Chapter One

169K 2.9K 115
                                    

KANINA pa siya naliligaw sa paghahanap ng bahay nang lalaking ama ng batang dala-dala niya. Ang pinakamalaking problema niya simula kahapon ay hindi niya matandaan ang mga kalyeng nadaanan niya at ilang beses na rin siyang nagtatanong hanggang sa makarating sa bahay nang lalaki. Namimintig at nananakit na ang kanyang mga binti.

"Baby Damon." Aniya sa batang kalong niya ng mga oras na iyon. "Kung tatanggapin ka ng walang kwentang tatay mo ang ganda ng buhay mo." May himig panghihinayang na wika niya, kanina ay handa na siyang itakbo ang bata pero dumating ang parents ni Dale.

Now that she thinks of it clearly she knew the guy! Nakikita niya ito kapag may semi-reunions ang mga kaibigan niya kasama ang mga kaibigan ng mga asawa ng mga ito. Nainis lang siya ng maalalang taken na ang dalawang mga kaibigan dahil kinuha ng mga gwapong aliens.

Kasalanan ng mga gwapong iyon kung bakit hindi na niya palaging nakakasama ang kanyang bestfriends. Kung hindi lang talaga niya nakikita ang saya sa mga mukha nina Bree at Ayeth ay nungkang papayag siyang makuha ang dalawa. Nakakalungkot isipin na she is back to square one as in literal na nag-iisa nalang talaga siya. Kaya nga tanggap ng tanggap lang siya ng projects sa ibang bansa upang kahit papaano ay maaliw naman siya.

Pero heto napag-utusan lang naman siya na dalhin ang batang ito tapos ay nasangkot na siya sa isang gulo. Ayaw kasing tanggapin nang lalaking iyon, nasampal nga niya. Minsan lang siya manampal kaya naipon ang mga energy niya kaya hayun may red marks na sa pisngi nito.

"Iyang daddy mo ang hilig mag-practice na gumawa nang bata tapos kapag may nabuo ayaw namang tanggapin." Patuloy na bulong niya sa sanggol. Kaiinom lang nito ng gatas, tahimik na bata hindi masyadong mahilig magwala at umiyak. Kapag nagugutom ay umuungot lang kung ihahambing niya ito sa ama nito, hindi hamak na mas matured si Damon keysa kay Dale. Siya ang nagbigay ng name sa baby dahil wala itong pangalan ng ibigay sa kanya. Naawa siya sa sanggol dahil bata pa ito ay nakakaranas na ito ng mga paghihirap gaya ng pagkawala ng ina at ayaw tanggapin nang ama.

"Mas matino ka keysa sa daddy mo paglaki mo." tumawa ang sanggol sa sinabi niya kaya tuluyan ng nawala ang pagkainis niya sa ama nito. "Ang gwapo mo talaga."

Naalala niya ang ama nitong naka-topless at boxers nang pagbuksan siya ng pintuan kanina. Medyo analog ang utak niya sa nasaksihan at kung hindi lang hawak ang sanggol ay kinuha na niya ang kanyang camera at kinuhanan ito ng picture. Kahit na jerk ito ay hindi maikakailang magandang lalaki si Dale.

That's not the first time she saw an almost naked male body. Ilang beses na siyang naging photographer sa mga sikat na fashion magazines at mga lingerie ang karaniwang suot ng mga ito. Kung ihahanay niya ang ama nang bata ay siguradong pagkakaguluhan ito ng mga babae. Marami itong pwedeng ipagmalaki, pati na ang pride at ang ego nito ay halatang malaki rin.

"Rayleigh." Untag nang mama ni Dale. Kinakausap ng asawa nito ang anak nila. Ngumiti siya at humarap sa ginang. May edad na ito pero halata pa rin ang ganda nito sa kabila ng mga nakalipas na panahon.

"Ho?"

"Akin na muna iyang apo ko." May inilapag itong paperbag sa kanyang tabi. "Kay Dane ang mga damit na ito, malinis ang mga iyan at naiwan sa kotse namin. Ako na muna ang mag-aalaga sa apo ko habang naliligo ka." Napag-alaman niyang dating guro ang ginang kaya hindi nakakapagtakang napaka-gentle ng paghawak nito sa bata at mabait din ang boses pero ma-awtoridad.

"Sige ho." Kanina pa siya nanlalagkit. Tuluyan na niyang nailipat ang bata sa braso nito pero sa kasamaang palad ay umiyak ang sanggol at nagmamakaawang nakabaling ang ulo sa kanya. Sa alam niya ay hindi pa nakakakita ang bata sa ganoong edad pero malakas na ang pakiramdam ng mga ito.

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon