CHAPTER 31: GRADUATION

282 4 0
                                    

TRIX's POV

Hello again! So ito na ang pinakahinihintay naming lahat! Ang araw ng pagtatapos. Ang saya lang, ang sarap sa pakiramdam ang dami din naming pinagdaanan sa pagiging college student.

Pero hindi ko maitatanggi na itl ang pinakamasayang karanasan ko sa buhay. Mas marami kaming nakilala at nakasundo. Kahit minsan may dumadating na problema ay naaayos naman agad basta walang iwanan.

Lalo na yung F4 although si Kuya Kim yung isa pero thankful parin naman kami dahil nakilala namin sila. Sila Ash at Aki na sobrang kulit at the same time may pagkalandi hehe kaya ang dalawang bruha tuwang-tuwa

Si Markie? Naku ganoon parin, laging may sariling mundo kaya minsan kami narin yung nag-aadjust. Nakakausap naman din namin siya pero madalas kay Maxine lang siya nakikipag-usap

At hindi naman ako ganoon ka-tanga (sorry sa term) para hindi malamang may gusto talaga siya kay bessy. Confirmed ko na mga besh! Ito namang si bessy sobrang manhid, ganoon din naman sila Sharmaine, yung mga kaibigan namin.

Siguro dahil magaling talaga akong kumilatis ng tao. Well, sobrang galing ko talaga pagdating sa mga ganian. Minsan daig ko pa ang manghuhula HAHA!

"Ang tagal naman nila baby girl" inip na saad ni Marvy

"Tss. sinabi mo pa" pagsang-ayon naman ni Migz. Sila nalang kasi hinihintay

Oh ayan na pala!

MC: Good Morning, I just want to inform all of you na mag-istart na po ang program

Agad kaming nasipilahan iisa lang naman kami ng course kaya pinagsama-sama na. Kaya sobrang dami at haba ng pila namin. Medyo malapit naman ako kay Maxine dahil C siya D ako. Alphabetical kasi ang arrangement

Nang makaupo ang lahat, sinimulan na ang ceremony at syempre ako bilang isang maganda at mabait na bata di ako nakikinig. Nakakaantok ang daming nagsasalita kahit nga speech ni Maxine wala akong naintindihan e ang mahalaga napicturan at proud ako sa kaniya hehe.

"Uy Trix tayo na tapos na C" bulong sakin ng katabi ko na ikinagulat ko

"Wah! sorry" medyo napasigaw pa ako bago mabilis na pumila sorry na guys lutang lang talaga ako ngayon

"Tutulog-tulog ka bakla ah" tapik sakin ni Migz inirapan ko lang siya bwiset! ako pa naman ang una!

"Beatrix dela Cruz"

Nakangiti at taas noo akong umakyat sa stage ng--

"Beatrix"

Dugdug.Dugdug

"L-Lo?" gulat na gulat kong tawag na ikinatawa niya

"Tss. hindi ka kasi nakikinig kaya hindi mo ako napansin apo buti pa si Maxine napansin ako" natatawa niyang saad, syempre kaclose namin yan ni Maxine kavibes namin yan

"Wah? Lo! namiss kita!" medyo napataas pa yung boses ko. Niyakap ko siya at niyakap naman niya ako pabalik 7 years na ang nakakalipas mula nung huli ko siyang nakita

"I miss you too, Beatrix. By the way here, Congrats apo" nakangiting sagot ni Lolo habang inaablt ang diploma ko

Agad akong nagpasalamat at syempre hindi mawawala ang picture-picture bago ko sila isa-isang kamayan. Nakangiti din akong bumalik sa upuan ko. Dapat pala nakinig ako kah Lolo kanina huhu.

After ng program syempre picture-picture ulit hindi naman mawawala yun. Saka para may remembrance kami. Saka magcecelebrate din kami sa bar konting salo-salo lang naman

WHEN HE CHEATED ON ME (BOOK 2) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now