Chapter 31

12.7K 295 4
                                    

Fire Alexandra POV

Nagising ako kinaumagahan ng maramdaman kong nasusuka ako. Tumakbo ako papuntang cr at sumuka ng sumuka. Araw araw akong nakakaramdam ng hilo at pagsusuka tuwing umaga.

Hinimas ni Triev ang likod ko at inabutan ako ng tubig. Nag mumog ako at naghilamos bago harapin si Triev. Inabot niya sa akin yung towel kaya pinunasan ko ang mukha ko.

"Are u ok? Lagi ka nang nagsusuka" alalang sabi niya sa akin. Nginitian ko na lamang siya at tinanguan.

"Sige na labas na maliligo na ako. " sabi ko. Napabuntong hininga naman siya at tumango bago umalis. Nilock ko na ang pinto at nagsimula ng maligo. Pagkatapos ay blinower ko ang buhok kong mahaba saka lumabas na.

Nakita ko si Triev na tumayo na rin at pumasok sa cr. Dumeretso ako sa walk in closet namin at pumili ng masusuot. Kumuha ako ng black fitted black skirt na above the knee at blue long sleeve blouse.

Umupo ako sa harapan ng salamin at sinimulang mag lagay ng light make up. Inayos ko ang buhok ko at ginawa itong tatlong pa flower braid.

Nang maayos ko na ang mukha ko ay kinuha ko ang black stiletto ko at ang black shoulder bag ko. Pumasok uli ako sa loob ng walk in closet namin at kinuha ang 3pc. suit ni Triev na kulay itim saka ang neck tie nito. Kinuha ko rin ang black shoes niya saka nilapag ito sa sahig. Nilagay ko naman ang damit niya sa kama at inayos ito.

Sakto naman na lumabas si Triev na basa ang buhok at towel lang ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan nito. Bigla akong umiwas ng tingin ng mapadako ang tingin ko sa katawan niya. Tumayo na ako sa kama at kinuha sakanya ang towel na pinag pupunas niya sa buhok niya.

Ako na ang nagpunas sa buhok niya kaya hinawakan niya ako sa bewang at tinitigan. Hinayaan ko na lamang siya dahil gusto kong tinititigan niya ako.

"Your so gorgeous" nakangiti niyang sabi sa akin. Nginitian ko na lamang siya saka ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Nang matapos ko siyang punasan sa buhok ay sinabi kong mag palit na siya ng damit.

"Hubby... hihintayin na kita sa kusina. Nagugutom na ako" sabi ko at lumabas na. Dali dali akong bumaba ng hagdan at tinungo ang kusina. Hindi ko nakita ang grupo kaya nag kibit balikat na lamang ako.

Umupo na ako sa upuan at sinimulan ng kainin ang pagkain na nakahain. Maya maya ay narinig ko ang mga yabag ni Triev na pababa sa hagdan. Hindi ako lumingon ng maramdaman kong nakapasok na siya dito sa kusina.

Umupo ito sa tabi ko at nilapag ang bag ko saka ang case niya sa kabilang upuan. Tinignan ko siya at tumingin naman siya sa akin ng malamig. Sanay na ako doon kaya parang wala lang ito sa akin.

"Ano gusto mong kainin? " tanong ko. Nginuso niya ang pagkain ko kaya walang pasabi na sinubo ko sakanya ang nasa kutsara kong pagkain.

Ang ending. Nagsalo kaming dalawa sa iisang plato hanggang sa matapos kaming kumain. Inayos muna namin ang mga sarili namin bago kami gumayak paalis ng mansyon. Magkahawak kamay kami habang nagmamaneho si Triev. Nakasandal ako sakanya habang nakikinig ng music. Gustong gusto ko ngang pakinggan yung kanta ng mga Coldplay at iba pang sikat na singer ng America.

After 30 min. ay nakarating na kami sa companya. Hinapit niya ako palapit sakanya kaya biglang nag bulungan yung mga empleyado niya. Napabuntong hininga na lamang ako at naglakad lang ng diretso. Hindi pa pala ako pinapakilala ni Triev sa companya.

Sumakay na kami sa private elevator at tahimik lang kami sa loob. Maya maya ay bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami. Pumasok na kami sa loob ng office niya at dumeretso na ako sa table ko. Dito na pala ako ipinuwesto ni Triev. Noong una ayoko pero wala na akong magagawa kapag siya na ang nag salita.

My Cold Hearted Husband {Completed}Where stories live. Discover now