Chapter Seven

126K 2.7K 180
                                    

TUMAWA siya sa sinabi ni Ayeth. "You are undeniably a writer my friend." Napailing siya sa dalawa. "It's like the most impossible thing."

"Walang impossible sa love Ray."

"Huwag niyo nga akong ipair up kay Dale dahil walang kami. At saka everything is about Damon, kung may mamimiss man ako ng sobra iyon ay ang batang iyon. Napamahal na kasi siya sa akin at ang hirap ng mahiwalay sa kanya. Para ko na siyang anak."

"Maybe because you love his father."

"Mahal ko ang batang iyon hindi ko pa man nakikiklala ang papa niya kaya impossible iyang sinasabi mo." She wanted to rid the topic, it's not making her comfortable and besides ayaw niyang malaman ng mga kaibigan niya ang nangyayari ngayon sa kanya.

She can do it, alone. May kanya-kanyang pamilya na ang dalawa at ayaw niyang makisalo pa ito sa mga problema niya.

"Alam mo kung ano ang tawag diyan?"

"Ano?"

"In denial ka. We both know that you are already falling for him."

"Really?" she answered flatly. "Paano niyo naman nasasabi na may feelings ako sa kanya kung hindi niyo naman kami nakikita?" minsan kapag alam mong hindi mo na trip iyong topic at patuloy pa rin sila sa pagpupush sa iyon nakakainis na talaga.

"Because we are your bestfriends."

At inilapag niya sa harap ng dalawa ang isang chocolate roll. "Ayan, nakakapagpagising iyan sa kahibangan maraming endorphins ang mga sweets once you've tasted it you will realized na nakakatawa iyang pinagsasabi niyo." She tried to laugh at them dahil parang nakalulon ang mga ito ng isang buong kalamansi.

"Denial queen."

It's better to be like this, mas mabuti ng siya nalang ang nakakaalam sa tunay na nararamdaman niya kay Dale.

"At saka iyong lalaking Mr. Condom na iyon mahilig iyon sa babae gusto niyo bang kapag kami nga ang nagkatuluyan ay umuwi lang siya sa akin kapag sabado at linggo tapos the whole other days ay nasa kandungan siya ng ibang babae?" she tried to lighten up the mood.

"Magbabago din iyon."

"Once a player will always be a player."

"Nagbago naman si Allyxel ko ah." Bree defended her husband.

"Because he fell in love immediately with you and you Ayeth, Yael is crazy in love with you. Parehong love at first sight yata iyon kaya kahit na gustuhin nilang mambabae ay hindi na nila magawa dahil kayo ang naiisip nila. And Dale is a different thing, he is a manwhore."

"Hindi natin masasabi ang mangyayari sa hinaharap, paano kung may ibang mangyari?"

"Walang mangyayari." Dahil nangyari na.

"He loves banging girls."

"Ouch, ang sakit sa teynga ng sinabi mo."

"Nakasal lang kayo naging mabuting mamamayan na kayo ng Pilipinas samantalang dati sabay-sabay nating pinapakulam ang president ng Pilipinas." Aniya sa mga ito.

"That's different." She could see those dreamy looks on their eyes. Iba nga ang mukha nang babaeng masaya at contented.

"Pero hindi nga what if mahal mo na siya?" talagang ayaw bitawan ng mga kaibigan ang topic na iyon.

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon