EPILOGUE

599 12 0
                                    

*   *    *   * 

AUTHOR's POV:

Isang taon ang nakalipas at napag-ayaan ng grupo na magpahinga at magkaroon ng bonding kasama ang kani-kanilang pamilya..

Nakahanda na ang lahat at tanging ang pamilya na lamang ni Ayine ang hinihintay...

"Tss. malapit na nga lang dito late pa" inip na sambit ni Trix habang tinatawagan ang kaibigan

At sa wakas ay nakarating rin ang pamilya nila kasama ang napakaganda nilang anak na si LM o Lynne Mhayumi Lee.

Masayang nagkamustahan ang lahat habang masaya namang naglaro sa pool ang kani-kanilang mga anak..

"Ang saya lang nilang tingnan noh?" nakangiting sambit ni Ayine sa mga kaibigan habang nakapalupot ang braso ng kaniyang asawa sa baywang nito

"Oo nga e, parang dati lang highschool pa tayo pero ngayon may sari-sarili na tayong pamilya" pagsang-ayon naman ng kaibigan nitong si Sharmaine

"Pero mas nakakatuwa dahil hanggang ngayon ito tayo buo parin at hindi nagkakawatak-watak" nakangiting ani naman ni Trix habang nakasandal sa asawa

"Oh ito nalang mga bakla cheers para sating lahat!" sigaw ng kaibigan nilang sila Marvy at Migz kasabay ng pagtaas nila ng glass of wine..

"Mommy! Can I drink that too?" gulat na napahinto sa pagtatawanan ang grupo ng magsalita ang anak na lalaki nila Trix na si Bryan

"Your too young for this kiddo" sagot dito ni Luke bago ginulo ang buhok ng inaanak

"Tama si Ninong, Bryan para lang to sa mga matatanda kaya bumalik ka na doon at tawagin mo na sila" pagsang-ayon naman ng ina nito

"Bakit naman Mommy? Naglalaro pa sila e" takang tanong ng anak nito kaya napailing nalang siya

"Kids ahon muna, kakin na tayo!'" pagtawag niya sa mga bata na agad namang nagsisunod..

*******

"Daddy go and get us some foods" nakangising utos ng anak kay Luke na ikinangisi din ng ina nito

Masyado ata silang spoiled kay Luke kaya nagagawa nila ang mga bagay na iyon. Tulad nalang ngayon na siya ang kumukuha ng pagkain para sa mag-ina habang ang dalawa ay nakangiti siyang pinagmamasdan..

"Thanks Dad you're the best" agad na sagot ni LM ng ilapag ng daddy nito ang pagkain nila

"Your welcome baby" nakangising sagot ng daddy nito saka pasimpleng kinindatan ang mag-ina..

*******

"Mommy I want to be a lawyer someday" sambit naman ng anak ni Sharmine na si Celine

"Bakit naman Ate?" tanong ng ina nito habang sinusubuan ang bunso nilang kapatid na lalaki na si Sky..

"Gusto niyang ipagtanggol ang mga naapi at bigyan ng hustisya ang mga nangangailangan nito Hon right Ate?" nakangsing sagot ng asawa nito habang nakaakbay sa anak na tumatango-tango

"If that's what you want Ate, were here to support you" nakangiting sagot ng mommy nito saka niyakap ang panganay na anak nitong si Celine...

*******

"Daddy, Kuya Brail said that he want to marry a girl whose like mom" nakangsing sambit ni Bryan sa daddy nitong si Ken

Napangisi naman ito at saka pinasadahan ng tingin ang asawa nitong masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan..

"Is that true Brail?" tanong nito sa panganay na anak na nakatingin din sa Mommy nito habang nakangiti

"Yes Dad, I also want to find and marry a girl whose like my mom" nakangising sagot nito sa daddy niya saka nagpatuloy sa pagkain sabay namang ginulo ng kanilang ama ang buhok nilang dalawa ng kapatid...

"Alright then we will find that girl Brail" sagot ng daddy nito saka kinindatan ang anak at ang asawa nitong bumaling ang tingin sa gawi nila...

*******

"Hoy ano na kailan niyo sila ipapakilala samin?" pagpupumilit na tanong ni Trix sa dalawang kaibigan nitong sina Migz at Marvy

"Malapit na bakla, wait ka lang" sagot sa kaniya ni Migz na siyang ikinailing ng kaibigan

"Baka naman isa lang yan sa mga nanloloko sa inyo ah, naku umayos kayong dalawa" sambit pa niya saka pinasadahan ng tingin ang mag-aama niya

Dugdug.Dugdug

Agad na nabalik ang tingin niya sa dalawang kausap ng bigla siyang kindatan ng asawa niya habang nakangisi naman sa kaniya ang panganay niyang si Brail

"Hindi nga babae, matagal na namin silang nakakasama maging magulang namin knlws na at ganun din ang mga parents nila oh diba kaloka ang kagandahan namin!" sagot sa kaniya ni Marvy habang nakatingin sa salamin

"Oo na, saka tama na nga yan kakalagay mo ng make-up sa mukha mo nagmumukha ka ng clown tingnan mo si Migz---

"Oha simple lang ako ngayon bakla sabi kasi ni bebe Floyd ko maganda daw ako lalo na kapag simple lang" putol ng kaibigan dito habang napopose ng mga cute at usong pose sa salaming kaharap..

"Natural na ganda daw Marvy kaya kung ako sayo pumunta ka na ng restroom ng maipakita mo ang natural na ganda dito kay bakla" nakangising utos nito sa kaibigan na siya naman sinunod ni Marvy

"Makikita mo bakla ka! Just wait and see" maarteng sambit nito sa kaibigan habang naglalakad papuntang restroom may pahabol pa itong kindat na siya namang ikinairap ni Migz

********

"Kamusta na?" tanong ni Ayine ng madako sa gawi ng kaibigan nitong si Kaizer

"Ayos naman, kayo?" nakangiting sagot sa kaniya ng kaibigan habang pinagmamasdan ang kani-kanilang pamilya

"Ok lang din naman, masaya" nakangiting sagot ni Ayine saka kumaway sa anak na sinisigaw ang pangalan niya..

"Ang saya nilang tingnan noh, hanggang ngayon nakakamangha parin isipin na lahat tayo may kaniya-kaiyang pamilya na" dagdag pa ni Ayine na ikinatingin sa kaniya ni Kaizer

"S-Salamat sayo Ayine, dahil kahit kaunting panahon nakasama kita at pinarealize mo sakin na mas mahalaga ang mag-ina ko noon" nakangiting sambit ni Kaizer sa kaibigan

"Thank you din dahil sa panahong yun napasaya moko, at naging masaya tayo pareho at dahil din sa naranasan natin na iyon nahanap natin yung talagang nakatakda satin" sagot naman ni Ayine saka binigyan ng yakap ang kaibigan

"Wala namang nagbago, at walang magbabago sinubok lang siguro tayo ng tadhana dahil minsan kailangan din nating masaktan para mahanap natin ang tunay na pagmamahal" dagdag niya pa

"Tama ka, tara na mukhang hinihintay na tayo ng pamilya natin" yaya ni Kaizer sa kaniya saka sila sabay na nagpunta at nakisaya sa ginagawa ng sari-sarili nilang pamilya...

At dito nagtatapos ang kwento nila na kahit anong mang pagsubok ang dumating sa kanila sabi nga ni Ayine wala namang nagbago at walang magbabago dahil hanggang sa huli ay sila-sila parin ang magkakasama at magdadamayan sa isa't-isa..

May nasaktan man, wala na iyon sa kanila dahil nahanap na nila ang tunay na pag-ibig at nakatadhana para sa kanila. Hindi nga naman maiiwasan ang hindi masaktan dahil hindi mo naman mahahanap ang tunay na pagmamahal kung hindi ka nagsasaktan..

Magkatambal talaga sila..

Kung magmamahal ka, dapat handa ka ring masaktan. Hindi yung puro nalang saya o kaligayahan, kailangan din natin ng problema o pagsubok para mas lalong tumatag ang samahan...

Wag lang panghihinaan ng loob at wag kaagad sumuko dahil lahat ng problema o oagsubok na dumating may solusyon yan. Hindi niya tayo bibigyan ng problema o pagsubok na hindi natin kayang solusyonan, maghintay lang tayo ng tamang panahon para masolusyunan at malampasan natin ito..

Nandyan naman ang mga kaibigan at pamilya natin para tulungan at siyang maggabay sa atin.Tandaan natin na hindi tayo nag-isa. Wala ka mang kaibigan o pamilya nandyan naman siya, basta magtiwala ka lang sa kaniya at hayaan mo siyang kumilos sa buhay mo..


WHEN HE CHEATED ON ME (BOOK 2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon