Chapter 2

19.6K 472 1
                                    

Fire Alexander POV

Gabi na at andito ako sa kwarto ko at hindi parin makatulog. Iniisip ko parin ang nangyari kanina. Aaminin kong nasaktan ako sa nakita ko kanina. Nakaka inggit lang kasi dahil nararanasan ni Lexy ang makipag date sa asawa ko samantalang ako ay nakatingin lang sakanya mula sa malayo. Aaminin ko rin na sobra akong nagseselos at nasasaktan dahil nakikita ko si Triev na sobrang saya kapag kasama niya si Lexy.

Naramdaman ko ulit ang pag agos ng aking luha hanggang sa mapahagulhol ako. Ayoko sa ganitong feeling pero alam kong kapag nag mahal ka ay kailangan mong maranasan ang masaktan. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko at huminga ng malalim.

Tumayo na ako sa kama at humarap sa salamin. Nakita ko naman na namumugto ang mga mata ko. Huminga ulit ako ng malalim at tumingin sa orasan dito sa kwarto ko at pasado alas dyes na ng gabi.

Napagdisisyonan kong lumabas na ng kwarto at bumaba para uminom ng tubig sa kusina. Sigurado akong naka uwi na si Triev at natutulog na.

Nagdahan dahan ako sa paglalakad dahil baka magising ko yung mga taong natutulog. Nang makarating ako sa kusina ay inopen ko yung ilaw at pagkatapos ay binuksan ko ang ref kung saan nakalagay ang pitsel ng tubig. Nilabas ko ito at kumuha ng baso tsaka nilagyan ito ng tubig.

Triev Thunder POV

Pumasok na ako sa loob at hindi na nag abalang ibukas ang ilaw. Nagtuloy tuloy lang ako patungong hagdan pero napatigil ako ng mapansin kong nakabukas yung ilaw sa kusina. Hindi ko na sana papansinin kung sino ang tao doon pero nang makita ko ang pamilyar na likod ni Fire which is my wife ay dahan dahan akong lumapit sakanya at hindi gumagawa ng anumang ingay. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita.

Lumapit pa ako sakanya hanggang sa isang hakbang lang ang pagitan namin. Bigla siyang humarap at napasigaw sa gulat. Hindi ako nagpakita ng anumang reaksyon at tinitigan ko siya. Nakahawak siya sa bandang dibdib niya dahil sa gulat pero napansin ko ang pamumugto ng mga mata niya.

"Bakit namumugto yang mata mo?"malamig kong tanong. Napansin ko naman na hindi siya mapakali at umiwas ng tingin habang nanatiling walang imik.

"answer me woman"matigas kong sabi.

"a-ahh a-ano..may p-pinanuod kasi akong n-nakaka iyak kaya ayun" utal utal niyang sabi pero halata mo ang pagsisinungaling niya.

"tsk! then why are u still awake" tanong ko ulit sa malamig na tinig.

"ahmm..n-na uuhaw kasi ako k-kaya uminom ako ng tubig." sagot niya.

"Go now and sleep... anong oras na at baka malate ka bukas dahil diyan sa pagpupuyat mo. " sabi ko at tinalikuran na siya at naglakad paalis.

Napahinga naman ako ng malalim ng maalala ulit si Fire. Actually I really know the truth why she cried. Alam kong nakita niya kami ni Lexy kanina na mukhang masaya. Tsk! I really want to explain and hug her a while ago but I need to stop myself cause if I did that....baka tuluyan na akong bumigay at baka mapahamak siya.

Fire Alexandra POV

Nanginginig parin ako dahil sa takot. Hindi ko naman kasi inaasahan na susulpot siya at magtatanong. Nakakakaba talaga pag kausap mo siya dahil sa malamig at seryoso niyang awra.

Hayy...nilagay ko na ang baso sa lababo at binalik sa ref ang pitsel ng tubig. Pagkatapos ay pinatay ko na ang ilaw sa kusina at tumaas na patungo sa kwarto ko.

Oo hiwalay kami ng kwarto at minsan lang niya ako kausapin. Haayyy....

Nang makarating na ako sa kwarto ko ay humiga na ako sa kama at pumikit na. Nakaramdam naman ako ng pagod hanggang sa unti unti na akong hinila ng antok.

Sana dumating yung araw na magiging masaya ako kasama si Triev.

Ang lalakeng mahal na mahal ko.

~~~~~~~~~~~~
plss...vote and support my story. Thank u😊

My Cold Hearted Husband {Completed}Where stories live. Discover now