Chapter 22

14.1K 248 10
                                    

Fire Alexandra POV

Nakapark na si Triev dito sa parking lot ng companya at nandito parin kami sa loob ng sasakyan.

"uhmm.. hubby ikaw na unang lumabas tapos pag medyo nakalayo ka na ay bababa rin ako" sabi ko ng mapansing may nga empleyadong nagkalat sa parking lot. Tinapunan niya ako ng malamig na expresyon na kinataka ko.

"No. We are going inside together and no buts" malamig niyang sabi. Napahinga ako ng malalim at tumango na lamang.

Siguro nga bumabawi na talaga siya. Ayokong mag-assume pero tingin ko gusto niyang ipakita sa mga tao na pagmamay-ari niya ako at sakanya lang ako.

Lumabas siya saka nagtungo sa side ko para pagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya akong lumabas at tinulungang ibaba ang skirt kong medyo tumaas.

Inilock na niya ang kotse pagkatapos ay ipinulupot niya ang kanyang kamay sa bewang ko saka kami naglakad papasok sa loob.

Napayuko ako ng mapatingin sa amin ang mga empleyado at nagbigay ng kung ano anong komento

Bakit sila magkasama'

Oh my g! tignan mo girl hawak ni sir yung bewang ni maam Fire'

Grabe ang landi naman pala ni Miss Fire pati boss natin nilandi niya'

Bagay sila bes tignan mo oh'

oo nga eh'

Ang landi landi naman niyang manager ng Business Ad.'

Bumigat ang hininga ko ng marinig ang mga sari-sari nilang bulungan na kesyo malandi daw ako. Ayos na sa akin yung nagsabing bagay kami pero parang tinapakan naman ng iba ang pagkatao ko. Nanghusga na sila agad eh di naman nila alam ang totoong kwento.

Napatigil sa paglalakad si Triev kaya napatigil din ako. Naramdaman ko ang kamay ni Triev sa baba ko para iangat ang ulo ko.

"hwag kang yumuko" malamig niyang sabi. Nginitian niya ako ng matamis kaya napangiti na rin ako.

Napahinga ako ng malalim at humawak ng mahigpit sa kamay niya na ganun din ang ginawa sa akin. Taas noo akong naglakad at di na inalintana ang bulungan at mga masasamang tingin ng empleyado sa akin.

Pumasok na kami sa elevator habang magkahawak kamay parin. Pinindot niya ang 16th floor kung saan ang office ko. Hindi na ako nagtaka kung bakit doon eh obvious naman na ihahatid niya ako hanggang office.

"go to my office during your break time. I wait u there" nakangiti niyang sabi sa akin at lumabas na kami ng elevator.

"eh bakit?" tanong ko sakanya. Nginitian niya lamang ako saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo pababa sa tungki ng ilong ko hanggang sa labi ko. Napapikit ako at buong pusong  tinugon ang mga halik niya.

Agad ko ring pinutol ang halikan namin dahil naalala kong nadito kami sa labas ng opisina at baka may biglang lumabas at makita pa kami.

"sige na umalis ka na" pagtataboy ko sakanya. Natawa naman siya at tinanguan ako saka muling pumasok sa elevator. Tumalikod na ako at nakangiting napailing ng sumara na ang pinto ng elevator.

Pumasok na ako sa loob ng office at nadatnan ko silang busy sa mga ginagawa nila. Hindi na rin nila napansin na pumasok ako dahil naka focus talaga sila sa trabaho nila.

Napahinga ako ng malalim at agad na tinungo ang office ko. Nagsimula agad akong pumerma at iayos ang mga papeles.

~~~~~~~~~~~~~~~~~•

Lumipas ang oras at break time na namin. Lumabas na ako sa office ko ng matapos kong iayos ang mga gamit ko at naabutan ko silang nagkwekwentuhan.

"Alex pumasok ka na pala" sabi ni Loisa na ngumiti sa akin ng mapansin ako. Napatingin naman sila Gab sa akin ng sabihin iyon ni Loisa. Hindi ko alam kong namamalik mata lamang ako pero parang umirap sa akin si Kiara. Nginitian ko na lamang sila at napatingin kay Gab na seryoso lamang na nakatingin sa akin. Binaling ko na lamang ang tingin ko kela Loisa na masayang nagbibiruan.

My Cold Hearted Husband {Completed}Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang