Chapter 23

13.1K 268 4
                                    

Fire Alexandra POV

"Hindi ko akalaing asawa pala ni Fire si Sir" narinig kong sabi ni Kiara.

"Like duhh.." nanunuya niya pang sabi. Paano kaya nila nalaman na mag-asawa kami at bakit ganun sila.

"Siguro kung hindi tayo bumalik nung mga oras na yun ay hindi pa natin ito malalaman." sabi naman ni Loisa na nakakandong kay James.

"Tama ka girl. At isa pa may baho rin palang itinatago iyang si Fire." sabi ulit ni Kiara.

"Siguro nilandi at pinaikot ni Fire si Sir para maging asawa niya ito" sabi naman ni Loisa. Tatlo lang sila sa loob at wala si Gab.

Hindi ko aakalain na ganito pala sila kapag wala ako. Hindi ko inaasahan na niloloko lang pala nila ako at higit sa lahat.. isa lamang palabas ang mga pinapakita nila.

Nanatili akong nakatayo at tahimik dito sa kinakatayuan ko. Nanginginig na ang katawan ko dahil sa galit at naiiyak na ako.

"hayaan mo baby.. papaikutin pa natin si Fire basta hwag lang kayong pahalata kay Gab na may plinaplano tayo. sabi naman ni James na hinalikan si Loisa sa leeg.

"Haaayyy... kung di lang tayo inutusan ni Ma'am na gawin to hindi ko matitiis na makasama at makipag kaibigan kay Fire." maarteng sabi ni Kiara.

"Nakakainis nga rin siya. Ang sarap niyang burahin dito sa mundo. Nanggi-gigil talaga ako sakanya." galit at naiinis na sabi ni Loisa.

So all this time.. since the day I started working here niloloko na pala nila ako. Gusto ko silang pagmumurahin pero mas pinili ko nalamang na manahimik dito at maghihintay ng tyempo para magsalita na at basagin ang katahimikan ko. Naawa nga rin ako kay Gab dahil pati siya pina ikot ng mga walang hiya.

"Nakakainis nga rin dahil inaagaw niya sa akin si Gab" sabi ulit ni Kiara

"Like duhh.. siguro nung nanliligaw pa si Gab kay Fire ay feel na feel niya ito at nakakainis ha kasi pakipot pa siya. Ang arte arte kala mo naman kung sinong maganda" irap na sabi ni Loisa.

Nang hindi ko na kayang basagin ang katahimikan ko ay nagsalita na ako. Nakatingin ako sakanila ng seryoso at pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Eh kung ginagago pala nila ako pwes nagkamali sila ng kinalaban.

"ano masaya na kayo?" tanong ko na kinalingon nila. Bakas sa mga mukha nila ang gulat at pagkataranta. Palihim akong ngumisi at tinapunan sila ng blankong ekspresyon.

"Ang galing galing ninyong actress at actor. Sobra. Saludo ako sainyo. Sobrang galing ninyong umakto sa putang inang palabas niyo. Halos wala na akong masabi. Salamat sa panloloko ha? Sobra ang pasasalamat ko sa ginawa ninyo. Sorry to say ha? mga wala kayong kwentang kaibigan. Hwag niyo nang tanungin kung bakit dahil alam na ninyo ang sagot. And one more thing... dont judge me as if you know the whole and real story cause you fucking don't" matapos ko iyon sabihin ay maglalakad na sana ako papuntang office ko ay biglang nagsalita si Kiara at parang namutla.

"G-gab..."

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Gab na seryosong nakatingin sa loob at nakakuyom ang mga kamao.

"Nice acting huh? I was impressed" malamig pero madiing sabi niya at dumeretso papasok sa loob at tinungo ang kaniyang office at sinara ang pinto.

Tumuloy narin ako sa loob at dumeretso sa office ko. Nga pala nakalimutan kong sabihin... Transparent ang aming office kaya kita ang tao sa loob at kung ano ang ginagawa nito.

Ginawa ko lamang na busy ang sarili ko at di ko na tinapunan ng tingin ang tatlo. Pakiramdam ko hindi ko matitiis na makasama ko pa sila sa iisang lugar. Haayyy....

Pagpatak ng break time sa hapon ay inayos ko na ang mga gamit ko pagkatapos ay lumabas ako ng office na hindi nagpapaalam at di sila tinignan.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 1st floor. Hinintay ko lang na makarating ako sa baba hanggang sa bumukas na ito. Lumabas na ako at dineretso ang daan papuntang garden. Umupo ako sa isang bench at di ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Napaiyak na ako dahil sa nararamdaman kong inis galit at sakit.

Ang sakit lang isipin na ang sarili mong mga kaibigan ang mismong lolokohin ka. Tinuring ko na silang kapatid pero ito lang pala ang malalaman ko. Arggg!! fuck! putangina lang!

Pinunasan ko ang luha ko ng magvibrate ang phone ko.

Come again here wife. Take care and I love you😘

Basa ko sa text na natanggap ko mula kay Triev. Napangiti ako ng tipid at tumayo na. Naglakad na ulit ako papasok sa loob ng building at pumasok sa elevator at tinungo na ang office niya.

Naghintay lang ako ng isang minuto at bumukas na ang elevator. Lumabas na ako at sumalubong sa akin ang tahimik na atmosphere. Di ko rin nakita si Jacob sa inuupuan niyang table malapit sa pinto ng office ni Triev.  Hmm... nasa loob siguro  si Jacob sa sarili niyang office.

Kumatok na ako sa pinto ng tatlong beses saka ito binuksan. Nakita ko si Triev na nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa glass wall. Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"hubby.." pumiyok kong sabi. Shit! pls. luha hwag ka munang tumulo makisama ka muna..

Humarap naman siya sa akin at tinignan ako sa mukha ng seryoso. Alam kong pansin niya na umiyak ako kaya napaiwas ako ng tingin.

"ba't naiiyak ka?" seryoso niyang tanong. Bigla akong tumalikod sakanya at tumakbo papuntang cr at inilock ito. Hindi ko na napigilan at napaupo ako sa sahig at napahagulhol.

Naiinis ako at galit ako. Peste naman kasi ang sakit. Sila na nga lang ang nagturing sa akin na totoong kaibigan pero hindi pala. Gusto kong magsisigaw at magwala pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"wife.. open the good damn door" malamig at seryoso niyang sabi habang walang tigil sa pagkatok at pagpihit sa door knob ng pinto. Hindi ko siya sinagot at nanatiling naka upo.

"You will open this door or I will destroy it" nagbabanta niyang sabi. Pinunasan ko na ang luha ko at tumayo na mula sa pagkakaupo saka inopen ang pinto. Nakayuko lang ako kaya di ko alam kung ano na ang reaksyon niya.  Iniangat niya ang ulo ko kaya nagtama ang mga paningin namin.

"whats wrong?" nag- aalalang tanong niya. Hindi ko alam pero nakatitig lang ako sakanya at pakiramdam ko stress at sobrang pagod ako. Inakay niya ako papuntang couch at pinaupo sa kandungan niya.

"hey.. can you tell me what's wrong?" pag-uulit niya. Tinanggal ko ang heels ko at nilagay ito sa gilid ng sofa at nag indian seat ako paharap sakanya saka ko siya niyakap. Alam kong namumugto na ang mga mata ko at masakit narin ang mga mata ko. Niyakap niya ako sa pabalik sa bewang at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"hubby..' naiiyak kong sabi.

"b-bakit ganun... pinagkatiwalaan ko sila pero niloko nila ako. Naiinis ako tangina! shit lang!" sabi ko at di ko na napigilan pa ang mapamura habang humihikbi.

"shh.. enough now wife. Don't worry akong bahala sa kanila" Napatango nalamang ako sa sinabi niya. Hindi ko na sila kayang makita at makasama pa.

Nakasubsub lang ako sa leeg ni Triev at patuloy sa  paghikbi. Maya-maya pa ay kusa na lang pumikit ang mga mata ko at nagpatangay na sa antok.

Hindi ko na alam ang nangyari pa at sana pag gising ko.... makaramdam sana ako ng ginhawa sa puso.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi readers!😊 Sorry for the long update.

Pls do vote and comment your thoughts about this story.

Thank you😊

My Cold Hearted Husband {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon