Chapter Eleven

150K 2.7K 88
                                    

TUMILA na ang ulan pero hindi pa rin tumitila ang galit ni Rayleigh sa kanya, hindi siya nito pinapansin at hindi siya nito tinitingnan. Alam niyang kasalanan niya kung bakit ito galit pero hindi siya nakaramdam ng sisi. Kung ang buntisin ito ang tanging paraan upang hindi na ito mawala sa kanya then be it.

He can still remember how he made that plan, the plan to make her stay. Sa dami ng mga babaeng nakapalibot sa kanya ang pamilya at mga kaibigan niya isa lang ang naconclude niya ang mga babae kapag umalis matagal bago magpakita uli. Ayeth took a year before they've been together with Yael, his poor cousin. Nakita niya kung paano halos masira ang buhay ng pinsan niya and that traumatize him. Si Yelena din umalis, tapos dalawang taon ay bumalik na ito na may asawa at anak na raw at nakita niya kung paano nagkukumahog si Grayzon upang makuha lang ang pinsan niya. Lahat ng mga babaeng umaalis at nagbabalik ay mahirap makuhang muli.

Kaya hindi niya hahayaan na umalis ito sa kanya kahit na magalit ito...



NASA loob siya ng opisina ni Yael may meeting sila at dahil may iniisip siya kaya napaaga ang pagdating niya sa opisina nito.

"Uy, ano iyan? Bakit hawak mo na iyan?" untag ni Allyxel sa kanya na hindi niya namalayan ay nakapasok na rin sa office ni Yael. They have a meeting, actually boy's meeting kasama sina Albie, Gray at Miggy.

He is still playing the ring that serves as the pendant of his necklace that he rarely wears para kasi sa kanya napakagirly ng pagsusuot ng ganoon at mas lalong nakakagirly ang maniwala sa pamahiin ng kanilang magbabarkada. Noong unang iprinopose ni Dane who happened to be his sister natawa lang sila. Actually silang boys ay hindi naniwala dahil nakakabading nga only women loves the thought of having a perfect mate... a soulmate.

"Naniniwala ka na diyan?" singit ni Yael na nakabalik na rin sa opisina kasama na nito si Gray at si Albie habang si Miggy naman na may hawak na cellphone na nakabusangot ang mukha ay nakasunod lang sa dalawa.

"I don't." he said at muli sanang ibabalik ang mark niya pero parang hindi na niya iyon mabitiwan.

Umupo na ito sa couch habang si Yael naman ay kumuha ng alak sa may bar at ibinigay sa kanila. It means they are going to start their boy's hang-out.

"Akala ko ba hindi ka naniniwala diyan you even promise to throw it away." Si Albie na hawak din ang mark na ibinigay ng misis nito sa kanya. Albie doesn't have that original mark pati na rin si Grayzon, only Allyxel, Yael, he and Miggy have those dahil sila naman ang magkasamang lumaki. Ang dahilan kung bakit hindi binigyan si Albie ay dahil sa sinabi ni Yelena dati na hindi daw dapat nila bigyan si Albie dahil sumpa daw kapag parehong may mark ang magkakatuluyan. Ang pinsan niya may mata para sa future kasi alam nilang may something sa dalawa.

"Mukhang hindi na niya naituloy itapon at dahil nailabas na iyan mula sa kanyang treasure chest ay ibig sabihn may pagbibigyan na iyan." Tukso pa ni Miggy sa kanya na ibinaba na ang cellphone nito sa center table.

Nagtawanan ang mga ito. "Of course he won't give up his life to someone si Dale pa he is contented with his bachelor life at kahit na may anak na iyan hindi man lang nabawasan ang fans club."

Dapat ay masaya siya ngayon, kahit na may anak na siya it doesn't mean he is least popular nothing changes. Hindi na niya kailangan pang magpakasal para lang magkaroon ng anak at ng tagapagmana everything is laid to him in silver platter pero bakit may kulang?

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon