CHAPTER 2: SAVIOR

854 8 0
                                    

AUTHOR's POV

Dahan-dahang naglakad palabas si Ayine upang makahinga ng maluwag sa sobrang dami ng tao sa cr Nagpasya siyang hintayin na lamang ang kaibigan sa labas at sa hindi inaasahan--

"Ay palaka!"
"Ms!"

Agad na tumakbo palapit sa dalaga ang binata kasabay nito ang kaniyang pagtawag kay Ayine na halos hindi makapaniwala sa mga nangyari

Dugdug.Dugdug

Agad na napaayos ang dalaga at napabitaw sa pagkakahawak nito sa dibdib ng lalaking tumulong sa kaniya para hindi siya madulas

"A-ahh S-Salamat" sambit ng dalaga habang inaayos nito ang bag at ang panyong nahulog

'Sayang sana nasapo rin niya yung panyo ko nadumihan tuloy' sa isip ni Ayine habang ang binata ay natulala lang sa nakitang babaeng kaharap

"A-ahh w-walang anuman s-sa susunod mag-iingat ka Ms." naiilang na sambit ng binata

"M-Maxine---

"Ayine?" sabay na napalingon ang dalawa ng marinig ang pagtawag ng kaibigan nito kasabay nun ang mabilis na pagtakbo paalis ng lalaki nang hindi namamalayan ni Ayine

"Uy Ayine nandyan ka lang pala akala ko iniwan mo nako hehe" bungad ng kaibigan na kalalabas lang ng cr agad namang napaharap ang dalaga at napagtantong wala na ang lalaking nagligtas sa kaniya

"M-May hinahanap ka ba?" takang tanong ni Sharmaine ng mapansin ang kaibigang palinga-linga

"A-ah w-wala tara balik na tayo" sagot ng kaibigan at nagsimulang maglakad ng may isang bagay siyang natapakan

"Oh kanino to?" tanong ng kaibigan kasabay ang pagpulot nito sa kwintas na naapakan ni Ayine

Agad itong kinuha ni Ayine at sinuri 'mukhang sa lalaking tumulong sa kaniya ang kwintas na ito' sa isip niya

"T-teka may nakaukit na name oh" turo ng kaibigan agad nila iyong tiningnan ngunit hindi nila mabasa dahil mukhang ibang letra ang ginamit

(まぃね)

"Ano kaya basa dyan?" tanong ni Sharmaine habang nasa kwintas parin ang tingin habang ang kaibigan naman ay tahimik at parang may iniisip pamilyar sa kaniya ang nakasulat pero hindi lang niya matandaan kung saan niya iyon nakita at ano nga ba ang ibig sabihin na iyon

"Hayst tara na nga baka hinahanap na nila tayo" pag-iiba ni Ayine kasabay ang paghila nito sa kaibigan at ang paglagay ng kwintas na napulot sa kaniyang bag

Sino kaya ang lalaking tumulong kay Ayine? At ano kaya ang ibig sabihin ng nakaukit sa kwintas?

* * * *
Trix's POV

"Nasaan na ba yung dalawa? nilamon na ata ng banyo" inip kong tanong kanina pa kasi kami nakaorder lumalamig na nga yung mga pagkain namin kakahintay sa dalawa nag-cr lang daw

"Hay naku tara na nga puntahan na natin--

"Ayan na bro" putol ni Troy sabay nguso sa dalawang parang naglalakad sa ilalim ng buwan

"Ang tagal niyo ahh gutom na kami" bungad ko sa dalawa at ang sagot? wala ngumiti lang sila parehas at umupo na kaya nagsimula na kaming kumain

"Bakit ang tagal niyo?" takang tanong ni Migz sa dalawa dahilan para magtinginan sila mukhang iba yung tingin na yun ah?

"W-wala ang dami lang nakapila" sagot ni Sharmaine at nagpatuloy sa pagkain tumango-tango naman kami pasalamat sila gutom na talaga ako kaya hindi na ko makakapagtanong pa

WHEN HE CHEATED ON ME (BOOK 2) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now