CHAPTER 21: LOCKED

297 6 1
                                    

AYINE's POV

SCHOOL:

"Baby girl! ayt naku sorna baby girl may research kami nila bruha nung foundation day sarap sabunutan nung teacher namin" salubong sakin nila Marvy ng makarating ako ng school

"Oo nga bakla, sasabunutan ko siya hanggang sa matanggal pati anit niya kagigil! ang pinahirapan kaming lahat!" dagdag naman ni Migz natawa naman ako grabe sila ah as if naman magagawa nilang dalawa yun

"Ok lang naiintindihan ko, beside tinawagan naman ako ni Kaizer at talagang nagkataon na sabay-sabay kayong nagkaresearch?" sambit ko medyo nakakapanghinayang hindi man lang nila naenjoy yung Foundation day

"Hay naku baby girl hindi pa sila tapos na tatlo kaya kami lang nandito" sagot ni Marvy tumango naman ako tinawagan na kasi ako kanina ni Kaizer miss ko na yung Pororo na yun

"Eh sila Ken at Troy?" tanong ko ang alam ko kasi tapos narin silang dalawa eh bakit wala sila dito?

"Naku magpapalate bakla yung dalawang yun kaya tara na" sagot ni Migz sabay hila sakin pinigilan ko nama silang dalawa

"Mauna na kayo guys may ipapamigay pa kasi kaming pictures sa nagpapicture samin nung Foundation e byeee" sambit ko tumango naman sila saka ako iniwan kaya dumiretso nakong student park

Sa student park kasi yung usapan namin at ayun nga pagdating ko doon nandun na sila Ash ako nalang yung hinihintay. Agad naming pinaghatihatian yung mga pictures at isa-isa namin sa kanila ibinigay buti nalang may listahan kami kaya madali lang namin maipamigay

"Oh guys ito yung atin" sambit ko at ibinigay sa kanila isa-isa at yung limang naiwan kinuha ko ang dami ng akin

Yung una samin ni Miya, second yung kaming lahat, third yung kasama ko yung F3, fourth yung ako lang mag-isa and last which is yung panlima kaming dalawa ni Luke yung ginawang example nanghingi kasi ako ng another copy kahapon nung nagprint siya

"Ang daming souvenirs ah" sambit ni Ash habang isa-isang tiningnan yung mga pictures tinabi ko naman na yung akin at nagsimula ng maglakad papasok ng room

* * * *

"Ok class I just want you to know na Im very proud to all of you, you did your project very well at nataasan niyo pa yung expectation ko so dahil doon ang pinakamababa kong naibigay ay 96" panimula ni Ms.Sy nagsigawan naman sila habang ako napangiti lang hindi naman ako ganoon ka-oa para sumigaw

"At may isang group na nakakuha ng perfect score kasama na doon yung additional points dahil sila yung may pinakamaraming nabenta" dagdag pa ni Ms.Sy doon lalo akong napangiti sinabi kasi samin ni Miya na nasa 1k+ lang daw yung kinita ng mga kagroup namin

"Sila ay kumita ng 4,550 pesos at ang nagastos lang nila ay 2k+ kaya sila ang nanalo at nakakuha ng perfect score, walang iba kundi ang group ni Ayine, Group 2!" sambit ni Ms.Sy nagsipalakpakan naman sila habang kami nagkatinginan lang sabay ngiti nakipag-high five pa nga sakin si Ash na katabi ko

"So thank you dahil ipinakita niyo sakin na magagaling kayo at kaya niyo thank you rin dahil mas pinaganda niyo yung foundation day natin dahil dyan exempted na kayo sa research na next project niyo" sambit ni Ms.Sy doon naghiyawan na kami lalo maging ako

Ang hirap kaya ng research naririnig ko palang kay Trix kung paano ayoko ng gawin saka nawawalan na sila ng time because of that kaya sobrang tuwa namin lahat dahil exempted na kami sa research na yan

* * * *
AUTHOR's POV

Heyow! Ayown pasensya na kayo sa kalokohan nila, lalo na yung nanyari kay Ash kawawang bata *iling-iling* may gusto bang kumupkop dun? pwedi naman hehe

"Ayine pinapatawag daw kayo ni Ms.Sy sa gymnasium" sambit ni Miya kay Ayine nasabi na rin niya ito kay Markie kaya nagpaalam na siya para umuwi

May pagtatakang naglakad papunta sa gymnasium si Ayine 'may office naman si Ms.Sy bakit sa gymnasium pa?' tanong niya sa isip niya pero dahil katiwa-tiwala naman si Miya ay sumunod siya

Nang makarating ay agad niyang nakita si Markie kaya agad niya itong tinawag at nagtanong

"I-I don't know, lets just wait her here" sagot ng binata at naupo sa gitna ng gymnasium habang naglibot-libot naman si Ayine

First time niyang pasukin tong gymnasium dahil kahit mag-aapat na buwan na sila dito sa Saint Joseph College ay hindi sila kailanman nagkaroon ng lesson dito

BLAGGG!

Napahinto sila parehas ng marinig ang pagsara ng pinto at ang paglock nito agad silang tumakbo parehas sa pinto at sinubukang buksan iyon ngunit ayaw dahil nga nakalock na ito

"Manong! Manong naman may tao pa dito! tulong!" sigaw ni Ayine habang panay ang hampas sa pinto ngunit mukhang walang makarinig sa kanila dahil nga sa third floor pa ng building ang gymnasium

"Luke pano na yan? paano tayo makakalabas? Were locked here!"  sunod-sunod niyang tanong kay Markie habang panay ang ikot niya hindi na siya mapakali at kinakabahan na siya baka bukas pa sila makalabas sa kwartong iyon

"Calm down, Maxine just calm down, please" pakiusap sa kaniya ni Markie saka siya pinaupo medyo kumalma naman ang dalaga kaya nag-isip na ng paraan si Markie

"Tae nasan yung phone ko?" bulong nito habang kinakapa ang mga bulsa wala dito ang phone niya at mukhang naiwan niya sa room kasama ng bag niya

"Did you bring your phone? lets call Ash or Aki" baling niya kay Ayine agad naman umiling ito dahil naiwan niya ito sa kotse niya

Sabay na napabuntong-hininga yung dalawa dahil mukhang wala na silang magagawa kung hindi hintayin ang pagbukas ng pinto. Agad na nahiga si Markie sa sahig mukhang magagalit na naman sa kaniya ang Manager niya dahil hindi na naman siya makakapasok sa bar

Si Ayine naman ay napatingin lang sa binata habang nakaupo parin sa harapan nito magagalit din sa kaniya ang kuya niya dahil mukhang hindi siya makakauwi ngayon

"By the way, W-We are looking for a girl vocalist do you want to apply?" biglang tanong ng binata na ikinagulat ni Ayine 'Akala ko ba ayaw ng Manager nila ang babaeng vocalist?' tanong nito sa isip

"Bakit ako?" takang tanong niya oo miss na niya ang pagkanta at interesado siya sa sinasabi ng binata pero may pumipigil parin sa kaniyang tanggapin ang offer ni Markie dahil tiyak na hindi siya papayagan ng kasintahan

"I-I already hear you voice right? and I guess pasok ka sa hinahanap namin sa isang vocalist so what?" sagot ni Markie kaya napaisip ang dalaga matagal-tagal na din siyang nag-iisp ng maaari niyang pagkaabalahan tuwing may free time ito at mukhang ito nayun

"If ever, your schedule will be Monday,Wednesday,Friday and Saturday and beside Ash and Aki will be there so you have no reason to worry about" sambit pa ni Markie

'Wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko diba? maghahanap nalang siguro ako ng oras para ipaalam kay Kaize' sa isip ni Ayine saka tumango kay Markie

"Deal, basta ikaw bahala sakin" sagot ni Ayine agad namang tumango ang binata at binigyan ng ngiti si Ayine

Kakaiba ang nararamdaman na saya ngayon ng binata sadya man ang nangyaring ito o hindi nagpapasalamat parin siya kay tadhana dahil nangyari ito


Q: Bakit kaya kakaiba ang nararamdaman na saya ni Markie ng makulong sila sa gymnasium? Sadya ba ito o aksidente lang?

WHEN HE CHEATED ON ME (BOOK 2) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon