Chapter 29

13.1K 267 5
                                    

Fire Alexandra POV

Isang linggo na ang nakakaraan ng mangyari ang bangungot na iyon sa buhay ko. Ok na ako at hindi na gaya ng nakaraan na matamlay at natatakot.

Naging panatag ang loob ko ng lagi akong kasama ni Triev sa bawat pupuntahan ko. Nagsimula an rin akong itrain nila Triev sa mga basic self defense.

Kasalukuyan kaming nandito sa training room dito sa mansyon. Nandito rin ang grupo ni Triev at ngayon itinakda ang araw na kakalabanin ko sila. May mga itinuro rin si Triev sa akin kung paano talunin ang mas malakas kaysa sa akin.

Medyo kinakabahan ako sa mangyayari ngayon. Ah basta!  bahala na. Nandito kaming pito sa training room at nasa gitna na ako ng paglalabanan namin. Malawak ito at makakagalaw ka talaga ng husto.

Una kong makakalaban si Jonard. Pumunta na siya sa gitna at nginisihan ako. Ok? Huminga ako ng malalim at naghanda na. Sumigaw si Triev ng go kaya agad akong sinugod ni Jonard.

Sinipa niya ako sa tuhod pero agad ko itong naiwasan. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng excitement. Binabasa ko rin ang galaw nito. Umaatake lang siya at panay ang iwas ko.

"Come on miss Fire. Lumaban ka! " seryosong sabi ni Jonard habang hinihingal at tumatagaktak ang pawis. Bigla akong tumigil at nginitian siya ng ubod ng tamis. Napatigil rin siya at nakatingin sa akin.

Bigla ko siyang inatake at agad na sinipa sa tuhod. Naiwasan niya ito pero agad ko siyang sinipa muli sa tiyan. Hindi niya ito inaasahan kaya napaatras siya. Agad ko siyang sinuntok ng malakas sa mukha. Hindi ko na kasi siya hinintay na makabwelo. Yun kasi ang turo ni hubby. Pag napuruhan mo siya.. agad mong suntukin o sipain kahit saang parte ng katawan. Muli ko siyang sinipa sa tuhod kaya napaluhod ito.

"Ok stop! Macky your next" malamig na sabi ni Triev. Napatingin ako sakanya na seryosong nakatingin sa akin. Parang may iniimbestigahan siya na ewan.

Joshua POV

"Bro! paano ka niya natalo eh kayang kaya mo naman yun kahit na sunod sunod ito" sabi ni Leon kay Jonard na ngayon ay nakaupo habang hinihingal.

"I don't know bro!  may something.. kakaiba yung lakas niya at di ko ma explain kung ano yun. Hindi  naman ako nagpabigay. " seryoso niyang sabi habang nakatingin kila Macky at Fire na naglalaban. Seryoso rin si Macky at gaya ni Jonard.. .. hindi naiiwasan ni Macky ang mga suntok at sipa ni Fire.

Napatitig ako kay Fire na nag eenjoy sa laban. Hindi mababakas ang pagod dito at mas lalo pa itong ginaganahan sa laban. Napatayo ako ng makita kong sinipa ni Fire si Macky sa tiyan ng dalawang beses at sinuntok ito sa mukha. Lumabas na ang dugo ni Macky sa bunganga.

Agad naman pinahinto ni Triev ang laban. Lalapit na sana kami kay Macky na halos hindi na makatayo ng makita naming tinulungan siya ni Fire. Agad siyang kumuha ng panyo at pinahidan ang mukha at bunganga ni Macky na may mga dugo.

Lumapit agad ako sa pwesto nila ng makita ko si Triev na naglakad na papunta sa kinaroroonan nila. Pagkalapit namin ay hindi man lang kami tinapunan ni Fire ng tingin. Ganund in sa asawa nito. Ramdam ko ang nakakakilabot na awra ni Triev dahil sa ginawa ni Fire.

"Macky...  ok ka lang talaga? Sorry talaga...  hindi ko naman sinasadya na lakasan ang tira ko." Sabi ni Fire at mababakas doon ang pag aalala. 

Napatingin sa amin si Macky at kay boss na madilim ang awra. Namutla naman si Macky at mukhang hindi alam ang gagawin. Tinap ko ang balikat ni Triev kaya napalingon ito sakin.

"Hayaan mo muna ang asawa mo sa ginagawa niya. Hwag kang mag selos. " nakangisi kong bulong sakanya. Sinamaan niya ako ng tingin pero nginisihan ko siya. Tumabi ako kay Mark na seryosong nakatingin sa kapatid niya. Kahit di naman niya ipakita ang nararamdaman niya alam ko na nag aalala siya para sa kakambal niya.

My Cold Hearted Husband {Completed}Where stories live. Discover now