Chapter Fourteen

157K 2.6K 172
                                    

"WHAT?" Nagtakip siya ng teynga dahil sa sigaw ng kaibigan niya sa magkabilang teynga niya. Nakahiga na silang tatlo sa gitna ng kanilang sala, siya ang nasa gitna at nasa magkabilang gilid naman niya ang dalawa. She really missed this moment with her friends.

"Wow ha, ang lakas ng boses mo." She even rubbed her ears to emphasize it.

"Gaga, sinabi mo iyon? Sinabi mong ayaw mong iopen ang heart mo uli?"

Sumimangot siya. "Paulit-ulit?" inis na piksi niya. "Aray!" napakamot siya ng ulo ng isa-isang hilahin ng dalawa ang strands ng buhok niya,

"Gaga ka pala eh bakit mo siya sinabihan ng ganoon hindi ka ba nag-iisip chance mo na kaya iyon para magkaboyfriend muli."

Natahimik siya saglit, ano ba ito peer pressure? May mga bagay kasi na hindi siya sinabi sa mga kaibigan niya at iyon ay iyong mga panahon kung kailan galit na galit sa kanya ang binata at pinilit siyang angkinin nito. Ayaw niyang malaman ng mga ito ang nangyari sa kanya.

"Hindi naman siya nanliligaw at saka iba ang trip namin." She reasoned out.

"Anong iba don't tell me tulad ka rin ni Bree dati na trip lang gawing baby maker si Allyxel?"

"Masarap na baby maker." Bree interrupted. "At kung ayaw mo naman palang pabuntis di hindi baby maker si Dale kundi fuck budy."

"Walang deal sa amin basta nangyari nalang iyong nangyari normal lang naman iyon knowing that Dale is somehow malanding lalaki." Sagot niya. Pero ang totoo ay parang pinipirapiraso ang puso niya sa ideyang iyon kahit na totoo.

"Kahit ang pinakamalanding lalaki sa mundo bakla marunong ding magseryoso who knows seryoso na siya sa iyo."

Pagak siyang tumawa sa sinabi ni Ayeth, hindi kailanman seserysosohin ni Dale ang isang tulad niya. Impossible iyon katulad nalang ni Rafael, boys will be boys.

"You know what I think we need a drink." Yaya ni Bree.

"You are pregnant."

"Iinom ako ng ice tea tapos kayo ni Ayeth ay iyong beer."

"Pero baka buntis din ito."

"Hindi pa nga sabi eh." Reklamo ni Ayeth tapos ay pumunta ito sa frige niya, may naiwan pang beers doon. Mukhang si Dale ang namili ng mga iyon at dahil iniwan naman nito iyong mga bote doon kaya iienjoy nalang din niya. Bayad din iyon ng lalaking iyon.

Hindi niya alam kung ilang bote na ang naubos niya pero isa lang ang kanyang napapansin mukhang nagulangan siya ng mga kaibigan niya. She is now drunk and a sober too.

"Hangdaya niyow nilasheng niyo ako eh." Reklamo niya.

"Hindi ka pa lasing Ray feeling mo lang iyan dahil matagal-tagal din noong huling uminom ka." Paliwanag ni Ayeth na may hawak na beer pero hindi naman naubos-ubos, ano ba iyong laman ng bote nito unlimited beer? Pero grabe ang sarap ng feeling parang nasa heaven lang. She missed this feeling iyong wala kang ibang iniisip, iyong ang gaan-gaan ng pakiradam mo.

"Shinungaleng you-you made me dhrunk beybey!" sigaw niya tapos nagtawanan na nga ang dalawa.

"Sige nga kung lasing ka na for sure hindi mo na masasagot ang tanong namin."

"Fire!"

"Sino iyong ex mo nga?"

"Si Rafael!" pasigaw na ang lahat ng sagot niya.

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon