Chapter Four

129K 2.5K 132
                                    

"HINDI mo naman kasi kailangan pang sumama." Aniya dito na nakabuntot lang sa kanya habang namimili siya ng mga diapers ni Damon. Kagagaling lang din niya sa milk section dahil nauubos na rin ang gatas nang bata. Sa totoo lang bakit ang mahal ng lata ng gatas ngayon tapos ang bilis maubos? At ang walang trip na ama ni Damon halos punuin na ang cart nila ng gatas nito at ngayon ay kung anu-anong brand na ng diapers ang nasa loob ng kanilang cart. "Ano ba Dale! Ang kulit mo."

"I want to check if the brands are okay, baka magkarashes si Damon."

"Isang brand lang pwede ba? Iyong ginagamit na niya ngayon ang bibilhin natin, isang brand lang." turo niya sa current diaper ni Damon. Nasa likod nito si Damon na natutulog lang, gusto sana nitong ilagay sa harap nito ang bata pero umiiyak lang ito mukhang nasanay na sa likod ilagay. At kapag siya ang may karga ay sa harap niya nilalagay gusto yata ng bata na marinig ang pintig ng puso niya. Walang puso kasi ang ama nito.

"Okay fine." isa-isa nitong ibinalik ang mga diapers sa estante at kumuha ng sobrang dami na same ang brand. Napabuntong-hininga siya at hinawakan ito sa braso kaya tumigil ito at tumingin sa kanya.

"Small lang." ibinalik niya ang mga mediums, large at extra large na pabara-bara nitong kinuha at ipinasok sa loob ng kanyang cart.

"Bakit ba ang daming requirements." Daing nito.

"Ganyan talaga you need to learn that and by the way kung may lakad ka ngayong hapon icancel mo muna, first visit ni Damon sa pedia niya. Kung ayaw mong sumama okay lang din sa akin."

"Pedia?"

"Doctor ng mga bata."

"I know what pedia is bakit dadalhin si Damon doon? May sakit ba ang anak ko?"

Wala talaga itong alam sa pangangalaga sa anak nito. "Hindi porke't walang sakit si Damon ay hindi na siya dadalhin sa pedia. Babies need check-ups too and on Damon's part kailangan niyang icheck kung normal ba ang timbang niya o kaya naman ay may sakit ba siya. Kailangan din niya ng vitamins."

"Ang dami namang kailangang isipin."

"Ganoon talaga kaya tandaan mo ang mga iyan kapag nasa iyo na si Damon kailangan mo siyang alagaan ng husto."

"Do I need to make my last will too?

"Sira." Minsan talaga kapag hindi ito tinotopak ay hindi naman sila nag-aaway. Ilang araw na rin itong nakikitulog sa bahay niya at hindi naman sila natitsismis ng mga kapitbahay niya which is good. Napapansin din niyang natututo na itong alagaan ang anak nito kaya nga nasisiyahan siya knowing na hindi na niya kailangan pang tapusin ang one month na usapan nila ng mga magulang nito.

"Ooopps!" she looked up. "Oh my God!" isang pamilyar na babae ang nakatitig sa kanya. She had hard times remembering people from the past kaya alam niyang nakilala na niya ito but she can't remember when and where. "Rayleigh! Rayleigh Alonzo?" turo nito sa kanya, malakas ang boses nito kaya napapansin ng mga tao doon. "I knew it! It's you."

"Sino ka?" tanong niya dito.

"How can you forget me? Ako ito si Janice first runner up mo ako sa Miss Philippines dati. Ako iyong pumalit sa iyo dahil hindi mo itinuloy ang pagsali sa Miss Universe." Scenes from that time come rushing like it was yesterday. Ipinilig niya ang ulo dahil ayaw niyang maalala ang nakalipas.

Pinilit niya ang sariling maging pormal sa babae. "Hi, Janice."

"Walang nagbago sa iyo Rayleigh. Ang ganda mo pa rin at mas lalong naging sexy. You are still perfect." Isang maliit na ngiti lang ang ibinigay niya sa babaeng kaharap kahit na gusto na niyang tumakbo palayo dito. Hindi siya galit o anuman, naiilang siyang pag-usapan ang nangyari sa kanya dati. "May asawa ka na ba? Iyon ba ang rason kung bakit ka umalis sa competition? Ikaw sa lahat ang may pinakamalaking chance na Manalo sa Miss Universe at--."

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon