Extra #2: Baby Dress

181K 3.6K 117
                                    

Extra #2: Baby Dress

            “IT’S a girl.” Ibinaba niya ang pusta sa ibabaw ng mesa nasa Royale sila ng mga oras na iyon at nakikipagpustahan sa mga kaibigan niya. Naglapag siya ng fifty pesos sa harap ng mga kaibigan niya.

            “I bet it’s a boy.” Si Bree naman ang naglapag ngayon ng fifty pesos.

            “Bakla tombo---, boy din.” Ayeth place the same amount of money above the table.

            She pursed her lips and massage her big baby bump, she is already seven months pregnant, she got pregnant by her husband during their honeymoon night. Masyado talagang sharp shooter si Dale, sabi naman ng mga maalam niyang mga friendships masigla daw ang mga sperm cell ni Dale dahil sa ilang buwan din itong hindi nakatikim ng ligaya. Natawa pa nga siya sa sinabi ng mga ito dahil totoo naman na nag-abstinence ang asawa niya before they got married, medyo sumakit nga ang katawan niya noong maghoneymoon sila. She can feel his eagerness and his frustrations to her lalo pa at iyong huling sexual interaction nila ay sinadya niyang bitinin ito.

            And seven months after here she is parang nakalunok ng isang basketball. Hindi pa nila alam kung ano ang gender ng baby nila, gusto niya ng girl but everyone around her is telling her na boy daw iyon. Kahit na si Dale ay sinasabing boy daw iyon.

            SIya ang ina eh mas maalam siya.

            “It will be a girl.” She insisted. Ngayon ang schedule nila ni Dale na pumunta sa kanyang Ob para icheck ang gender ng anak nila. May pustahan pa nga eh. Kahit sila ni Dale ay may pustahan din. Kapag ito ang nanalo ay magbabakasyon sila sa Paris tapos gagawin nila ang next baby nila doon at ipapangalan nilang Paris, then pupunta din sila sa ibang place at ipapangalan nila sa place na iyon ang mabubuo nila. See? Manyak pa rin ang asawa niya kahit kailan. Kapag siya ang nanalo gusto niyang dalawa lang ang iluluwal niyang bata sa mundo. Hindi naman sa ayaw niya ng malaking pamilya gusto nga niya iyon, kaso ang asawa niya gusto ng sunod-sunod nakakabaliw. Pwede naman sigurong magfamily planning sila hindi ba?

            “Excited na kami sa pamangkin namin.” Napangiti siya sa sinabi ni Bree. Kahit hindi sila kadugo ay itinuring na talaga nila ang sarili nila bilang magkapatid. They are not siblings by blood, they are siblings by soul. They are soul sisters. “Wala pa  akong pamangkin na babae ang saya siguro ng may babantayan ang mga anak natin hindi ba Ayeth?” sabi ni Bree.

            Bree’s son is three years old by now his name si Blight Alldryn a.k.a Dry. Then Giu is two by now hindi gaanong malaki ang agwat ng ugat ng mga anak ng dalawa habang ang kanya ay nasa sinapupunan pa.

            “Kapag girl iyan dapat si Dry ko ang partner niya ha.” Nambubuyo na naman ang babaeng ito, hindi kasi pwede kay Ayeth kasi nga magpinsan ang mga asawa nila.

            “Depende.” Maisip lang niyang magkakaroon na ng boyfriend ang mga anak niya ay parang ayaw na niya. Pero saka nalang niya iisipin ang bagay na iyon. May narinig silang tawanan na nanggaling sa entrance ng Royale at sabay silang napangiti ng mga kaibigan ng mapagtanto kung sino ang mga iyon. Ang kanilang mga asawa, she’s just happy to know na years ago nandito sila sa Royale upang kumain lang. Nandito sila upang pag-usapan ang buhay nila bilang mga single girls at kung paano mabubuntis si Bree dahil gusto nito ng anak lang.

            Then time rolls, and now she’s here waiting for her own husband to fetch her. Napangiti ito ng makita siya at mabilis na iniwan ang mga kasama nito.

            “Dear.” Hinalikan siya nito sa labi habang ang palad nito ay nasa ibabaw ng malaking tiyan na. “Are you okay?”

            “I am.”

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon