Chapter Twelve

143K 2.6K 145
                                    

Napapitlag siya ng maramdaman na lumapat ang likod niya sa isang malambot na bagay. Nagising na siya pero ayaw pa ring bumuka ng mga mata marahil sa komportable siya sa kanyang pwesto. Parang napawi ang pananakit ng likod niya kaya nagpasya nalang siyang matulog muli. Pagod na pagod ang pakiramdam niya at nanlalata na rin siya para kasing bumiyahe siya ng ilang oras.

Naramdaman nalang niyang tila may malamig na hangin na dumampi sa kanyang dibdib. Tinakpan niya ang dibdib niya pero may mga kamay na pumigil sa mga braso niya at masuyong inilagay iyon sa gilid ng kanyang katawan. Tapos ay naramdaman niyang hinuhubaran na siya--- that woke her up.

"Ha?" mabilis siyang umayos ng upo at tiningnan ang sarili niyang bra at panty nalang ang suot. Napakurap siya at napatingin sa buong paligid... it's freezing cold! "Dale what are you doing?"

"I'm going to change your clothes, nilalamig ka na kasi kanina winter pala ngayon dito." Napakamot ito ng ulo, napansin niyang nakasuot na ito ng makapal na sweater but still he looks so hot and delicious to eat. Ipinilig niya ang ulo niya dahil nga sa may pumasok na naman sa isip niyang malaswang bagay to think na nagalit siya dito dahil hindi ito nagsuot ng condom.

"Ako na ang magbibihis sa sarili ko." Inilahad niya ang mga palad sa harap nito pero ngumisi lang ito at umiling.

"Don't worry I will not touch you again unless hindi ka pumapayag ginawa ko lang ang ginawa ko kahapon dahil natakot akong mawala ka sa akin. Women have tendencies to runaway."

"And men have tendencies not to listen very well." Her remarks.

"I'm sorry Rayleigh, I really do." Lumapit ito sa kanya at maingat na isinuot sa kanya ang isang matching sweater. Hanggang kalahating hita niya iyon at ng isusuot na nito ang pajama niya ay pinitik niya ang noo nito.

"Ako na." at mabilis niyang isinuot ang pajama na pamilyar sa kanya. Napakurap siya ng marealized na nasa kanyang apartment na siya sa London. Kaya pala sinabi nitong winter ngayon dahil wala na pala sila sa Pilipinas. Nasa London na sila. "P-paano? Hindi ko-."

"Masyado ka yatang napagod kaya nakatulog ka sa buong biyahe." Kumilos ito at may kinuhang bowl na may lamang soup at saka sumampa uli at tumabi sa kanya. "Kumain ka muna hindi ka pa rin kumakain, I know you are hungry."

"Ako na." hindi na niya naagaw ang kutsara dahil mabilis nitong naiwas iyon.

"Let me feed you." And before she can say something ay ninakawan muna siya nito ng halik sa labi niya. Nagtatakang napatingin siya dito, Dale is acting really weird nakakatakot tuloy ito. "Here, open up." Tinanggap nalang niya ang pagkain na sinusubo nito sa kanya. Hindi niya kailangan pang ngumuya pa dahil soup naman iyon.

Nagtatakang tiningnan pa rin niya ito. "Bakit ka ganyan kung makatingin?"

"May sakit ka ba?"

Hinawakan nito ang leeg at noo nito. "Nope, wala naman bakit?"

"Bakit... bakit ang sweet-sweet mo? May nagawa ka bang kasalanan?"

Napakurap ito pagkatapos ay bumulanghit ng tawa. "Bakit masama bang maging sweet?"

"May pinaplano kang masama sa akin ano?" nayakap niya ang sarili niya. "May ginawa ka bang masama sa akin-." Sinubuan uli siya nito at pinunasan ang gilid ng mga labi niya.

"Wala akong ginawa at kahit na may gusto akong gawin hindi pwede kasi nga natutulog ka." Nagdududa pa rin siya dito.

"Hindi rin, noon sinabi mo i-fu-fuck mo ako kahit na natutulog ako."

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon