CHAPTER 1 ~ Folder ~

229K 3.9K 171
                                    

CHAPTER 1

DAWN'S POV

Nanatiling na sa files sa harapan ko ang atensyon ko. Eto na ata ang almusal, tanghalian at ngayon naman ay hapunan ko. But I need to do this, because who would? Wala akong aasahan. Lalo na hindi ang Triton na iyon.

Bata pa lang ako, alam ko na na ako ang mamahala ng BHO. Ako ang unang anak na may dala ng apelido na Davids. Bata pa lang ako sinanay ko na ang sarili ko sa mga responsibilidad. Nang mag high school ako alam ko na ang pasikot-sikot sa BHO CAMP.

Alam ko rin ang isang katotohanan na paulit-ulit kong pinananalangin mula pa noon na sana ay hindi na lang totoo; na si Triton Lawrence ang kasama ko na mamamahala sa BHO CAMP. We're both A1. The highest among the members of BHO CAMP, a secret organization that handles high-risked missions; such us undercovers, surveillance, security, criminal investigations, and other missions that requires the skills we have. I'm the A1 of BHO Division and Triton's the A1 of CAMP division. Pero pakiramdam ko ako lang talaga ang kumikilos sa aming dalawa.

Kapag may ginawa naman siya, maayos naman iyon at pulido. Pero bilang sa daliri ang mga pagkakataon na nagkaroon siya ng pagkukusa.

Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n siya umakto. Malaking responsibilidad ang iniwan sa amin ng mga magulang namin. Hindi lang respeto nila ang nakataya kundi maging ang buhay ng mga taong umaasa sa tulong namin. Hindi kami pwedeng magpasawalang bahala na lang. Hindi pwedeng hindi namin seryosohin ang bawat galaw namin.

Napahilot ako sa sentido ko ng bigla na lang pumainlang ang kanta na 'Shake It Off' ni Taylor Swift sa office ko. Matalim ang tingin na tinignan ko ang glass wall sa kaliwa ko na humahati sa isa pang office na nasa tabi lang ng sa akin. Lalong uminit ang ulo ko ng makita ko na nandoon si Triton at may hawak na panty habang panay ang sayaw niya. Tumalikod pa siya at ikinawag-kawag ang pwet niya na para bang aso na hindi mapakali. Sa ibang tao siguro baka tumawag na ng pulis kapag nakakita ng lalaking sumasayaw na may hawak ng panty. Pero dahil maraming nawawala sa katinuan dito sa BHO CAMP, wala ng nagugulat sa kabaliwan ng isang 'to.

This is not the first time that I witnessed his craziness. Siya lang naman ang nag-iisang tao na kayang buksan ang office ko kahit na may security code ako o bulabugin ang system ng office ko. Paniguradong sasabog na ang ulo sa amin ni Freezale dahil siya lang naman ang taga-bago ko ng system.

Kung bakit naman kasi ginawa pa na glass wall itong office namin. Sa labas naman hindi kami, kita. Pero dito sa loob halos mamatay ako sa araw-araw na nakikita ko ang mokong na ito. Kung hindi lang utos ng ama ko ito malamang pinasemento ko na ang harang sa pagitan namin ng lalaking 'to.

Kulang na lang sabunutan ko ang sarili ko ng umakto pa si Triton na itataas ang t-shirt niya. As if tititigan ko ang katawan niya. Oo siguro. Tititigan ko para malaman ko kung saang part maganda siyang tarakan ng matalas na bagay.

"Argh!" nanggigigil na sigaw ko.

Nagdadabog na tumayo ako at lumapit ako sa glass door na kadugtong ng office ni Triton. Nang hindi ko mabuksan ang pinto ay tinignan ko si Triton. Binelatan niya lang ako at nagpatuloy sa pagsayaw niya.

Ikinuyom ko ang mga kamay ko at naglakad ako hanggang sa magkatapat na kami at tanging ang glass wall na lang ang pagitan sa aming dalawa. Imbis na masindak sa pamatay na tingin na ibinibigay ko sa kaniya ay dumikit pa siya doon. He rubbed himself on the glass wall as if he's..he's..

Ikinuyom ko ang mga kamay ko sa sobrang inis. Pinagpapalo ko ang glass wall at pagkatapos ay itinuro ko ang malaki na aquarium na may takip sa isang gilid.

Aquarium ni Twinkle. My pet, snake.

Hindi katulad ng halos lahat na agents, hindi ako natatakot kay Twinkle. Hindi naman kasi siya nanlalapa katulad ng pinaparating ko sa kanila. Napag-alaman ko lang kasi na malaki talaga ang takot nila sa mga ahas. Kaya naging may best friend na kami ni Twinkle para mapasunod ang mga agents.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon