Chapter Two

148K 2.7K 130
                                    

NAPAKURAP siya ng ilang beses ng dumating siya sa bahay ni Dale, umalis siya saglit upang magpalit ng damit. Hindi siya komportable sa maiksing damit na suot niya at medyo mahigpit rin sa kanya. Iniwan niya si Damon sa ama nito dahil hindi niya ito pwedeng dalhin. Masyado pang bata si Damon para langhapin ang polusyon ng kamaynilaan.

Pero mukhang mali yata ang desisyon niyang iwanan ang bata dahil ang kaninang sobrang linis na sala nito ay parang dinaanan ng isang libong bagyo sa sobrang kalat. May mga powdered milk na nagkalat sa ibabaw ng carpet ni Dale, may mga spilled milk din sa ibabaw ng sofa nito mabuti nalang at leather ang mga iyon. May mga lampin at kung anu-ano pa sa ibabaw ng center table nito.

"Thanks God you are back!" kung kanina ay gusto niyang magwala ngayon naman ay gusto niyang matawa sa hitsura nito. "I don't know what to do anymore he keeps on crying ginawa ko naman lahat ng iniutos mo. I fed him but he won't drink his milk." Frustration is evident on his face, sobra pa nga.

"Where is he right now?" she asked.

"I don't know." Pinanlakihan niya ito mata.

"Anong I don't know? Saan mo inilagay ang bata?"

Napakamot ito ng ulo. "I can't remember."

"Yue Dale Monterde for goodness sake! Saan mo inilagay si Damon?" kinakabahang tanong niya.

"Sa room ko siguro."

"Bakit hindi ka sigurado? Nababaliw ka na! Paano ko ipagkakatiwala sa iyo ang anak mo kung hindi mo nga maalala kung saan mo siya inilapag." Tumakbo na siya sa ikalawang palapag ng bahay. May isang silid doon na nakabukas at laking pasasalamat niya ng makitang mahimbing na natutulog doon si baby D.

Alam niyang nakasunod sa kanya si Dale at nakikitingin din na parang bata. Malamig na hinarap niya ito.

"You know what mabuti pa sa akin muna tumira si Damon dahil kapag sa iyo siya baka nakidnap na iyan ng pusa ay hindi mo pa alam." Inis na saad niya.

"I told you I don't know how to take care of a baby."

She rolled her eyes at him, so childish. "Linisin mo muna iyong sala mo." Mas lalong kumunot ang noo nito at nawala ang childish awra nito. And the Dale whom she knew the first time he opened his door for her come back.

"Inuutusan mo ako sa sarili kong bahay?" Matigas ang boses nito waring binabalaan siyang huwag itulak ang kanyang swerte.

Hindi siya pwedeng magpadala sa pinapakit nitong galit sa kanya. "Opo dahil ang dumi po ng bahay niyo."

"It's my house!" sigaw nito, bakit ba may isan bipolar na tao sa mundo. Ano kayang tinira nito at over kung makapagmood swing?

"Madali akong kausap Dale, hindi ko inaangkin ang bahay mo. Ang sa akin lang sobrang gulo ng sala mo at kung gusto mong alagaan si Damon kailangang malinis ang bawat kasuluksulukan ng bahay mo." Kumunot ang noo nito.

"Don't tell me what to do."

"Fine!" tumaas na rin ang kanyang boses dahil sa inis para sa lalaki. "Sa akin titira ang bata."

"That's my son."

"And 'that' is not the right pronoun to be used when you are referring to a person especially if it happens to be your own flesh and blood." Dinutdot niya ang dibdib nito. "Bahala ka sa buhay mo." Maingat na kinuha niya si Damon mula sa hinihigaan nito, mabuti nalang at hindi ito umiyak at nanatiling tulog. Binilisan niya ang bawat hakbang hanggang sa tuluyan na siyang makalabas sa bahay at mas lalong nagngingitngit ang kanyang dibdib dahil hindi siya nito pinigilan.

Marked Series 5: My Baby's Mommy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon