Epilogue

144K 2.4K 63
                                    

MABILIS niyang kinarga si Damon upang icheck kung okay lang ba ito or kung nasaktan ba ito. After checking ay ganoon nalang ang relief niya kaya nakahinga siya ng maluwang ng malamang hindi naman pala ito nasaktan. Pero nagngingitngit pa rin ang dibdib niya sa ideyang iniwan lang ito ng magaling na ama nito sa gitna ng park na iyon. Hindi ba nito alam na masyado itong mayaman at pwedeng makidnap ang anak nito?

Lumingon-lingon uli siya only to find out na wala talagang tao doon kaya sino ang nagdala kay Damon doon?

"Damon baby-what's this?" napatingin siya sa papel na nakaipit sa loob ng suot nitong shirt. Kinuha niya ang kulay dilaw na bagay na nandoon.

"Birth certificate?" wala sa loob na binuklat niya iyon at saka ibinaba si Damon sa loob ng stroller. Mabuti nalang at naisipan niyang ibaba si Damon dahil mukhang mahuhulog talaga niya ang hawak niya ng mapansin ang pangalan niya doon. Paanong nangyari na nandoon ang pangalan niya?

For God sake! Bakit ganoon?

Binasa niya uli baka kasi namamalikmata lang siya at mali talaga ang nabasa niya. Pero hindi eh, iyon talaga ang pangalan niya na nakasulat doon.

"Me? Damon's mother? Pero-." Kinuha niya ang cellphone niya and dialed Dale's number. Mabilis naman itong sumagot.

"Rayleigh." Halata sa boses nito ang excitement. Nawala tuloy siya bigla sa iniisip niya, gusto niyang magalit dito pero hindi maikakaila na namimiss na rin niya ito. "Did you see it?" that break her thinking.

"I saw it!" sigaw niya dito. "Where the hell are you now? Bakit mo iniwan si Damon dito sa park nababaliw ka na ba paano kung makidnap dito ang anak mo? Paano kung saktan nila sa Damon?"

"Calm down our son will be okay."

"What the hell Dale? Kapag nakita kita ngayon I promise you I will strangle your neck hanggang sa hindi ka na makahinga." Hindi na siya humihinga habang sinasabi niya iyon. Galit na galit talaga siya.

"Sorry, Rayleigh. Can you bring Damon here I am not really feeling good." He cough telling her that he is not okay.

"You are lying." Nagdududang sabi niya.

"I miss you so much too."

"Dale, si Damon." Hindi ito umimik sa kabilang linya but she heard him sniff. "Are you crying?"

"Rayleigh, I-I'm dying."

Mahigpit niyang nahawakan ang cellphone niya sa sinabi nito. "Anong sabi mo?"

She heard him sniffing again. "I don't know what to do anymore, hindi ko pa sinasabi sa parents ko but I guess they already know. Nahihirapan akong huminga."

"A-anong sakit mo?" nanghihinang tanong niya dito. Mukhang totoo ang sinasabi nito dahil full force ang mga tao ngayong i-explain ang side nito sa kanya. Gumagawa yata ng paraan ang mga tao sa paligid ni Dale ng paraan upang kahit papaano ay umayos ang nararamdaman nito.

"Sa puso Rayleigh, my heart rarely beats anymore."

Pakiramdam niya ay humulas ang lahat ng dugo sa katawan niya. "Hindi ko alam kung paano baka ito na talaga ang karma ko sa lahat ng nagawa ko sa iyo dati. I am a jerk at labis ko iyong pinagsisihan. Ku-kung mamamatay man ako dahil sa sakit ko isa lang ang gusto kong sabihin, I want to tell you that I love you." May halong lungkot sa boses nito habang sinasabi nito ang mga katagang iyon. "I love you Rayleigh and sorry for hurting you. I wished I've able to know my feelings before I hurt you."

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon