Chapter 11

16.2K 340 6
                                    

Fire Alexandra POV

Kakagising ko lang ngayong araw at eto ang pangalawang araw ko dito. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang limang lalake na nakatulog sa may sofa. Yung iba naman ay sa sahig natulog dahil hindi sila kasya sa iisang couch lang.

Napansin kong wala si Triev dito sa kwarto. Pero mabuti na yon kaysa sa makita ko siya. Hindi ko parin kasi maiwasang maalala ang mga nangyari kahapon lang. Tinignan ko ang side table at nakita ko doon yung phone ko. Buti naman at hindi ito nasira naku! sayang pa naman ang perang nagastos. At isa pa marami rin kasi akong mga alaala na nakalagay dito.

Inabot ko ang phone ko at tinignan ito. Ini-on ko ito at buti naman ay gumana. Tinignan ko ang message box at call log ko dahil maraming nag text at tumawag.

Una kong tinignan ang call logs ko at galing ito sa mga kaibigan ko sa trabaho which is sina Gab. Hindi ko na tinignan yung iba at binack ko na ito. Sunod kong pinuntahan yung message box ko dahil naka receive ako ng 34 text. Binasa ko ang mga ito at gaya sa call logs sina Gab parin ang mga nag text. Ini scroll down ko pa mga message at nakita kong nag text sa akin si Manang. Tinatanong niya kung ligtas ba ako o ok lang dahil hindi daw nila ako makontact.

Nireplayan ko si Manang at sinabing ayos lang ako ganun din ang mga kaibigan ko. Matapos ko silang replyan ay inexit ko na ang messages at ini on ang wifi.

Nanood lamang ako sa YouTube ng mga movies. Hindi na rin gaano kasakit yung ulo ko at medyo bumubuti na ako.

Nakarinig ako ng mahinang ungol kaya napatingin ako sa mga lalakeng pamilyar ang mga mukha. Nag uunat ang mga ito pero hindi pa nila minumulat ang kanilang mga mata.

Tinignan ko sila pero mukhang nakatulog ulit sila. Hininaan ko na lng yung volume ng phone ko at nag patuloy sa panonood.

Habang abala ako sa panonood ay biglang bumukas yung pinto. Pumasok si Triev na may dala dalang pagkain. Marami ito kaya baka kinuhanan na rin niya ng pagkain ang mga kasama niyang andito. Tinignan ko siya at bigla na lamang siyang nag iwas ng tingin nung mag tama ang mga mata namin. Hmm...siguro umiiwas din siguro siya? Ah malay!

Binalik ko na lamang ang atensyon ko sa pinapanood ko. Maya maya ay may humablot sa phone ko. Nagulat ako dito kaya tinignan ko ang lalakeng iyon. Nakita ko si Triev na nakatayo sa gilid ko at may hawak hawak na pagkain. Tinignan niya lang ako ng malamig ng tumingin ako sakanya. Dahil sa nabitin ako sa panonood sinabi kong...

"Triev! wait lang ibalik mo muna yang phone ko. Matatapos na yung pinapanood ko."  pagmamaka awa ko. Napabangon din ako kaya inalalayan niya ako.

" Pwede ba Fire magdahan dahan ka baka mapano ka pa" malamig ngunit mababakas mo ang pag aalala sa boses niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at inabot ko bigla yung phone ko.Nakuha ko ito at agad na plinay yung movie.

" ok I will allow u to watch on your phone but you need to eat first." sabi niya. Napatingin naman ako sakanya sunod doon sa hawak niya. Tumango na lamang ako at akmang kukunin ko ang plato ng bigla niya itong ilayo sa akin. Tinignan ko siya ng may pagtataka. Umupo siya sa side ko at itinaas ang kutsarang may pagkain na nakalagay saka inilapit ito sa bunganga ko.

"just eat and I'll feed you" malamig niyang sabi. Noong una ay nagdadalawang isip pa ako pero nung tinignan niya ako ng masama ay no choice ako kundi magpasubo. Tinuloy ko na lamang ang panonood ko ng movie sa YouTube habang pinapakain niya ako.

Noong natapos ang movie ay ini off ko na ang phone ko at nag focus na sa pagkain. Nang susubuan niya ulit ako ay tinignan ko siya.

"open your mouth wife. Hwag mo akong titigan" malamig ngunit naka ngisi niyang sabi. Umiwas agad ako ng tingin at sinubo na ang pagkain. Pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko papunta sa mukha. Nakakahiya ka Fire!

Habang ngumunguya ako ay napaisip ulit ako. Naalala ko yung mga sinabi sa akin kahapon ni Triev. Ok fine! aaminin kong nagseselos ako sa 'somebody' na iyon. Hayy... ang sakit lang isipin na hindi niya nga mahal si Lexy pero meron siyang mahal na iba.

Nabalik lang ako sa sarili ko ng itapat ulit ni Triev yung kutsarang may laman na pagkain. Sinubo ko na ito pero sa di inaasahan bigla akong nabilaukan. Biglang tumayo si Triev at kumuha ng tubig saka ibinigay ito sa akin. Agad ko itong kinuha at ininom agad. Hinimas niya ang likod ko at maya maya ay kinuha ang tubig mula sa akin saka nilagay ito sa side table at umupo muli sa tabi ko.

"ehem!" napatingin naman ako sa taong tumikhim at nakita kong gising na ang limang lalake kanina. Tinignan ko naman si Triev na sumubo ng pagkain ko at hindi nag abalang tumingin sa taong iyon.

"A-ahm..hi? .." awkward kong bati sakanila. Nakaupo sila ng prente sa mahabang couch at isa sakanila ay naka ngisi. Naramdaman kong nag blush ako kaya umiwas ako ng tingin at ibinaling sa ibang direksyon.

" you can eat the food I brought a while ago" malamig na sabi ni Triev habang sinubuan ulit ako.

"wow! himala ata at pati tayo binilhan ng pagkain" narinig kong sabi nung lalakeng jolly. Tinignan ko si Triev na walang kibo at patuloy lang sa pagsubo sa akin. Inilingan ko na siya dahil busog na ako at para makakain na rin siya.

Marami pang natira sa pagkain ko kaya siya na mismo ang nag ubos non. Ang lakas nga niyang kumain na akala mo di nakakain ng ilang araw.

Nang matapos na sila ay nagsi upo na ulit sila at may kaniya kaniya ng ginawa. Tumayo na si Triev at niligpit yung pinaglagyan ng pagkain kanina.

"ehem.. boss baka naman pwede mo na kaming ipakilala kay Ms. Fire" sabi nung lalakeng mukhang playboy. Oo pamilyar ang mga mukha nila dahil nakita ko rin sila nung araw ng kasal namin pero di ko ganun inentertain. Tinignan ko naman si Triev na walang imik na papunta sa kinaroroonan ko. Umupo siya ng maayos at hinarap kami.

"The guy with a serious face like me is Mark" turo niya sa seryoso at tahimik na lalakeng nakaupo sa couch. Tumango siya sa akin ng tignan ko siya kaya sinuklian ko na lamang siya ng tipid na ngiti. Pano naman kasi nakakakaba yung itsura niya.

"Beside him is Macky.. his twin" sabi niya saka tinuro yung katabi niya. Siya yung lalakeng mukhang jolly na nagsalita kanina.

"hi Ms. Fire nice to meet you" masigla niyang sabi.

"ah...hello" akward kong tugon saka siya nginitian ng matamis.

"tch!" biglang sabi ni Triev at ipinakilala ulit ang katabi nung Macky.

"yung lalake naman na may highlight na red ang buhok ay si Leonard" nginitian niya akong matamis kaya ginantihan ko rin siya ng isang matamis na ngiti.

"The guy who spoke a while ago is Jonard" turo niya sa lalakeng mukhang playboy? ah basta yung lalakeng nagsalita rin kanina.

"hi" sabi niya at lumapit sa akin. Akmang hahawakan niya ang kamay ko ng biglang nagsalita si Triev ng malamig at nakakatakot na boses.

"Touch her and I kill you"

Napalayo naman agad si Jonard sa akin at napangiwi. Bumalik na lamang siya sa upuan niya at umupo ng maayos.

"yan kasi ang landi mo brad...HAHAH" sabi ni Macky sakanya..
Binigyan lamang siya ni Jonard ng isang dirty finger kaya tumawa si Macky. Napailing naman ako sa ginawa nila. Boys are really boys.

"Lastly..Joshua or Josh in short" turo niya sa lalakeng prenteng naka upo at kahawig niya. Kinawayan niya ako at nginitian ng matamis. Ginantihan ko na lamang siya ng matamis na ngiti.

"By the way he is my closest cousin" dagdag niya. Napatango naman ako ng bahagya.Kaya pala may pagkakahawig sila.

"They are the main people and my most trusted people in my organization. They are also my bestfriend since highschool and their family are also part in the Mafia World. " cold at mahabang sabi ni Triev. Napatango naman ako at hindi na umimik. Wow! just wow!

Nakakahanga naman. They hold the special positions in their org.

~~~~~~~~~~~~~~{~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi readers! if you are enjoying reading this story pls hit that vote and also comment your thoughts about this story😊 Thank you😉

See you at my next update😍

My Cold Hearted Husband {Completed}Where stories live. Discover now