CHAPTER 16: PROJECT

343 5 0
                                    

AYINE's POV

Simula ng umalis si Ariana si Ash ang naging katabi ko at medyo ok naman siya minsan nga lang medyo maiinis ka sa sobrang daldal niya minu-minuto may ikinukwento pero minsan naman masaya sila kasama ni Ash

Si Luke? nagkakausap lang kami pag tumatambay ako sa tambayan namin minsan naman hindi kasi natutulog siya saka may pagkakataon na hindi ko siya kinakausap dahil sa sobrang sungit, bipolar ata yun eh minsan mabait then bigla bigla nalang masusungit

"Ok class ito na yung pinakahihintay niyo, magkakaroon na kayo project for foundation day" sambit ni Ms.Sy kaya agad akong nakinig this is it ang tagal ko tong hinintay sila Trix kasi nung nakaraang linggo 1 week silang nagbooth sila Troy at Ken naman tapos narin sila muna bago sila Trix habang sila Migz after namin

"Actually kayo ang pinakaswerteng group dahil sumakto sa foundation day so I expect na mas gagandahan niyo yung mga booth niyo" dagdag pa ni Ms.Sy hmm. ano kayang booth ang maganda? yung patok na patok sa foundation day? tiyak maraming pera yung mga students sa ganoong araw

"So by row ang group natin para mabilis tayo KC ikaw ang leader assistant mo si Kyle , row 2 Ayine assistant mo si Luke, row 3 Kate assistant mo si Mark, row 4 May assistant mo si Kurt, and last row April assistant mo si Jake" pag-gogroup ni Ms.Sy sakto naman at magkakarow kaming apat then makakasama din namin si Miya at Ken so 6 kami sa group

"So gagawa kayo ng tatlong booth kailangan walang magkakamukha project niyo to 60% ng grade niyo, magbibigay ako ng additional points sa pinakamaraming mabebenta" sambit ni Ms.Sy saka idinikit sa board yung rubriks mayroong cleanliness, Cooperation, Originality, at Overall mukhang kaya naman namin yun

"Sa originality papasok dyan yung mga booth niyo 20 points kaagad kapag kayo lang ang mayroon ng ganoong booth sa lahat 15 kapag dalawang booth lang ang natatangi sa lahat at 10 kapag isa lang kaya kailangan magkakaiba kayo" dagdag pa ni Ms.Sy saka kami tiningnan na mga leader ang hirap naman nun limang grupo kami then 3 booth each group tapos kailangan walang magkakamukha? hayst

"Sa cleanliness alam niyo naman siguro yan, make sure na may basura han kayo 20 points yan kaya dapat maging responsable kayo at sa Cooperation, titingnan namin kung lahat ba kumikilos 20 points din yan so kailangan lahat kayo may gagawin 2 tao sa isang booth" napabuntong-hininga ako kaya namin yan madali namang maglinis ang problema lang baka hindi kami magkanda-ugaga dalawa lang bawat booth paano kung madaming bibili? ayt.

"Last Overall 40 points yan, dahil papasok dyan yung lugar ng pagtatayuan niyo kung akma ba sa booth niyo then kung maayos ba yung pabebenta niyo, kung madaming bumibili, yung mga props na nagamit, at kung yung nagastos niyo ay nabawi niyo at syempre kailangan may tubo kayo" sambit pa niya mukhang kailangan na naming mag-usap-usap ngayon dahil maraming kailangang pagplanuhan may time pa naman bago yung next subject

"So pwedi na kayong mag-usap-usap" sambit ni Ms.Sy kaya agad silang nagpuntahan sakin habang ako naman ay naglabas ng yellow paper para maisulat ko lahat ng bibilhin at gagawin namin

"Ano suggestion niyo guys? yung wala pang nakakaalam at bago lang dito ah" tanong ko at nag-isip rin ano kayang pwedi? hindi naman na pwedi yung fast food dahil sure akong may gagawa na nun dahil yun naman talaga ang kadalasang booth

"Kung magsweets tayo? mga candies ganun" suggest ni Miya napangiti naman ako good idea Miya for sure walang makakaisip nun saka may mga students din naman siguro ang mahihilig parin sa candies like me?

"Oo nga noh pwedi yun doon tayo sa mini forest then yung puno ng narra lagyan natin ng design sabitan natin ng candies then gawing candy booth parang photo booth?" dagdag ni Aki napatingin naman kaming lahat sa kaniya actually mganda yung naisip niya pero mahirap yung ganun madaming kailangan

WHEN HE CHEATED ON ME (BOOK 2) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now