CHAPTER 1 ENROLLMENT

1.7K 16 0
                                    

Ayine's POV

Isang magandang umaga sa inyo! Kakagising ko lang kaya ito ako nagmamadali sa paggayak.Ngayon kasi kami magpapaenroll para sa college at syempre doon parin naman kami sa Saint Joseph ang kaibahan lang bagong campus na siya at hindi na yung tulad ng dati

Medyo bumilis yung storya ko at ngayon college na kami excited na ako sa pagiging college student dito kasi mas konti ang schedule mo at dito masusubok kung ano ba talaga ang propesyon na kukunin mo sa future
Pero kung tatanungin niyo kung ano ba talaga ang nangyari matapos ko sagutin si Kaizer? Hayst medyo naging ok naman after kasi nun balik kami sa klase at doon mas lalong naging issue ang pagiging official namain kahit nga ang mga teacher nun panay ang tukso samin meron din naman iba na sobrang bitter at isa na doon si Kim

Yes si Kim ang kuya ko, After kasi ng klase namin ay nagpunta kami sa bahay para sabihin kila Mom and Dad syempre sobrang happy nila doon para ngang bata si Mom that time mas kinikilig pa siya sakin while Dad uhm ok lang naman din sa kaniya kaso nung makaalis si Kaizer tinanong sakin ni Dad kung alam na daw ba ito ni Kim then nung sinabi ko kay Kim?

FLASHBACK

"A-ano?! k-kayo na?!" gulat na gulat niyang tanong na ipinagtaka ko bakit ayaw ba niya?

"O-Oo bakit may problema ba K-Kim?" takang tanong ko dahilan para matahimik siya sabay tingin kay Dad

"Kim hayaan mo na si Maxine malaki na siya at alam na niya ang ginagawa niya" biglang saad ni Dad kay Kim na nagkapagbuntong-hininga
sa kaniya

"Hayst mukhang wala naman na akong magagawa so fine Congrats Maxine" sagot niya na ang dating sakin ay sarcastic pakiramdam ko galit siya pero bakit?

"D-Dad--

"Its ok Maxine hayaan muna natin ang kuya mo" putol sakin ni Dad kaya bumalik nako sa kwarto ko mukhang galit nga siya ni hindi man lang niya ko niyakap o kiniss na lagi naman niyang ginagawa hayst

END OF FLASHBACK

So yun that night mukhang galit si Kim ewan ko kung bakit pero dati naman na siyang ganian kung anu-ano nalang sinasabi niya sakin na layuan ko daw si Kaizer kasi may naghihintay sakin etc etc

🎵Hello friends Hello my good friends🎵

Pftt..hanggang ngayon pala ito parin ang ringtone ko ewan ko pati ata ako nahawa na kay Kaizer

"Bakla hihintayin nalang namin kayo ni bruha sa school doon na kami didiretso nila Sharmaine"

"Oh sige maliligo nako" sagot ko at ibinaba hanggang ngayon kami-kami parin ang magkakaibigan and Im so thankful to that dahil sa kanila ko naranasan yung 'walang iwanan'

* * * *

"Maxine let's go baka kanina pa sila naghihintay!" rinig ko tawag sakin ni Trix mula sa sala kaya agad akong nagmadali sa pagsusuklay pati yung requirements na kailangan namin ay mabilis ko ding chineck at inilagay sa isang envelope

"Im coming!" sigaw ko pabalik at muling tiningnan yung hitsura ko sa salamin at binibit yung bag at yung envelope ko pababa ng hagdan

"Tara na ang dami daw nakapila baka hindi pa tayo makabili ng school supplies" bungad niya sakin at nagmadaling pumasok ng kotse agad ko namang ibinigay sa kaniya yung susi

SCHOOL:

"Dumating din" bulaslas samin ni Migz kaya natawa nalang kami ni Trix sanay na kami sa kaniya dahil siya ang pinakamainipin saming lahat

"Good Morning" bati nila na agad naming binati pabalik at nagsimulang maglakad papasok ng school

"Sana naman magkakaklase tayo ulit pare-pareho naman tayo ng course" sambit ni Sharmaine hayst sana nga dahil about sa business ang kinuha naming lahat since sa company din naman ng pamilya namin kami magwowork

WHEN HE CHEATED ON ME (BOOK 2) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now