CHAPTER 8: SECRET ADMIRER II

388 9 0
                                    

AYINE's POV

After that scene naging ok naman na dahil hindi na kami nagpansinan pa kaya wala naring naganap na asaran. Itunuon ko nalang yung pansin ko sa pinag-aaralan namin dahil habang tumatagal medyo nagiging komplikado na ang mga tinuturo sa amin

Ganito pala talaga kapag college minsan nawawalan ka na ng free time dahil sa mga assignments na kailangang gawin at ipasa sa itinakdang araw at oras minsan nakakapagod rin pala mag-aral hayst

"Ayine tara kunin na natin yung libro natin sa locker room" pang-aaya sakin ni Ariana kaya naglipit nako ng mga notes ko at sinabayan siya papuntang locker room para ibalik tong libro na nagamit namin at kumuha ng panibago na gagamitin namin mamaya

"Mukhang hindi na nagparamdam yung secret admirer mo ah" sambit niya ng makapasok kami ng locker room.. napailing naman ako sa kaniya
Baka nga nagkamali lang yun ng lagay sa locker ko eh hayst ewan ayokong isipin

"Tss.mabuti narin yun Ariana para wala nakong iisipin at poproblema--" hindi ko naituloy yung dapat kong sabihin dahil sa pagkabigla parang makakain ko yung mga sinabi ko kanina dahil meron na namang nakalagay sa locker ko

"B-Bakit may problema ba?" takang tanong ni Ariana at sumilip sa locker ko dahilan para mapatigil din siya.Nagkatinginan kami at muling napatingin sa locker ko gusto niyong malaman kung ano yung nandoon? May isang red rose, chocolates at envelope

"Mukhang nagkamali ako na hindi na nagpaparamdam yung secret admirer mo ayan oh" sambit niya sabay iling napabuntong-hininga nalang ako at kinuha na yung dapat kong kunin sana hindi ako istorbuhin kakaisip kung kanino ba talaga to galing?

"Uy teka hindi mo ba kukunin? Ferrero Rocher yan sayang" pigil niya sakin ng isara ko yung locker ko..Yes Ferrero yung chocolates at nasa heart-shaped na lalagyan siya may kamahalan din yun sa pagkakaalam ko at isa yun sa favorite kong chocolates

"Mamaya nalang siguro mamaya may makakita pa eh" sagot ko at kinuha nalang yung envelope at tuluyang isinara yung locker ko ano na naman kaya ang nakasulat dito?

"Ako na magbabasa Ayine para may feelings" sambit ni Ariana sabay kuha sakin ng envelope napailing nalang ako may nalalaman pa siyang 'para may feelings'

"Your secret admirer" panimula niya yun kasi ang nakalagay sa labas ng envelope yung initial na naman na Y.S.A. Binuksan niya yun at binasa gamit yung mata niya napahinto naman siya kaya tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagtataka

I don't wanna fall to pieces
I just wanna sit and stare at you
I don't want to talk about it
I don't want a conversation
I just wanna cry in front of you
I don't want to talk about it
'Cause I'm in love with you

"Ano raw hindi ko gets!" nakangusong dagdag niya after niyang basahin yung nakalagay napailing naman ako for sure karugtong yan ng una niyang binigay sakin 'Fall to Pieces' ang title natatandaan ko na

"Chorus ng Fall to Pieces yan Ariana karugtong ng una niyang ibinigay remember?" sagot ko at kinuha sa kanya yung envelope at isinilid ko sa bag ko at nauna ng maglakad kung sino man siya inaamin ko naaapreciate ko yung effort niya this is the second time na binigyan niya ako ng mga yun pero sana malaman niyang may boyfriend nako

At baka kapag nalaman na niya itigil na niya to dahil wala din naman tong pupuntahan ayokong masaktan siya pero hindi naman yun maiiwasan lahat ng tao nasasaktan.. pero sana itigil na niya to ayokong umasa siya at masaktan ng dahil sakin

Kahit nga si Kaizer masasaktan hindi niya to alam dalawang beses na nangyayari pero hindi pa rin niya alam ayoko kasing mag-away kami ng dahil lang dito at alam ko darating rin sa point na ititigil to ng nagbibigay sakin kung sino man siya salamat pero mali to

"Uy hintayin mo ko" habol sakin ni Ariqna kaya bigla akong napahinto halos makalimutan kong kasama ko pala siya hayst Ayine tama na kakaisip dyan hindi ka na naman makakapag-isip ng maayos dahil dyan

* * * *

Natapos ang klase at kahit papaano nakapag-aral naman ako ng matino may ilan-ilan din naman akong natutunan yung iba siguro mamaya nalang sa bahay nag-take down notes naman ako kanina

"Ayine tara na!" agad akong napahinto sa pagliligpit ng gamit at napatingin sa labas nandoon na sila Sharmaine ang bilis naman ang tagal kasing mag-dismiss ni Ms. kaya ganun

"Ariana una na ko ah andyan na sila eh" paalam ko at isinukbit yung bag ko..papaalis na sana ako ng bigla niya akong hilahin pabalik muntik pa nga akong matumba eh buti nalang napahawak ako sa upuan

"S-Sorry pero naalala ko lang paano na yung nasa locker mo?" sambit niya dahilan para mapahinto ako at mapapikit oo nga pala mukhang hindi ko siya mauuwi sa bahay

"Bukas nalang siguro no choice eh" sagot ko sabay naman kaming napangiwi hayst ang hirap naman ng buhay ko ngayon ang dami na ngang assigments nakikisabay pa yun

Nang makalabas ay agad akong inakbayan ni Kaizer na medyo ikinailang ko medyo naguguilt ako sa hindi pagsabi sa kaniya..wala kasi akong lakas ng loob para sabihin kahit nga kay Trix hindi ko masabi eh

Ayoko kasing pag-awayan namin yun pero alam ko naman na may tiwala sakin to at hindi ko yun sisirain alam ko naman yung limitasyon ko maghahanap nalang siguro ako ng tamang pagkakataon para sabihin sa kaniya


Q: Sa pangalawang pagkakataon ay nakatanggap na naman si Ayine na galing sa Secret Admirer niya, ito kaya ang ang ikasisira ng relasyon nila ni Kaizer?

WHEN HE CHEATED ON ME (BOOK 2) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now