Chapter 24

13.9K 269 4
                                    

Triev Thunder POV

"Gusto kong alamin mo kung sinong kaibigan ang tinutukoy ni Fire. Alam mo naman ang nangyari tama?" malamig na sabi ko kay Jacob.

Tinanguan niya ako at yumuko siya bago siya umalis dito sa opisina ko. Napatingin ako kay Fire na nasa kandungan ko at mahimbing ang tulog. Pansin ko rin ang pangingitim ng ilalim ng mata niya. Pagod na pagod ito at parang ngayon lang siya nagpahinga.

Inayos ko ang pagkakakandong niya sa akin at binuhat siya ng pa bridal style. Naglakad na ako papasok sa secret room ko dito sa opisina at dahan dahan siyang inihiga sa kama.

Napatingin ako sa orasan dito sa loob ng kwarto at tapos na ang break time nila. Kinumutan ko si Fire at hinalikan muna sa noo bago lumabas dahil nakarinig ako ng katok sa pintuan ng office ko.

Lumabas na ako ng secret room ko at ako lang ang nakaka alam nito. Parang pader lamang ito kung nasa labas. Magbubukas lang eto kapag nadedetect nito ang mata ko.

Umupo ako sa swivel chair at huminga ng malalim bago papasukin yung kumakatok.

"sir it's maam Kiara maam Loisa and sir James" seryosong sabi niya.

"ok. You know what to do" malamig kong sabi at ipinagpatuloy na ang pag pipirma. Narinig ko na lamang ang pagbukas at pagsara ng pinto. Sisiguraduhin kong wala na sila sa companyang ito.

~~ After 30 min ~~

Patuloy parin ako sa pag pirma ng biglang may kumatok ulit.

"Come in" tipid kong sabi. Bumukas naman ang pinto at di ako nag abalang tignan kung sino ang pumasok.

"sir ayaw po nilang umalis. sabi ni Jacob. Tinignan ko siya ng malamig at napabuntong hininga.

"where are they" malamig kong sabi.

"at the office sir" sabi niya at iginaya ako patungo sa baba. Hinintay lamang naming makarating sa 16th floor kung nasaan ang opisina nila Fire. Bumukas na ang elevator kaya lumabas na ako at naramdaman ko ang pagsunod sa akin ng secretarya ko.

Nakita ko sa di kalayuan ang dalawang guard at sapilitang pinapaalis ang tatlong kaibigan kuno ni Fire.

"ano ba! bitawan niyo ako sabi!" sigaw ni Kiara at nagpumiglas. Ganun din ang dalawa. Nakita ko sa gilid si Gab na seryosong nakatingin sakanila at di nag abalang ipagtanggol ang tatlo.

"why are you still here? you three are all fired right" malamig at seryoso kong sabi. Napatigil naman sila sa pagpupumiglas ng magsalita ako. Napatingin naman silang lahat sa akin at gulat ang makikita sa mukha nila.

"sir! please we didin't do anything" nagmamaka awang sabi ni Loisa. Napangisi naman ako at sinabing..

"oh really... what if I tell you that I know what are you planning Ms. Loisa" malamig kong sabi na ikina putla niya.

"your planning to get my wife right and give her to your boss." pagpapatuloy ko.

"p--paanong--" utal na sabi ni James na kanina pa tahimik.

"Tell to your boss that stop her bullshit plans" malamig kong sabi sakanila.

"now I want the three of you to leave and never comeback" sabi ko at tinanguan ang guard para hilain ang mga ito palabas ng companya. Naglakad na ako paalis doon at bumalik sa opisina ko saka ipinagpatuloy ang pag pirma.

Tama ang hinala ko. Unang kita ko pa lamang sakanilang tatlo ay parang may binabalak sila. Alam kong kalaban si Lexy at alam kong siya ang nag utos sa tatlong empleyado ko para paikutin at kunin ang tiwala ni Fire. Alam kong may binabalak siya but I swear na tapos agad siya kung may masamang mangyari sa asawa ko.

My Cold Hearted Husband {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon