi ni Triev dahil hinihila na ako ni kadiliman.

Triev Thunder POV

Huminga ako ng malalim at niyakap ng mahigpit si Fire. Hindi ko maiwasang mag alala sakanya dahil sa kalagayan niya ngayon. Sinapo ko ang noo at leeg niya. Hindi naman ito mainit.

Malalim na ang tulog ni Fire kaya dahan dahan kong inalis ang paa niya sa bewang ko at ang kamay niya sa may ribs ko. Medyo gumalaw ito kaya hindi muna ako gumalaw. Ipinagpatuloy ko ang pag alis sa kamay niya ng hindi na siya gumalaw. Ganun din sa paa niya.

Kinumutan ko na siya at hinalikan muna sa labi bago ako kumuha ng boxer shorts at isang puting sando. Pagkatapos kong magbihis ay dumeretso ako sa baba at naabutan ko ang grupo na mga nakahanda na.

Lumapit ako sa isang single couch at umupo doon. Dumekwatro muna ako bago ako nagsalita.

"Make sure that your mission is successful and you will all come back here safe and sound" malamig kong sabi. Nagsitanguan naman sila sa akin bago tumayo.

"Boss... una na po kami" sabi ni Leon. Tumango na lamang ako sakanila at tumayo na rin. Umalis na sila at ako naman ay tumayo na at umakyat muli.

Pumasok ako sa kwarto namin at muling tumabi kay Fire. Niyakap ko siya at hinalikan sa labi. Pinagmasdan ko muna siya saglit bago dahan dahang pumikit. Masyado akong napagod dahil ilang beses kaming nag make love kagabi at halos madaling araw na kaming natapos. Ang tagal pa naman niyang labasan. Umaabot ito ng oras bago labasan. Tsk! Something is really wrong with her. Maraming nagbago sakanya this past few days.

Fire Alexandra POV

Nagising ako ng mga bandang eleven thirty. Tumingin ako sa tabi ko at ang gwapong mukha ni Triev ang bumungad sa akin. Mahimbing ang tulog nito kaya pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang gwapo talaga niya. Bagay sakanya ang high cut hairstyle niya.

Ang hindi gaanong makapal na kilay niya. Ang mata niyang maganda. Ang mahaba at makapal niyang pilik mata. Ang ilong niyang matangos na parang gusto kong kagatin? At ang labi niyang malambot mapula na gustong gusto kong halikan.

My Cold Hearted Husband {Completed}Where stories live. Discover now