CHAPTER 6: SECRET ADMIRER I

443 9 5
                                    

AYINE's POV

Isang linggo ang nakalipas at naging ok naman ang lahat si Ariana ayun mas lalo kaming naging close halos kami lagi ang magkasama kaso lang hindi siya samin sumasabay sa uwian o kahit magkakaroon kami ng galang magkakaibigan dahil kailangan na daw niyang umuwi at ayaw ng Mom niya na hindi siya umuuwi kaagad

Habang yung nakilala ni Migz? ayun parang ang tagal na namin siyang nakakasama madali siyang pakisamahan at go lang sa lahat ng lakad namin at masaya namin kami doon dahil may kasama nadin si Migz sa twing magpapares-pares kami minsan hindi din maiiwasan magbangayan ng dalawang bakla nayun minsan nakiKisali din si Trix dahil pinag-aagawan ng dalawa yung tatlo Marvy ang name niya 

Sa amin wala yun ewan ko nga ba kay Trix kung bakit ayaw na ayaw niyang ipatawag na bebe si Ken samantalang kami ni Sharmaine kahit anong itawag nila sa dalawa (Troy at Kaizer) sige lang walang problema HAHA!

"Ariana samahan mo ko sa locker room kukunin ko lang yung libro natin" pang-aaya ko ayoko namang pumunta doon mag-isa kaya nagpasama ako kay Ariana nasa kabilang building pa kasi yung locker room dito pero magkakahiwalay bawat section at year

"Oh sige pati narin yung akin tara" sagot niya kaya lumabas kami kaagad kaunti palang naman ang tao sa room dahil maaga pa 7:30 start ng klase 7:10 palang may 20 minutes pa

Nang makarating kami sa locker room namin (section 5) ay agad naming hinanap yung pangalan namin medyo hindi ko pa siya kabisado dahil nung friday lang ako nag-locker dahil nga sa mga libro

Agad kong kinuha mula sa ID ko yung susi at binuksan iyon at laking gulat ko ng may isang teddy bear, red rose at envelope na bumungad sakin paano napunta toh dito? s-saka kanino galing toh? a-at paano nila to nabuksan?

"Uy kanino galing?" tanong sakin ni Ariana ng makita niya rin agad naman akong napatingin sa kaniya at muling tiningnan yung teddybear at yung red rose--

"May envelope basahin mo" turo niya kaya agad ko iyong kinuha at binuksan at binasa ang nakasulat nung una hindi ko siya maintindihan hanggang sa paulit-ulit ko itong binasa

I looked away 
Then I look back at you
You try to say, the things that you can't undo.
If I had my way
I'd never get over you
Today's the day 
I pray that we make it through
Make it through the fall
Make it through it all

Sa pagkakaalam ko lyrics to ng kanta nakalimutan ko kung ano title pero pamilyar sakin yung nakasulat kanino kaya galing to? hindi kaya kay Kaizer? tss ayan na naman siya sa mga pakulo niya---

"Kanino galing?" tanong niya inabot ko naman sa kaniya yung sulat at binasa niya sabay ngisi sakin habang ako ay bumalik sa locker ko at kinuha yung libro na gagamitin namin sa first subject mamaya ko nalang siguro siya kukunin pag-break para mailagay ko na sa kotse ko

"Handwritten talaga ah ang sweet" dagdag niya pa dahilan para mapatigil ako sa pag-aayos ng locker ko agad ko yung kinuha mula sa kaniya ni hindi ko man lang napansin na handwritten siya

"Yiee ang sweet ng boyfriend mo--

"H-Hindi niya to handwritten alam ko yung sulat niya" putol ko sa kaniya na ipinagtaka niya maging ako nagtataka kung hindi siya sino nagbigay nito?

"Uy ayun oh may initial sa gilid ng envelope" turo niya dahilan para mapatingin ako doon ang nakalagay? Y.S.A. so hindi nga si Kaizer ang nagbigay nito

"Your Secret Admirer sino kaya yun?" takang tanong niya agad ko namang kinuha yung teddy bear at yung rose at dali-dali siyang hinila papuntang parking may 10 minutes pa

WHEN HE CHEATED ON ME (BOOK 2) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now